13

11 0 0
                                    

Mara's POV

Hinihintay namin si Kyle bago kami umalis. Nag-insist pa nga si Ren na mamaya mag-take off yung jet nung lumipas na yung 30 minutes. Kaya naman nag-extend pa kami ng another 30 minutes nang paghihintay. Pero tapos na lang ang 30 minutes eh wala pa rin siya.

"Alam niyo, nagugutom ko. Hindi pa ako nagtatanghalian." sabi ni Carlo sabay hawak sa kanyang tiyan.

"Oo nga. Gutom na rin ako. 12 pa lang oh. Pwede pa nating hintayin si Kyle." pag-sang-ayon ni Daisy kay Carlo.

Kaya naman bumaba kaming siyam at naghanap ng lugar na may tinitindang pagkain.

"Guys, pwede bang sa mall na lang tayo kumain?" tanong ko sa kanila.

"Bakit naman?" tanong nilang lahat. Ay taray, sabay sabay sila.

"Kasi naman hindi natin kilala ang mga kainan sa tabi tabi dito. Baka mamaya kung ano ano na yung nakakain natin." pag-e-explain ko sa kanila.

"Oo nga ano? Pero saan naman ang mall dito na malapit?" tanong ni JM kaya napakamot ako sa ulo ko. Saan ba may mall dito?

"Wait for me here." sabi ni Carlo sabay karipas ng takbo. Shet ka, balak mo atang paduguin ilong namin.

After siguro mga 45 seconds ay nakabalik na siya.

"May nakita akong mall na malapit. Tatlong kanto lang ang lalakarin natin sabay liko sa kanan tapos lakad hanggang sa ikaapat na kanto tapos liko ka ulit sa kanan pero pagdating mo sa unang kanto liko na tayo sa kaliwa. Nandun yung mall." sabi niya.

Kami namang walo, nakanganga lang. Wala kaming naintindihan sa mga sinabi niya.

"Anong sabi mo?" tanong ni Zandra. Kahit sino naman ang sabihan niya ng ganun ay maguguluhan din.

"Ang sabi ko magsimula na tayong maglakad. Ang haba kaya ng mga street dito kaya lalo lang kayong magugutom kapag nagdadaldal pa kayo." sabi niya. Papansin, di man lang siya nag-explain kung ano yung sinabi ni kanina.

"Mara, sasama ka ba o sasama?" tanong sa akin ni Ren.

"Baliw ka talaga. Ako pa talaga nakita mo. Tara na." akit ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

Si Clint lang ang sinusundan namin dahil siya ang may alam kung saan yun. After siguro nang mga 12 minutes nakarating kami. Medyo malayo din naman pala ito. Asar din ito si Clint. Malapit daw eh. Sakalin ko siya eh.

"Akala ko ba malapit?" tanong ni Rose. Aba, parehas ata kami ng iniisip nito.

"Malapit kung tatakbuhin lang. And in my case, sobrang lapit niya." sabi niya sabay takbo paikot ikot sa amin.

"Tss. Show off." pabulong na sabi ni Zandra pero nakinig din naman namin.

"Tara na. Nagwawala na ang mga alaga ko dito oh." sabi naman ni Ren sabay turo sa kanyang tiyan.

Agad naman kaming pumasok at naghanap ng resto na pwedeng kainan. Hindi naman kami nahirapan kasi may nakita agad kaming Jollibee. Oo, may Jollibee dito sa USA. Di ko alam kung bakit meron.

Agad kaming pumasok. Kakagutom na eh. Umupo agad kami sa table for 9. Si Daisy at JM ang umorder nang kakainin namin. May dala naman kaming mga sariling credit cards kaya hindi na kami nahirapan magbayad.

"Eto na guys yung pagkain natin." sabi ni JM habang inilalapag yung inorder nila.

Agad naming kinuha yung mga para sa amin. Susubo na sana ako nang may biglang sumabog sa labas.

Lumabas naman kami para tingnan kung ano yung sumabog. At base sa layo at direksyon ng pinanggagalingan ng usok at apoy, ay galing ito sa penitentiary. Teka, nandun pa si Kyle ah. Sana okay lang siya.

"Guys, bilisan niyong kumain para makapunta agad tayo dun sa site." utos sa amin ni Zandra.

Kaya bumalik kami sa loob ng Jollibee at dali-daling kumain. Nang matapos kami ay agad hinawakan ni Carlo ang kamay ko at ni Zandra at tumakbo ng mabilis. Nang makarating kami sa penitentiary ay nanlumo ako sa nakita ko.

Gibang-giba talaga yung lugar. Halos hindi mo na talaga makikilala yung lugar dahil walang natirang nakatayo ni isang poste dito.

"Woah, cool." sabay na sabi ni Ren at Patrick.

"Anong cool dun kung yung kaibigan niyo ay nasa loob pa ng sumabog na building na ito?" tanong ko dun sa dalawa.

"Simple. Kasi yung taong tinutukoy niyo na nasa loob ang nagpasabog ng lugar na ito." sabi ni Carlo.

At dahil sa narinig namin, napanganga kaming limang babae. Pinasabog niya yung building pero hindi siya lumabas doon? He must be nuts.

"Look." sabi ni JM sabay turo dun sa sira sirang building.

Tumingin naman kami at may nakita kaming pigura ng isang tao na naglalakad. Aakalain mo na isang zombie ito dahil wala ang isang kamay, kalahati na lang ang ulo at halos butas ang tiyan.

At masasabi ko lang na base sa tindig at postura niya, si Kyle itong naglalakad na ito. Nakarating siya sa amin at nagulat kami dahil bigla nalang bumalik sa normal yung itsura niya. Nabuo ulit yung kulang kulang niyang katawan kanina.

"Ikaw may gawa nun Daisy?!" manghang tanong ni Zandra kay Daisy.

Umiling naman ang babae at yun ang naging hudyat na hindi siya ang gumawa nun.

"Kung hindi ka ang gumawa nun, sino?" tanong ni Pat.

"Ako." maikling sagot ni Kyle.

"Ikaw?! Eh wala ka namang healing magic, so paano mo magagawa yun?!" pasigaw na tanong ni Rose.

"My body is made of pure fire. Once na sumabog ang katawan ko, babalik at babalik pa rin sa dati ang katawan ko." paliwanag niya sa amin.

"So ibig sabihin nun..." hindi natuloy yung sasabihin ni Zandra dahil pinutol ito ni Kyle.

"Yup. I'm immortal."

"So ilang taon ka na?" tanong ng baliw na si Ren.

"2328." sagot niya na siyang ikinagulat namin.

"So tara na sa jet?" pag-aakit niya sa amin. At nagsimula kaming maglakad patungong airport.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Seventh SoulWhere stories live. Discover now