10

11 0 0
                                    

Zandra's POV

So, nandito na kaming lahat sa bintana. Mabuti na nga lang at malaki yung bintana tapos may parang balconahe pa kaya kami nagkasya. Kung hindi baka naging zombie food na kami.

Habang nag-iisip sila ng plano kung paano sila makakadaan sa sinasabi nilang 'sea of zombies', may pumasok na memory sa utak ko.

Habang iniisip ko yun, hinigit ko si Kyle at pinatahimik kasi parang sisigaw eh.

"Bakit hindi ka nabawasan ng points nung gumamit ka ng magic sa jet?" tanong ko sa kanya. Unfair naman kasi yun. Naka-apat siyang gamit ng magic sa jet.

"Kasi wala pa naman tayo sa mismong set ng adventure. Papunta palang tayo nun. Kaya ito lang masasabi ko sa iyo. Feel free to use your magic kapag nasa jet pa tayo." sagot niya sa tanong ko.

At dun na nagsimula ang mahaba naming sagutan.

Habang nagtatalo kami ni Kyle, may biglang sumigaw. At nang lumingon ako, nakita kong nahulog si Rose. Agad akong pumunta sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya at hinigit pataas.

Nagulat ako ng bigla siyang bumitaw sa kamay ko. At ayun, sa railings ng bintana siya nakakapit.

"Bakit ka bumitaw?!" pasigaw na tanong ko sa kanya. At dahil napalakas yung sigaw ko, sa amin natutok ang atensyon ng mga zombie.

"Siguro naman, isa na ito sa mga emergency situations na sinasabi ni sir diba?" tanong ni Mara na para bang gusto na niyang gamitin yung magic niya.

Pagkasabi niya nun, umilaw yung badge niya at lumabas yung hologram ni sir.

"Katulad ng sinabi mo Mara, isa nga ito sa mga emergency cases. Kapag isa sa inyo ang nasa panganib, kailan niyo na talagang gumamit ng magic. And also in dangerous situations, you can use magic." sabi niya at naglaho na.

Napatango na lang kami. At dahil sa pakikinig namin kay sir, nakalimutan na rin namin na nasa panganib si Rose.

At paglingon namin sa kanya, may nakakapit sa kanya na zombie. At dahil medyo mataba yung zombie na kumapit sa kanya, nahulog siya kasama nito.

"ROSE!!" sigaw naming mga babae.

"Hoy, ikaw self-proclaimed most powerful wizard! Do something!" sigaw ko kay Kyle.

"Well, who do you think has time manipulation magic?" tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako. Oo nga ano? I can reverse time.

Sinimulan ko nang pabalikin ang oras. Pero dahil one minute lang ang kaya kong pabalikin, hindi naging maayos ito. Dahil ang kalagayan ni Rose ay yung sa nakakapit siya sa railings na may zombieng nakakapit sa kanya.

"Someone do something!" sigaw ni Carissa. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganun siya kung mag-alala kay Rose. Magkaibigan kasi sila simula pagkabata.

Nagulat kami ng biglang naging yelo yung zombie na nakakapit kay Rose. Tiningnan ko si Mara at naka-focus siya sa zombie. At unti-unti itong nagka-crack.

Tuluyan nang nabasag ang zombieng made of ice at hinigit na namin si Rose paakyat. Nang mahigit namin siya, bigla siyang napahiga.

Habang nakahiga siya, may napansin akong sugat sa may hita niya. Ibig sabihin nasugatan siya ng zombie na yun.

"Guys, may sugat si Rose!" sabi ko sa kanila.

"Oh no..." sambit ni Daisy.

"Anong ibig mong sabihin ng oh no mo?" tanong ni Carissa na naluluha na.

"Zombie scratches or bites are the only wounds fairies can't heal." sabi niya ng nakayuko.

"Well, this might do." sabi ni Mara at ginawang yelo yung part na may sugat sa hita ni Rose.

"Bakit mo ginawang yelo?" tanong ko sa kanya.

"Para hindi dumaloy yung infection sa kanya. All humans that get scratch or bitten by zombies become zombies. So, kaya ko gimawang yelo is because para ma-prevent ang pagdaloy ng virus mula sa zombie." mahabang paliwanag niya. Sabagay, siya ang pinakamatalino sa aming lima.

"So, what happens kapag natunaw yung yelo?" tanong ni Rose.

"Hindi na yan matutunaw. Permanent na yan jan. Kaya mag-iingat ka kung ayaw mong maputulan ng hita. That ice is easy to break." sabi ni Mara at ginawa nang yelo lahat ng zombie sa baba.

Napatulala na lang ako sa inasta niya. Hindi na siya yung dating Mara na nakilala ko. Ibang-iba na siya. Mula nang sumama siya kay Kyle, nagkaganyan na siya.

Nauna siyang bumaba sa wave of ice na ginawa niya. Pero bago siya makababa nang tuluyan, hinigit siya ni Kyle pataas.

"Ano ba?!" sigaw nito kay Kyle. Bgayon ko lang nakitang sumigaw si Mara.

"Wait lang." sabi na lang ni Kyle. Siya ang unang bumaba at nang dumating siya sa baba ay tinunaw niya yung yelo na ginawa ni Mara.

Akala namin, pag tinunaw mo yung yelo, makakagalaw na ang mga zombies. Pero nagkamali kami. Kasama itong natunaw kasama ng yelo.

Pagkatapos tunawin ni Kyle ang yelo, gumawa si Mara ng ladder made of ice. Isa isa silang bumaba. Si Rose naman, tinutulungan ni Carissa habang dahan dahang bumaba dahil sa hita niya.

Iniisip ko talaga kung anong nangyari kay Mara. Bakit kaya siya nagkaganon? Tiningan kong muli si Mara. Bakas sa mukha niya na parang nasasaktan siya. Sino naman kaya ang nanakit sa kanya? Hindi naman pwede yung ex niya kasi almost 3 years na silang walang communication.

"Ano ba ang ginagawa natin dito? Pinapunta tayo dito ni sir pero walang sinabi kung ano ang gagawin." sabi ni Carlo.

"Now that you've mentioned it, ano nga ba ang gagawin natin dito?" tanong rin ni Daisy.

Muling umilaw ang badge ni Daisy at lumabas ang walang humpay na hologram ni sir.

"Kaya ko kaya pinapunta dito, dahil may kukunin kayong artifact na itinago namin sa lugar na ito. Lahat ng pupuntahan niyo ay may nakatagong artifact na kailangan niyong hanapin." sabi ni sir at naglaho na.

"Okay, yun naman pala eh, so ano pang hinihintay niyo? Tara na!" sigaw ni Ren sabay hatak kay Carissa.

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now