4

16 0 0
                                    

Zandra's POV

Lumabas na kami at pumunta sa battle field. Malakas ang kutob ko na matatalo dito si Rose.

"Rose, masama ang kutob ko, wag mo nang ituloy ito." pagsasaway ko sa kanya na nagsusuot ng battle gear.

"Zandy, alam ko ang ginagawa ko, okay? At saka, hindi naman daw lagi full power kung lumaban si Kyle." sabi naman niya sa akin.

Hays, pinabayaan ko na lang siya. Ang kulit kasi ng lahi nitong babaeng ito.

Nakita ko naman sa kabilang side ng field si Kyle. What?! Lalaban siya ng naka school uniform?! He must be crazy.

After 3 minutes, dumating na yung magsisilbing referee ng laban.

Pinapwesto na yung dalawa at nag bow.

Unang umatake si Rose. Gumawa siya ng malaking bola ng tubig. Inihagis niya ito kay Kyle at pinalibutan ito. Pinaikot ikot niya yung tubig ng matagal na oras. Titig na titig lahat kami sa tubig kaya hindi namin pinapansin si Rose.

Bibilang na sana yung referee ng makita namin na tumalsik si Rose. Nagulat naman kami at napatingin sa pwesto ni Rose. Nakita namin dun si Kyle na nakatayo.

Tumayo naman agad si Rose at umatake ulit. This time, maliliit na water shurikens na lang ang ibinabato niya para makita niya si Kyle kung nagteleport. Nung ibinato na niya yung shuriken, tumingin agad sa likod si Rose. Akala niya magteteleport si Kyle sa likod niya.

Humarap ulit siya at bumato ng bumato. Pero may dalawang meters pa ang layo ng shuriken ay nag-e-evaporate na ito.

Dahil sa sobrang pag-atake ni Rose, napagod agad siya. Kaya kinuha ni Kyle ang pagkakataon para umatake.

Nagulat kaming lahat ng magpakawala siya ng isang malaking phoenix at bumulusok papunta kay Rose. Gumawa naman siya ng isang malaking water barrier. Nawasak ng phoenix ang barrier at nagcrash ito sa kanya. Malakas ang impact kaya medyo nagkahukay sa field.

Nang mawala ang usok, agad kaming lumapit kay Rose. Nakita namin na puro sugat siya at walang malay.

Aatake pa sana si Kyle pero pinigilan ko siya.

"Tama na! Papatayin mo siya oh!" sigaw ko sa kanya.

Tumigil naman siya at bigla na lang nawala. Nagteleport siguro kung saan.

Tumingin ulit ako kay Rose. Yan ba ang hindi lumalaban ng full power? Nagpapatawa siya ha*insert sarcasm*.

"Hoy! Kayong apat! Bakit hindi niyo pinigilan yung kaibigan niyo?! At saka bakit siya lumaban ng full power?!" sunod sunod na tanong ko sa apat.

"Kaya hindi siya pinigilan kasi hindi pa full power yung gamit niya." sagot ni JM.

"Anong hindi?! Eh naglabas na siya ng phoenix?!" tanong ko ulit.

"Ang full power ni Kyle ay ang paggamit niya ng lahat ng magic niya. At kung full power yun, wala pang isang minuto tumba na agad ang kalaban." sabi naman ni Carlo.

Napanganga na naman ako. Gaano ba kalakas yung hinayupak na yun?

Napatingin na lang ulit ako kay Rose. Ang yabang yabang kasi. Yan tuloy, ganyan ang napapala niya. Kung hindi ko lang ito kaibigan, baka gawin ko din sa kanya yung ginawa ni Kyle.

Dinala na namin itong babaitang ito sa ward. Mabuti na lang at telekinesis ang magic ni JM. Hindi na kami nahirapan pagbubuhat dito.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak nitong babaeng ito at kinalaban pa niya si Kyle? Sinabi na nga niya kanina na siya ang pinakamalakas na wizard sa buong mundo eh.

Antanga din naman niya eh. Lumabas na muna ako ng ward. Pumunta ako sa school garden para magpahangin. Uupo na sana ako sa ilalim ng puno na may nakita akong bag.

Sino kaya ang nakaiwan nito? Dadamputin ko na sana ito ng may symbol akong nakita sa bag. Limang symbol to be exact. Parang kilala ko na kung kanino ito.

Gumalaw naman yung bag. At nagulat ako ng may lumitaw na tao. Sinasabi ko na eh. Ang taong nagpapainit ng dugo ko. Kahit kanina lang kami nagkakilala.

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now