Whirlwind

2.5K 81 5
                                    

Aly's

"No text?", nasabi ko sa sarili ko nang muli kong i-check yung telepono ko para tignan kung nagtext na ba si Den.

Napakamot ako sa noo, iniisip kung dapat ko na ba siyang tawagan o itext.

Nag aalala na rin kasi ako sa kanya.

Ayos lang naman kung sabihin niya sakin kung nasaan siya o may ginagawa siya, basta't alam kong safe siya.

"Hi.", simpleng text ko at isenend yun kay Den.

Maya maya ay nagreply siya ng, "?"

Napakunot noo ako, "question mark?", tanong ko sa sarili ko, "hindi naman ako na wrong send", dugtong ko pa nang makita kong number nga ni Den yun tinext ko.

"Tatanungin ko lang sana kung nasaan ka?"

Yun yung una kong tinype. Pero hindi ko alam kung bakit, pero kinwestyon ko yung sarili ko, kung may karapatan ba akong magtanong? Kailangan niya bang magreport sakin?

"I miss you.", yan na lang yung ini-reply ko.

"Talaga?"

Kahit na alam kong number niya yung tinetext ko, pakiramdam ko parang hindi si Dennise yung katext ko.

"Den?", paniniguro ko na si Dennise nga ang kausap ko.

"Bakit?"

So, siya nga.

Baka naman nag iisip lang ako ng kung ano-ano. Baka naman pinagtitripan lang ako ni Den kaya ganito siya kalamig magtext sakin.

I tried to brush off yung naiisip ko, "Can't wait to see you.", reply ko.

"Open the door."

Nang mareceived ko yun ay halos mapatid patid pa ako papuntang pinto, "Den.", bati ko sa kanya nang buksan ko ang pinto at agad siyang niyakap.

Napansin ko na iba yung pag akap niya sakin. Tinapik tapik niya lang yung likuran ko habang mahigpit akong nakaakap sa kanya.

Gusto ko mang magtanong kung may problema ba, pero isinantabi ko na lang.

Baka kasi time of the month lang.

Humiwalay na ako sa yakap at hinawakan yung kamay niya, "tara sa loob.", nakangiti ko paring aya sa kanya.

Hindi siya nagsalita at sumunod lang.

Pinaupo ko siya sa sofa at ako naman ay nakaluhod sa harapan niya, "nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Gusto mo bang ipagluto kita?", kunwaring masaya at walang pag aalala kong tanong sa kanya.

Umiling siya.

Ni hindi man lamang siya tumingin sakin.

"Pizza? McDonald's? Delivery gusto mo?"

Iling uli.

"Uhmm... pop corn? Mag movie marathon tayo?"

At tinignan niya na 'ko.

Ang akala ko, sa wakas, nahulaan ko na yung gusto niya. Pero hindi.

Mali pa rin.

"Hindi ako gutom. Ayoko mag movie marathon. Ayoko ng pizza.", malamig niyang sabi habang direchong nakatitig sa akin.

Pinilit ko pa uling mag isip, "uhm..."

Hanggang sa putulin niya ang pag iisip ko.

"This is what I want."

Hinalikan niya ko na agad ko namang sinagot.

Pero tumigil siya at muli akong tinitigan, "I want sex."

Hindi naman sa ayoko pero nagulat ako sa direcho niyang pahayag ng gusto niya.

Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon na magsalita o magtanong dahil agad agad niyang inalis ang pantaas ko at handa ng alisin ang shorts ko.

Hanggang sa hindi ko na napansin kung paano kami nakarating sa kwarto ko.

Dahil sa init at udyok ni Den, hindi ko na rin pa magawang pigilan ang sarili ko.

Inalis ko ang pantaas niya at marahan siyang itinulak pahiga.

Puma-ibabaw ako sa kanya habang hinahalikan siya sa leeg kasabay ng pag aalis ko sa natitira niya pang saplot.

Hindi na ako nag aksaya pa ng sandali at hinalikan ang katawan niya nang tuluyan ko ng maalis ang lahat.

Mula sa leeg, sa kanyang dibdib, sa kanyang tyan... at sa sumunod na bahagi, doon ako nagtagal.

"Gosh!", takot na hiyaw ko, "what's the matter? Did I do something wrong?"

Napansin ko kasing nakatingin lamang siya sa kisame at may mangilan ngilang luha ang tuloy tuloy na umaagos mula sa mga mata niya.

Agad kong pinunasan ang mga luha niya at hindi pa rin siya nagsasalita, "Den, please say something. Please talk to me.", pakiusap ko sa kanya

Inilihis niya ang ulo niya habang nailing.

"Den... please? Did I do something wrong?"

"Nothing. Sorry. Pero hindi ko kaya.", pag kasabi niya non ay agad siyang tumayo habang nakatapis ng kumot at dinampot ang mga damit niya.

"I'm sorry. I'm sorry, Den.", hindi mapakaling pag hingi ko ng tawad. Nalilito na rin ako kung ano ba ang nangyari.

Agad siyang nagbihis kaya nagbihis na rin ako.

Nang matapos kami ay nilingon ko siya. Pareho kaming nakaupo sa magkabilang dulo ng kama, "Den...", tawag ko, "please tell me what is wrong."

Umiling siya.

"Did I do something wrong."

Hindi siya umiling at hindi rin nagsalita.

I assume I really did something wrong.

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon