11

20 1 0
                                    

Kyle's POV

Nang malaman ko na may artifacts na dapat naming i-retrieve, kinabahan ako. Masyadong sigurong mapanganib ang pinaglalagyan ng artifact na yun.

Matapos hilahin ni Ren si Carissa, sumunod na kami. Bale kami ni Mara yung nasa pinakalikod. Ewan ko ba at parang ang gaan ng loob ko dito sa babaeng ito.

Tinahak namin ang malawak na hallway patungo sa aming destinasyon. Habang naglalakad kami, nagpa-plano kami kung anong gagawin namin kapag nakita namin ang artifact na iyon.

"Guys, hindi kaya nasa gitna ng lugar na ito yung artifact?" tanong ni JM.

"Pwede rin yung naisip mo pero sa tingin ko baka nasa basement eh." sagot naman ni Carissa.

"Maghiwahiwalay na lang muna tayo. Bale dalawang grupo na apat ang magkakasama at isang dalawa lang." suggest ni Zandra.

"Great, kami na lang ni Mara ang hihiwalay sa dalawang grupo." sabi ko.

Nagsitinginan naman yung mga tropa ko sa akin na para bang may mali ang akong sinabi.

"Bakit?" tanong ko na lang. Medyo awkward na rin kasi eh.

"Wala naman hehe." sabi ni Carlo. Is it me or awkward talaga yung tawa niya?

"Okay, sina Carlo, Ren, Zandra, at Carissa ang magkakasama. Tapos yung apat na natitira, yun ang magkakasama." sabi ko.

Tumango naman sila bilang pagsang-ayon. At naghiwa-hiwalay na kami.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Mara sa isang mahabang hallway.

"Sa tingin mo, saan nakatago yung artifact?" pagbabasag ko ng katahimikan namin. Nakakabingi na eh. Sobra.

"Sa tingin ko sa isang lugar na hindi obvious na pagtaguan ng isang bagay." sagot niya sa tanong ko. "Unlike sa mga sinabi nung dalawa kanina. Hindi naman ipapahanap sa atin ni sir yun kung madali lang hanapin eh." dagdag pa niya.

Kung sabagay may punto siya. Kasi kung alam naman ni sir yung location nang artifacts, hindi na niya kami kailangang ipadala dito sa lugar na ito.

"So, any suggestions kung saan natin makikita?" tanong ni Mara sa akin.

Napaisip naman ako. Hmm, saan bang parte sa loob nang isang malaking kulungan ang pwedeng pagtaguan ng gamit?

"Try natin na hanapin sa—" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil may nalaglag na zombie sa akin.

"Kyle!" sigaw ni Mara.

"Go! Save yourself! Hanapin mo na yung kailangan nating hanapin!" sigaw ko sa kanya.

"Pero—"

"Just go..." sabi ko na lang.

Nung nakita ko siyang tumakbo, ginamit ko na ang aking invisibility para makatakas ako sa zombie.

Nung sisimulan ko nang tumakbo patungo sa direksyon nung tinakbuhan ni Mara, bigla nalang dumami yung mga zombie sa paligid ko.

Anong gagawin ko? Hmm, hindi naman ako pwedeng magtransform dito kasi matutunaw lahat nang malapit sa akin. Kung sabagay pwede rin para madaling mahanap yung artifact. Pero kapag ginawa ko naman yun, madadamay yung mga kaibigan ko. Oo, cold ako pero may concern pa rin ako sa kanila kasi sila lang talaga yung mga tunay kong kaibigan.

*BOOGSH*

Napabalik ako sa katinuan nung natumba ako. Nabangga pala ako nung isang zombie. Buti nalang invisible ako kundi baka zombie meat na ako ngayon.

Tiningnan ko naman yung zombie na nakabangga sa akin, parang hinahanap niya kung sino yung nakabangga niya, which is me. Agad naman akong tumayo at dahan-dahang naglakad palayo sa mga zombie na ito.

Mabuti na lang nakalayo agad ako sa mga yun. Kinabahan kasi ako dun. Hindi naman sa natatakot ako pero iba yung kaba na nararamdaman ko. Sumandal muna ako sa isang poste dahil nakaramdam ako ng panghihina ng pagsakit ng ulo. Ngayon ko lang ito naramdaman. Ever since I was a child ay hindi pa ako nagkakasakit. Para na rin akong may magic na healing dahil sa pyrokinesis ko. My body is made of pure fire na kapag pinasabog mo ito ay babalik pa rin ang mga particles para mabuo ulit ang katawan ko.

Ako at pamilya ko lang ang nakakaalam nito. Kahit sina Carlo ay hindi ito alam kahit na sobrang close kami sa isa't isa.

Ay oo nga pala, si Mara nga pala, baka kung napaano na yun. Baka sa akin pa siya hanapin nung leader nilang sobramg taray. Kaya naman sinimulan ko ng tahakin ang daan na dinaanan niya kanina.

Pagdating ko sa dulo nung hallway, nakita kong andaming pinto. Hindi ko alam kung saan at alin ang bubuksan ko kaya ginamit ko na ang senses ko. Alam kong hindi ito emergency pero wala akong pake sa points na yan. Kaya ngayon 80 nalang ako.

Nakita ko siya na nakahiga sa may malaking kama na ang papasukang pinto ay yung nasa pinakang-dulo. Kaya naman pinuntahan ko na siya.

Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

After 3 long months, nakapag-update din ako. Medyo busy kasi nag-iintindi ako para sa graduation ko. Hope you understand.

Lovelots ♥♥♥

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now