A Glimpse On Her New Life And A Glimpse On My Past

4.8K 133 11
                                    

photo credit to owner

Den's

Tumayo siya doon sa kaninang inuupuan niya at sinalubong ako, "Hey...", nakangiting bati sa akin ni LA nang matanaw niya akong parating.

I smiled and gave him a kiss on the cheek, "Sorry, I'm late.", pagpapaumanhin ko.

May usapan kasi kami na magkikita dito sa Ateneo, may mga kukunin kasi akong mga papeles na kailangan ko sa Boston.

"Okay lang", ngiti niya, "natraffic din ako pagpunta dito."

Pero hindi naman ako na-traffic sa pagpunta ko... ang totoo'y mabilis nga yung naging byahe ko dahil sa Teacher's Village lang naman ako galing...

Pero hindi naman siguro masama na hindi ko na sasabihing nanggaling ako kina Ella kaya ako nahuli.

Mga kaibigan ko naman sila, hindi naman siguro yun masama.

"Den?", tawag ni LA sakin.

"Hmm?"

"Tulala ka.", pang aasar niya, "kanina pa kaya ako nag sasabing tara na."

"Ay, sorry. Sige, tara na."

...

"Where do you want to eat?", tanong ni LA nang makuha na namin yung huling papeles na scheduled namin kunin ngayong araw.

Tumingin siya sa relo niya, "five past twelve na rin pala.", tapos ay tumingin siya sa akin, "ano? Saan mo gusto?"

Ang totoo ay busog pa ako sa dami ng kinain kong inihinain ni Ella kanina. Dagdag pa yung cupcake at kape na inihain din ni Ly.

Sasabihin ko sana kay LA na busog pa ako at siya na lang yung kumain at sasamahan ko na lang siya, nang magsalita uli siya.

"Sabi ng mommy mo, hindi ka nag agahan sa inyo, kaya siguradong gutom ka na."

"Nakausap mo si mommy?", mabilis at medyo kinabahan kong tanong.

Hindi ko kasi binanggit sa kanya na maaga akong umalis sa bahay... na galing ako kina Ella... at nahuli ako, hindi dahil sa traffic...

At hindi ko rin nabanggit sa bahay na dadaan ako sa resto nila Alyssa.

"Oo.", sagot niya at kinuha yung kamay ko, "nagtext kasi si tita if aabutin tayo ng lunch sa pag aasikaso ng papers mo, sabi ko, baka abutin tayo ng lunch. Tapos sabi niya, aayain niya sana tayong doon tayo sa inyo mag lunch, pero sa labas na lang daw tayo kumain dahil baka gutom na gutom ka na, dahil hindi ka kumain ng agahan."

"Ahh...", tipid kong sagot...

'buti at iyon lang ang napagusapan nila', kausap ko sa sarili ko.

"So, saan mo na nga gustong kumain?", tanong muli ni LA, hanggang sa marating namin yung sasakyan ko.

Hindi na kasi siya nagdala ng sasakyan, dahil magdadala naman ako.

"Sasamahan na lang kita.", sabay hawak ko sa tyan ko, "wala pa akong ganang kumain e."

Umupo na siya sa driver's side at ako naman doon sa passenger's, "hindi pwede.", sabi niya na may pailing-iling pa.

"Pero, busog pa naman ako, LA.", pag apela ko.

"Di ka nga kumain ng breakfast e.", sermon niya, "alam ko na...", at ngumiti siya, "favorite filipino food mo yung kainin natin para ganahan ka."

"Mag tapsilog tayo..."

"Ha?!"

"O, bakit?", takang tanong niya at napakunot pa ng noo, "di ba favorite mo yun?"

"Oo nga... ang kaso -"

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon