XXIX

119 1 0
                                    


"Tara na! Excited na ako!"

"teka nga Brit ikaw ba ang ikakasal bakit sobrang naexcite ka?"

"anu ka ba! beach yon medyo matagal tagal nadin na hindi na tayo nakakatungtong sa dagat! And take note makakapag relax kadon pwedeng pwede yan sa baby mo"

Pinag patuloy namin ang pag ayos ng mga maleta namin sa van na pinrovide ni Paulo

Sana nandoon si Matthew para magkaroon ako ng pagkakataon na ayusin ang mga dapat ayusin

" Brit satingin mo nandoon si Matthew?"

"grabe nakita mo na lahat lahat na may kasamang iba hinahanap mo parin! tsaka wag mo na nga munang isipin yon mag enjoy tayo sa Kanaway Island! "

May balak ka pa bang magpaliwanag Matthew?

Nagsimula na ang biyahe namin papunta sa Infanta Quezon

Medyo mahaba haba ang biyahe namin kaya nakatulog kaming dalawa ni Brittany

" Ma'am Eve andito na tayo sa Infanta sasakay po tayo sa Real Port kaya hanggang dito nalang ang van"

Wika ni Trisha kaya umayos na kami ni Brit at bumaba sa van

"malayo ba ang bibiyahe natin? Naeexcite na ako!"

Halos hindi mapakaling wika ni Brittany

Masiyadong excited ang loka

" nako ma'am Brittany isang oras pa tayo sa barko papunta sa Patnanungan po"

"malapit na ba yon? " sagot ko

"hindi papo eh sasakay pa tayo ng bangka papunta sa mismong Patnanungan Island "

Okay so medyo mahaba habang biyahe pala to

Naglakad na kami pasakay sa Real Port siyempre ang dakilang bestfriend akala mong turista na naglalakad sa gitna

Nilapitan naman ako ni Trisha

"Ma'am Eve tanong ko lang po may alam po ba kayo tungkol kay Sir Matthew inimbitahan kasi siya ni Paulo para sa wedding niya kaso hindi nag rerespond kahit Email kasi naalala ko nung huling pumasok siya hinahanap ka niya tapos nag wawala na hindi naman po sa nahihimasok ako may problema po ba kayong dalawa?"

"Trisha may mga bagay talaga na dapat ibaon nalang sa limot at kalimutan nalang pasensya kana ha kung hindi ko masabi masiyadong personal at the same time matagal ng kinalimutan"

"ganun po ba pasensya narin po kayo at tinanong ko ulit hayyy sana mag enjoy tayong lahat kahit saglit lang!"

"swerte ni Paulo ah mukhang maganda yung beach na pupuntahan natin"

"hay nako Ma'am sobrang special kasi eh kaya dapat pinaghahandaan ng maigi"

Dinama ko ang simoy ng hangin galing sa dagat sobrang sarap sa pakiramdam mo para kang lumilipad

Hinawakan ko ang tiyan ko

Baby pupunta tayo sa isang lugar kung saan magiging relaxed tayong dalawa

Nilapitan ako ni Brit

" sobrang ganda no? Para akong tinatawag ng dagat "

"baliw pag tumalon ka diyan di kana makakaahon sige "

"ikaw talaga napaka nega mo mag enjoy ka nga!baka makasama pa yan sa baby mo eh"

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya

Tama naman siya magenjoy muna ako para narin sa baby ko

Nakalipas ang isang oras namin sa barko kumain muna kami at bumaba na

" dito tayo Ma'am Eve sa bangka papunta sa Patnanungan Island"

Iginiya niya kami sa bangka na naka handa para saamin kaya dali dali kaming nagsi sakay

Inumpisahan naman ng bangkero na iandar ang bangka para makaalis na kami

"naeexcite na talaga ako!!"
Sigaw ni Brittany

Iginala ko ang mga mata ko sa dagat

Sobrang ganda talaga niya promise paano pa kaya kung nandoon na kami sa mismong Island

"malayo pa ba yung patnanungan Island?"

Tanong ko kay Trisha

"hindi po Ma'am Eve ayun oh"

Sabay turo niya sa Isla na malapit na saamin

Wow yun lang ang tanging masasabi ko

" eto na ba yun?!"

Excited na tanong ni Brit

"hindi papo Ma'am Brit dalawang bangka papo pero kung gusto niyo pong magpahinga muna saglit pwede naman po kaya lang kailangan natin bilisan kasi baka abutan tayo ng dilim"

"may kainan ba dito?" wika  niya

"hindi po kasi ito typical beach kung baga parang station lang to para makapunta sa Kanaway Island kaya walang gaanong kainan"

"ganun ba tara na mas gusto ko nang pumunta sa Kanaway Island!"

" wait pwede ba pahinga lang saglit napagod ako"

Wika ko umupo muna ako sa sand

Nilapitan naman ako ni Brit

" gutom ka na ba?"

"Brit kakakain lang natin "

"diba pag buntis  mabilis magutom"

Pabulong na sabi niya baka kasi marinig ng mga kaofficemate namin
"okay lang ako hindi ako gutom kailangan ko lang mag pahinga"

"Ma'am Eve,Ma'am Brittany tara na po sa Jomalig Island "

Tumayo na ako at inaya na siya

Book 1: Unchanged HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon