Stay

3.1K 80 22
                                    

Belated happy birthday @meanttobe10 !

Aly's

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko.

Yung tipong parang mabibiyak sa sakit.

"Lintik, hangover ata 'to.", bulong ko sa sarili ko habang sapo sa palad ko ang ulo ko.

Pinilit kong maupo at isinandal ang katawan ko sa headboard, "shit."

Napapikit na lang ako at isinandal ang ulo ko sa pader.

"Argh.. ano na naman bang pinag gagawa ko kagabi?", inis na bulyaw ko sa sarili ko dahil sa patuloy na pagkirot ng sentido ko

Pero matapos kong itanong iyon sa sarili ko ay mabilis na rumehistro sa utak ko ang muka ni Dennise.

"Fuck!", lalong sumakit yung ulo ko habang pinipilit kong tumayo at lumabas ng kwarto.

Inisa-isa kong tignan lahat ng sulok nitong condo ko, "Den?", pasok ko sa banyo at pilit pa ring hinahanap si Dennise.

"Shit."

Habang tumatagal, mas naaalala ko yung mga nangyari.

Three weeks ago, Dennise being cold then left me.

Dennise in front of my doorstep.

Dennise and I spent the day together.

Dennise and I attending Ella's birthday.

And...

"Shit... shit...", bilis bilis akong kumilos at kinuha ang susi ng kotse ko, "kailangan ko siyang makausap"

...

Kasabay ng mabilis na pagmamaneho ko ay ang patuloy pa rin na pagsakit ng hangover ko.

Alam kong hindi safe.

Pero wala na akong choice.

"She is leaving again.", kausap ko sa sarili ko, "But no, no... not this time."

"Beep!!! Beep!!!", patuloy na busina ko sa lahat na haharang sa daan ko.

May hang-over. Amoy alak pa ata. Walang ligo at ni walang toothbrush.

Bahala na kung ano ang maging amoy ko o maging itsura ko. Ang mahalaga ay abutan at makausap ko siya.

Hindi ko alam kung nandoon siya sa bahay nila o kung nandoon man ang buong pamilya niya o kung andoon man si LA, bastat kailangan ko siyang makausap.

Pero mukang hindi nakikisama sakin ang pagkakataon.

5 seconds na lang yung green light at ilang metro pa ang layo ko

Mas binilisan ko ang pagpatakbo sa sasakyan.

Nag orange na.

Pero... bahala na.

3...

2...

1...

Inabutan ako nang pag-pula ng traffic light bago pa man ako makatawid.

Tumingin ako sa side mirror, "sana walang nakakitang traffic enforcer."

Pero malas.

Maya maya ay may nakita akong traffic enforcer na nakasunod sa akin at kumakaway para pahintuin ako.

Wala akong choice.

Ipinihit at hininto ko ang sasakyan para makausap yung traffic enforcer.

Binuksan ko yung bintana sa gilid ko.

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon