9

9 0 0
                                    

Zandra's POV

Nandito na kami sa gate ng Eastern State Penitentiary. Grabe naman, nakakatakot yung aura nitong lugar na ito.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung gate ng kusa. Ay, hindi lang pala ako ang nagulat. Pati pala sila. Maliban kina Mara at Kyle.

"Guys, pasok na tayo?" tanong ni JM sa kanila.

"Oh sige tara na." pagsang-ayon ni Carlo.

Grabe, parang hindi sila natatakot sa lugar na ito. Kanina pa ako nanginginig sa takot dito.

Bakit kaya dito naisipan ni sir na magtravel? Eh hindi niya ba alam na nakakatakot dito?

Pumasok na kami ng gate at dumiretso sa front door. Biglang bumaliktad ang sikmura ko ng makita ko ang mga sariwang laman ng tao na nakakalat sa may pinto.

Hindi pa man din ako sanay makakita ng dugo. Eh puro dugo yung labas, paano pa kaya sa loob? Baka isa lang ito sa mga pagsubok ni sir. Kung hindi ko ito malalampasan, hindi ako makaka-graduate.

"Jm, patanggal naman nung mga nakaharang sa pinto." request ko sa kanya.

Ginamit naman niya ang telekinesis niya lara hindi na niya hawakan ang mga laman.

Nang matapos na niyang gawin yun, biglang umilaw yung badge niya na bigay ni sir.

Nagulat kami ng may lumabas dun na hologram ni sir.

"Dahil gumamit ka ng iyong magic sa sitwasyong ito na hindi naman emergency, I will deduct it to the points you were given. Lahat kayo ay may 100 points. 10 points ang nababawas kapag gumamit ng magic kapag—" naputol yung sasabihin niya ng biglang nagsalita si Kyle.

"Tapos ka nang magsalita?" tanong ni Kyle.

"Bakit mo pinutol yung sinasabi ko?!" hala, galit na si panot, este si sir pala.

"Gets na kasi namin. At saka alam ko na rin na additional 50 points sa estudyanteng may pinakamagandang performance." kalmadong sabi ni Kyle. Aba, himala ata at hindi siya masyadong nag English.

"Paano mo nalaman yun?!" sigaw ng tanong ni sir.

"It doesn't matter now. What matter is that you are disturbing our little trip here." sabi ni Kyle, sabay lagay ng kamay sa baywang.

Hindi na nagsalita si sir at nawala na yung hologram.

"So I guess 90 points na lang ako." nakayukong sabi ni JM.

Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Magso-sorry ba ako?

"Uhm JM—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil itinapat niya yung kamay niya sa mukha ko na para bang pinapahinto na niya ako.

"Wag mo ng intindihin yun. Ang intindihin mo ay kung anong gagawin natin kapag nakapasok na tayo." sabi niya sa akin habang nakayuko pa rin.

Hala, galit siya sa akin. Ok lang, mas malakas pa rin naman ang magic ko sa kanya.

Unang pumasok si Kyle sa loob. Sabi niya, sisiguraduhin daw muna niya kung walang kung ano man sa paligid.

Pumasok siya at isinarado yung pinto. Para ngang gusto niyang sirain yung pinto sa lakas ng pagkakasarado niya.

Maya maya, biglang umingay sa loob. Yung tunog na para bang nagkakagulo. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyle sa harap namin.

"My guess was right." sabi niya habang nakatingin kay Mara.

Anong ibig sabihin nun?

"Ibig sabihin mga—" pinutol ni Kyle yung sasabihin ni Mara.

"Oo, yun nga." sabay hinga ng malalim.

"Uh, share niyo naman yang pinag-uusapan niyo jan oh." awkward na sabi ni Ren.

"Ganito kasi yun. Nung nasa jet pa tayo, nag-uusap kami ni Kyle kung anong posibleng mae-encounter natin dito sa lugar na ito." paliwanag ni Mara.

"So, ano yung ibig sabihin mo Kyle na tama yung hinala mo?" tanong ni Carlo.

"Zombies." maikling sagot ni Kyle.

"Ano?!" gulat na tanong naming lahat.

"You heard me right. Mga zombie yung nasa loob. Yung pagsara ko ng pinto, sinadya ko yun. Kasi all zombies are attracted to noise." paliwanag ni Kyle sa amin.

"So ano pang hinihintay natin? Let's get inside and kick some zombie asses!" pasigaw na sabi ni Ren.

Tumakbo naman ito papunta sa pinto at akmang bubuksan na niya yung pinto ng pigilan siya ni Kyle.

"You can't do that." sabi ni Kyle.

"Why not?" aba, umi-english rin itong lalaking ito.

"Kasi bago ako magteleport papunta dito sa labas, pumunta muna ako sa second floor ng building at pinagmasdan sila. Yung iba nandun sa main hall. Pero..." itinigil ni Kyle yung sinasabi niya.

"Pero ano?" tanong ko. Eh sa nacu-curious ako eh.

"Karamihan sa mga zombie at nasa likod lang ng pinto na ito." sabi niya at itinuro pa yung pinto na nasa harap namin.

"So, paano tayo makakapasok sa loob?" tanong ni Carissa.

Tumuro naman si Kyle sa taas. May nakita kaming malaking bintana na hindi kataasan.

"Paano tayo aakyat?" tanong ko naman habang nakapamaywang.

"I'll give all of you a boost." simpleng sagot niya ng hindi ako tintingnan.

"Paano ka naman?" tanong ni Mara.

"I'll teleport." kahit kailan ang tipid talaga magsalita nito.

"Pero mababawasan ka ng points." sabi ni Mara na para bang nag-aalala siya dito.

"Wala akong pakialam kung mabawasan ako, ang gusto ko lang ay matapos na itong adventure natin dito para makapunta na tayo sa susunod na destination." sabi ni Kyle. Shet naman oh, kahit tagalog yung sinasabi niya, parang mano-nosebleed pa rin ako.

"Ano kaya kung yung mga partners na lang natin ang magbuhat sa atin pataas?" request naman ni Mara. Hmm, I smell something fishy here.

"Ok, call." pagsang-ayon namin.

Naunang umakyat si Carissa. Parang tanga kasi si Ren eh. Sinisilipan si Carissa. Hahaha. Mabuti nga at nakaakyat pa si Carissa eh.

Sumunod naman si Rose. Saglit lang siyang nakaakyat dahil binuhat agad ito ni Patrick. At dahil matangkad si Patrick, walang naging hirap ang partner niya sa pag-akyat.

Pangatlo namang umakyat si Daisy. Gagamit na naman sana si JM ng telekinesis niya pero pinigilan siya ni Daisy. Kaya ayun, nahirapan si JM kasi maliit lang siya at medyo chubby pa si Daisy.

Si Mara yung sumunod kina Daisy. Nung binuhat na ni Kyle si Mara, parang may kumirot sa puso ko. Nakatulala lang ako sa kanila hanggang nakaakyat na sa taas si Mara.

Ako yung huli umakyat. At dahil sobrang tangkad ni Carlo, mas matangkad pa siya kay Patrick, wala akong kahirap hirap na nakaakyat.

Yung mga lalaki naman, nagkanya kanya nalang at nagteleport na si Kyle.

Nang makapagteleport na si Kyle, umilaw yung badge niya at may ipinakita na 90. Ibig sabihin, nabawasan siya.

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now