XLIV

105 1 0
                                    

Unang nag pahayag ng speech ang Mommmy at Daddy niya

Sunod si Brittany, si Ate,Mommy,Daddy at si Sammy

Nang inabot sakin ng anak ko yung microphone

Nanginginig ang kamay ko ng kinuha iyon saka ako tumayo at lumapit sa asawa ko

"Dad.. Sa mga taon na nakasama kita I didn't know.. I didn't know that you'll leave us especially me sabi mo kahit na anong mangyari hindi ka mang iiwan na nandito ka parati sa tabi ko, samin ni Sammy pero asan kana? Andiyan nakahiga walang buhay. Paano kami? Na iniwan mo walang yayakap,hahalik at makakarinig ng boses mo hindi ko kaya Dad eh ang sakit unti unti mong dinudurog yung puso ko sabi mo we'll grow old together bakit ngayon ako nalang? Ang daya daya mo eh! Mahal na mahal kita kahit  sobrang sakit na mas okay pa yung noon na iniwan mo ko pero bumalik ka pero ngayon babalik ka pa ba? how can I face tomorrow without you? How can I moved on from you? Tell me kasi hindi ko alam kung paano ka papakawalan sa tuwing pumipikit ako ikaw ang nakikita ko sa tuwing nakikita ko yung mga bagay na nag papaalala sayo naaalala ko lahat lahat parang kahapon lang nangyari yung ang saya sayang pangyayari tapos ngayon eto na iniwan mo na ako sabi mo after this everything will be okay? paano Dad paano magiging okay kung wala ka naman-"

Hindi ko na natuloy dahil hindi ko na mapigilan ang mga luha ko

Niyakap ako ni Sammy habang umiiyak siya

It's hard to Realize and to accept when the one that you love has to go if only I can say "kaya ko to" but then tears started to fall because what I meant was "shit paano na ko?

Tahimik lang ako na binabantayan ang kabaong ni Matthew

Kahit inaabutan ako ng pagkain hindi ko manlang nagalaw kahit isa

"Eve kumain kana"

Sabi ni Mommy ng tumabi siya saakin

"busog pa ko My"

"anak pano ka mabubusog wala ka pang kinakain ilang araw na "

"busog pa ako my baka hindi ko lang malunok ang mga kakainin ko "

"sige basta sabihan mo ako pag nagutom kana"

Tumango ako

"wife"

Pumikit ako ng naisip ko na, narinig ko ang boses ni Matthew

Hindi ko nananaman napigilan ang luha ko miss na miss ko na siya gustung gusto ko siyang yakapin at halikan kaso hindi ko na magagawa yon habang buhay

Naligo ako dahil ito na yung araw na ihahatid namin si Matthew sa huling hantungan niya

Ayoko sanang sumama dahil ayokong makita na tuluyan na talaga siyang mawawala sa piling ko

Because all I know,

its hard to forget someone who gave you so much to remember

As I saw them bringing the coffin of my husband I just can't help my self to cry

Hanggang makarating kami sa pag lilibingan niya

Nagsimula ng ipag misa siya ng pari

Hanggang sa nilalaglagan na siya ng mga bulaklak

At ako na I kissed the flower until I let it fall for him

"I love you Matthew always and forever "

Book 1: Unchanged HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon