3

22 0 0
                                    

Kyle's POV

"Ehem."

Ay, nandito pa nga pala itong mga babaitang ito.

"Sabi nga pala ni sir, kailangan daw nating malaman ang background ng bawat isa." sabi ni Rose Ann.

"Okay. Simulan mo." sabi ni Pat.

"Nanggaling ako sa angkan ng pinakamagaling na water bender. Ang aking lolo ay ang legendary water bender. Nagturo siya dito sa school na ito 90 years ago. Ngayon, nag-aaral ako dito para sundan ang yapak ng aking lolo." sabi ni Rose Ann.

"Ang magic ko ay wind. Hindi ako galing sa angkan ng mga kilalang wizards, kaya pinaghuhusayan ko ang pag-aaral ko rito sa school para ako ang unang makilala sa angkan namin." sabi ni Carissa. Nag nod naman kami.

"Isa akong fairy. Kakaiba ang magic ko sa inyo kasi healing ang magic ko. Kaya kong buhayin muli ang isang patay na tao. Ako lang ang nag-iisang fairy sa angkan namin." sabi ni Daisy.

"May sugat ako sa may likod. Pwede mo bang pagalingin yun?" tanong ni JM.

Tinignan lang siya ni Daisy at gumaling na ang kanyang sugat.

"Ang magic ko ay ice. Sabi ng ibang tao, my magic matches my personality. Cold daw kasi ako. Hindi naman ako cold eh. Its just a mask to hide my true personality. Cold man ako outside, caring naman ako inside." sabi niya. Akala ko talaga cold siya.

"I'm a one of a kind witch. My magic is very rare. It is called time manipulation. I can reverse time pero hanggang 1 minute lang ang kaya kong ibalik dahil hindi ko pa na mamaster ang magic ko." paliwanag niya. Wow, magkatulad pala kami. Pero mastered ko na yung magic ko.

"Ok, dahil tapos na kaming mga babae, kayo naman." sabi ni Rose Ann.

Zandra's POV

"Kagaya ni Rose Ann, isa din akong water bender. Ako lang ang nag-iisang water bender sa pamilya namin. Lahat sila ay fire bender. And ako lang common magic type sa grupo namin." paliwanag ni Pat. Kaya pala nasa tubig siya. Pero ano daw? Siya lang ang common magic type sa kanilang lima?!

"Ang magic ko ay illusion maker. Isa din siyang rare magic pero dahil hindi ko pa siya mastered, medyo risky kung gagamitin ko siya." sabi ni Ren. Ayan na, ang simula ng rare magic sa grupo nila.

"Ako ay may telekinesis. Kaya kong pagalawin ang mga bagay nang hindi ko hinahawakan. Isa ako sa tatlong telekinesis user sa school na ito." sabi ni JM.

"Wait, tatlo lang ang telekinesis user dito sa school?" takang tanong ni Mara.

Tumango naman si JM.

Wow, nakakainggit naman yung mga magics nila. Ano kaya ang magic nung mayabang at cold na lalaking yun?

"Sa buong wizarding world, ako lang ang nag-iisang wizard na may dalawang magic. Body manipulation at super speed. Kaya I'm considered one of the four legends." sabi ni Carlo.

Napanganga naman kami. Dalawa ang magic niya? Posible ba yun?

"Kung dalawa ang magic mo, edi mas malakas ka kay Kyle? Eh bakit siya ang leader ng grupo niyo?" tanong ko sa kanya sabay tingin kay Kyle.

"Woah, easy lang. Una sa lahat, mas malakas siya sa akin, at pangalawa, wala ako sa posisyong magpaliwanag kung bakit siya ang leader namin." sagot ni Carlo sa mga tanong ko.

Mas malakas si Kyle? Eh dalawa ang magic ni Carlo?

"Sa sinabi ni Carlo, ako yung isa dun sa apat na legend. At sa buong wizarding world, ako lang ang lima ang magic. Pinakamastered ko ng magic ay ang teleportation at pyrokinesis. Enhanced senses, invisibility at shapeshifting yung tatlo. Ako ang pinakamalakas na wizard sa buong mundo." mayabang na sabi nito.

Kung napanganga kami kay Carlo, lalo kaming napanganga sa sinabi ni Kyle. Lima?! Kung dalawa, maniniwala pa ako, eh lima yun?!

"Wait, diba ang pyrokinesis at fire ay iisa lang?" tanong ni Carissa.

"Magkaiba yun. Ang fire ay pagko control lang ng apoy. Hindi nila kayang gumawa ng apoy gamit ang kamay lang nila. Kailangan may apoy para maka atake sila. Ang pyrokinesis ay kayang gumawa ng apoy ng gamit lang ang kamay nila. Kaya rin nilang mag create ng creatures made up of fire. And they can change forms too." paliwanag ni Carlo.

"Paano mo nalaman yung information na yun kung body manipulation at super speed ang magic mo?" tanong ni Mara.

"Kasi nakita na namin siyang ginagawa yun." sagot ni Carlo sabay turo kay Kyle.

"Nakapag-change form ka na?!" gulat na tanong ko.

Tumango lang si Kyle.

"Anong itsura mo pag nag change form ka na?" tanong naman ni Rose.

Bigla namang nag-apoy yung kamay niya na parang natutunaw. Ang galing, tapos bumalik na agad sa dating anyo.

"Oh, akala ko ba mastered mo na yung pyrokinesis?" tanong ni Rose Ann.

"Hello? Gusto mo bang matunaw tayo dito lahat?" sarkastikong tanong ni Pat.

"Anong matunaw?" tanong ulit ni Rose.

"Kapag kasi full transformation yan si Kyle, lahat ng malapit na bagay sa kanya natutunaw." paliwanag ni Ren.

"Kahit gaano pa karaming apoy ang ilabas niyan, kaya kong patayin." sabi ni Rose. Aba, nagyayabang na rin itong babaitang ito ah.

"Minamaliit mo ba ako?" tanong ni Kyle ng nakataas ang kilay.

"Oo, kasi isa kang weak." sagot pabalik ni Rose. Hala, umatake na nan ang pagiging mayabang niya.

"Daanin nalang ninyo yan sa isang magic battle." suggest ni Mara.

"Oo nga naman." pagsang-ayon ng apat na kasama ni Kyle.

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now