Zandra's POV
Sasapakin ko sana siya kahit wala siyang ginagawa ng tumunog yung speaker ng campus.
"Devils and Angels please proceed to the principal's office this instant." sabi nung nagsasalita sa speaker.
Ugh! Wrong timing naman yun. Masasapak ko na eh. Baka sa adventure ko na lang siya sapakin.
By the way, kung hindi niyo alam kung ano yung Devils and Angels, kaming sampu yun. Sila yung Devils at kami naman yung Angels.
Natatawa nga ako eh, kasi yung pangalan ng grupo nila, bagay sa kanila. They are all devils, especially that self proclaimed 'most powerful wizard'. Ugh, he's definetely getting on my nerves!
"Hey, you coming?" bumalik ako sa realidad nung tinanong niya ako.
"Oo, and I can handle myself, thank you very much. I don't want to walk with you
" I said in a very sarcastic way."Who says I'm gonna walk?" tanong niya.
Ugh, magtimpi ka lang Zandy. Don't show him your other self.
Bumalik ako sa katinuan nung hinawakan niya yung wrist ko. What is he doing?!
"What are you doing?!" tanong ko na medyo mataas yung boses.
"Don't mind this, basta wag kang magulo jan, and remain calm." sabi niya sa akin.
Paano ako magiging calm kung nakahawak siya sa akin?! Geez.
Nagulat naman ako nung biglang nasa office na agad kami. So kaya niya pala hinawakan yung wrist ko kasi isasama niya ako. I never knew this guy could be useful.
Luminga ako sa paligid. Kami yung huling dumating doon.
"Okay, dahil kumpleto na kayo, magsisimula na tayo. As you all know, dapat bukas pa yung meeting natin. Pero hindi na ako makapaghintay. Honestly, I want you all to graduate, but..." napatigil siya sa pagsasalita.
"Anyways, sasabihin ko yung pairings niyo para sa trip. Rose Ann, si Patrick ang partner mo. Its better to pair two wizards with the same magic. Carissa, si Renante ang kasama mo. Illusion and wind can be devastating when combined. Daisy, you are with JM. Mara, with Clint and lastly, Zandra, you are paired to Kyle."
What?! Kasama ko sa adventure yang lalaking yan?! Please kill me now!
"Sir, pwede po bang makipagpalit ng partner?" tanong ko kay sir. Ayaw ko kasing kapartner yung lalaking yun.
"Pwede naman, kung yung papayag yung makikipag switch sayo." sagot niya sa akin.
"Mara, palit tayo." sabi ko kay Mara.
"Ayaw ko Zandy. Mas gusto ko pang sumama sa dalawa ang magic kesa sa lima." sabi niya sa akin.
"Dali na... Please..." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Sir, pwede bang ako na lang mag-isa. Isama mo na lang si Zandra kina Clint. Tutal, ayaw din naman niya na ka pair ako." sabi ni Kyle kay sir. Tama yang naisip mo Kyle.
"Sige, kung yan ang gusto mo eh. Zandra, sumama ka na kina Clint."
Yes! Hindi ko alam pero medyo natuwa ako sa sinabi ni Kyle. Ang weird ko today.
Naglakad na ako papunta kina Mara.
"Uy, kawawa naman si Kyle. Dapat hindi ka na lumipat." sabi sa akin ni Mara.
"Eh ayaw kong kasama yun eh. Umiinit ulo ko." sagot ko naman sa kanya.
" Ok, ako na lang ang makikipagpartner sa kanya." sabi niya sa akin.
WHAT?!?! Seryoso siya?!
"Uy Mara, sigurado ka?" pagtatanong ko.
"Mukha ba akong nag jo-joke?" sagot niya. Tss, sasagot na nga lang, tanong din pala ang isasagot.
Pinabayaan ko na lang siya sa desisyon niya. Mukhang yun ang gusto niya eh.
"Ok, nagsabi na sa akin si Ms. Mara na si Kyle na lang daw ang partner niya. Nag-switch sila ni Zandra." pag-a-announce ni Mr. PrincEpal.
Lalabas na sana kami ng pigilan niya kami.
"Sandali lang, ito nga pala yung mga codenames niyo. Kailangan ikabit niyo yan bago kayo umalis." sabi ni sir. Seriously? Codenames? Diba pang agents lang yun? Bakit kaya?
Kinuha naman ito ni Kyle at nag-bow na kami kay sir at lumabas na agad.
Pagkalabas namin, dumiretso kami sa private room ng Devils.
"Ok, makinig kayong lahat, sasabihin ko yung mga codenames niyo." sabi ni Patrick sa amin. Ayun at umupo kami sa sofa.
Rose Ann - The Water Witch
Carissa - The War Maiden
Daisy - Fairy Queen
Mara - Ice Princess
Zandra - Goddess of Time
Patrick - Water Guardian
Renante - Illusion Master
JM - Telekinetic Freak
Carlo - Handsome Legend
Kyle - Ice PrinceAyy, ganun. Goddess of Time yung akin? Ang baduy naman. Sana pwede pang mapalitan yun kaso naalala ko mamaya na nga pa yung alis namin.
Tapos bakit si Mara Ice Princess tapos si Kyle ay Ice Prince? Para tuloy silang magkasintahan dahil sa codename nila. Teka ano ba itong pinagsasasabi ko? Nahihibang na ata ako.
Makapunta na nga lang sa dorm at mag-iimpake na ako.
Nakarating na ako sa dorm. Nagpahinga ako ng mga ilang minuto bago ako nagsimulang mag-impake. After 16 minutes and 37 seconds, natapos na ako.
Humiga na ulit ako sa kama at pumikit. Matutulog muna ako tutal alam ko naman ang oras kahit tulog ako.
YOU ARE READING
The Seventh Soul
Mystery / ThrillerCredits to my sister for the storyline. Credits to MandyWinchester1 for the book cover. 10 students, going on an adventure for them to graduate college. Only 3 will survive. Who will be the lucky student to live a long life?