Den's
"Den...", tawag sa akin ni Alyssa
Sa nangyari kanina, alam ko na hindi lilipas ang gabing ito na hindi niya ako kokomprontahin tungkol sa sinabi ko.
Kaya dito ko pinili na maupo, may distansya mula sa mga kaibigan namin.
"Huy", biglang lapit ni Ella sa pwesto namin ni Alyssa, "bakit naman andyan kayo? Ang layo niyo naman masyado. Doon kayo samin, oh.", turo niya sa bakanteng mesa malapit sa pwesto nila
Ngumiti ako kay Ella at hinawakan yung hita ni Alyssa, para isipin ni Ella na gusto lang namin magsolo, "Hindi, besh. Mamaya punta kami don.",
Ayoko naman kasing masira ang birthday niya ng dahil sa personal na issue namin ni Alyssa.
"Hoy!", duro ni Ella saming dalawa ni Alyssa, "party to ha, hindi motel. Baka makita na lang namin kung anong ginagawa niyo dyan sa sulok."
"Ang dumi ng utak mo, Ella. Dun ka na nga!", pagtataboy ko sa kanya at kunwaring patawa tawa pa.
"Sige, iwan ko na kayo.", pagpapaalam niya sabay turo sa akin habang naglalakad siya palayo , "Den, wag masyadong malakas ha?"
"Bwisit!", sigaw ko
Agad na nawala ang ngiti ko nang masigurong malayo na si Ella..
"Babalik kang Boston?", agad na tanong ni Alyssa.
"Alyssa, mamaya na natin pag usapan. Ayoko namang masira yung party ni Besh."
...
"Besh!!!", sigaw na tawag ko kay Ella, "Happy birthday uli ha?", sabay agad kong akap sa kanya.
"Salamat, salamat!", akap niya pabalik sa akin.
"Teka", sabi ni Ella kaya napabitaw ako sa yakap namin at sinundan yung tinitignan niya, "Lango na 'tong kasama mo, o.", sabay tawa niya sa itsura ni Alyssa na halatang marami ng nainom.
"Di ako lasing, Ells.", sagot ni Alyssa na halos pasuray suray na sa paglakad papunta kay Ella, "nakainom lang."
"Tapos nakainom ka din?", baling niya muli sakin, "sino magmamaneho sa inyo ngayon niyan?"
"Ako!", sabay naming sabi ni Alyssa.
"Naku, samin na kaya kayo matulog dalawa?"
"Hindi na, Ells. Hindi naman ako lasing.", saway ko naman sa kanya, "ako na bahala dito.", sabay turo ko kay Alyssa na ngayon ay hindi na ata kinaya at napaupo na sa isang mono block
"O, siya, sige. Mukang matino ka pa nga. Basta mag iingat kayo ha?", akap niyang muli samin.
...
"O, sige umalis ka na.", nagulat ako sa sinabi ni Alyssa nang makatapat na kami sa pinto ng condo niya at pipihitin ko na sana ang doorknob.
Tumingin siya sa akin at bumitaw sa pag alalay ko sa kanya.
Marahan niya akong tinutulak, saka binuksan ang pinto ng condo niya, "Sige na, alis na."
Naiinis akong naiwan sa labas, "Lumalabas talaga ang totoo kapag lasing e.", bulyaw ko sa kanya.
Napatingin siya pabalik sakin at marahang tumawa, yung tawa ng lasing na pikon, "aalis ka naman di ba, sabi mo? Edi umalis ka na.", sagot niya at may pasenyas senyas pa na umalis na ako, "Dun ka naman magaling di ba? Ang umalis ng hindi nalingon? Umalis na walang pakialam?"
Isasara na sana niya ang pinto nang pigilan ko siya. At dahil lasing siya, nakaya ko na buksan iyon.
Matapang niya akong tinignan ng diretso.
"Wag mong palabasin na ginusto ko yung pag alis ko, Alyssa!", bulyaw ko sa kanya.
Naglakad siya papuntang sala.
Umupo siya at tinaas niya yung mga kamay niya na parang nasuko, "Oh, edi, sige. Ako na, ako na naman!", tumingin uli siya sakin, "Aminado naman ako, di ba? Alam ko, ako ang dahilan. But for 5 years! 5 years ko ng pinag dusahan yon!"
Bumuntong hininga siya at medyo kumalma ang boses, "but you're here. Andito ka na uli, Den . Ano pa bang rason na aalis ka? Can't you just stay here?... here kasama ko?"
Tumahimik ako saglit saka huminga ng malalim."Pinalagpas ko lang talaga yung birthday ni Ella. Nasa states na ang buhay ko."
Napatakip siya ng mata nang dahil sa matinding frustration, "Yung mga nangyari. Yung tayo. Wala lang ba sa'yo yon lahat? ... kasi sakin, sobrang importante yon."
Nakatakip man siya ng mata ay kita ang pagbagsak ng mga luha niya.
"Walang ibig sabihin yon, Alyssa.", malamig na sagot ko sa kanya.
"Putang ina.", napailing siya at nakatakip pa rin ang mga mata.
Gusto kong bawiin yung mga sinabi ko, gusto kong yakapin si Alyssa, gusto kong siyang halikan.
Hindi iyon isang laro. Hindi isang friends with benefits.
Higit pa don.
Sa bawat pagkakataon na ginagawa namin yon, alam kong higit pa sa tawag ng katawan ang dahilan ko.
Mahal ko siya.
Mahal ko pa rin siya.
Pero hindi ko na kaya pang muling sumugal. Alam ko na kaya kong ipaglaban siya, ipaglaban kung anumang mayroon at magkakaroon sa amin.
Pero hindi ko na kayang mahalin siya at iwan niya ako uli.
Alam kong mali. Mayroong LA at mayroong Bang. Pero itinuloy namin.
Itinuloy ko kahit mayroong masasaktan.
Kaya ko yon tiisin.
Kaya ko uling ibaba yung pride ko para ipaglaban siya. Kaya ko uling agawin siya kung kinakailangan.
Para magkaroon ng kami.
Pero ang isipin na sa huli, iiwan niya uli ako para sumama sa iba. Muling sabihin sakin na iba ang mahal niya...
Hindi ko na ata kakayanin ulit maranasan yon.
"Walang tayo, Alyssa."
"Oo. Aaminin ko, nag enjoy ako. Pero hanggang doon na lang yon."
BINABASA MO ANG
If We Meet Again
FanfictionI just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha