"Friends"

6K 150 38
                                    

Aly's

Ngunit imbes na sagutin ni Ella ang tanong ko ay patuloy niya akong sinermonan, "Aly, I have already seen you broken for the past years, don't you think it is time na gawin mo naman yung makakapag pasaya sayo?"

Direcho ko siyang tinignan, "Pa'no si Bang?", simple kong paalala sa kanya.

Pero parang lalo lang nag-init yung ulo niya "Stop thinking about her! She'll be able to handle it!"

Hindi ko na pinansin yung pagtaas niya ng boses. Pero inilayo ko na ang tingin ko sa kanya at nagsimula na sa paghahanda ng lulutuin ko, "She's already with LA."

"Eh, anong balak mo?", tanong naman ni Amy, habang si Ella ay nanahimik na, "you'll just keep it to yourself?"

"Yup.", sagot ko na para bang hindi naman big deal yun.

Tinignan ako ni Ella at umiling, para bang sobrang disappointed siya sa mga sinabi ko.

"Ella!", tawag ni Amy nang tumalikod sa amin si Ella at maglakad palayo.

Pero hindi man lang nagsalita si Ella at tuluyang lumabas ng kusina nang hindi kami nililingon.

kinabukasan...

"Hey...", nakangiting bati ko kay Ella pagkapasok ko ng kusina, "aga, Ells ah.", pang aasar ko pa.

Pero binigyan lang niya ako ng isang blankong tingin at hindi nagsalita. Maya maya, bumalik na uli siya sa pagpe-prepare na ginagawa niya.

"Hala siya?", sabi ko nang deadmahin niya ako, kunyaring hindi alam kung bakit siya nagkakaganoon.

But knowing Ella for so many years, apektado pa rin siya sa nangyari kahapon.

Kahit na nakikita ng lahat na masiyahin, mapang-asar, bully, at cheery siya, ang totoo ay sentimental at emotional siya. Lalo na't pagdating sa mga taong mahahalaga sa kanya. Kaya alam kong dinaramdam niya pa rin yung nangyari kahapon. 

But also knowing her, itatanggi niya lang kung sakaling tanungin ko siya kung yung nangyari ba kahapon ang ikinasusungit niya.

"Ella.", tawag ko ulit at tumingin siya, pero hindi pa din nagsalita. Hindi rin ako nagsalita at nakipag-titigan lang sa kanya.

"Ella.", tawag ko ulit nung bumalik siya sa ginagawa niya.

Hindi na siya tumingin.

Nilapitan ko siya at sinilip yung muka niya habang nagbibilang ng itlog.

Hinarang ko yung ulo ko para matigil siya sa pagbibilang.

"Ells.", tawag ko ulit at ngumiti.

Tinitigan niya na ako ng masama, "Sasapakin kita. Lumayas ka dyan.", masungit niyang banta at naka-amba na.

"Grabe.", kunyaring nasaktan kong tugon, saka inalis yung ulo ko at tumalikod, "magpapabili lang naman ako ng ingredients sa grocery."

"Uutusan mo pa ko?", masungit niya pa ring sagot at tutok pa rin sa pagbibilang ng itlog.

"E kasi kulang yung ingredients ng pang cupcake kung isasabay ko na yung pagtuturo sayo.", paliwanag ko habang papalayo.

At alam na alam ko ang magiging reaksyon niya...

"Bwisit ka talaga, Alyssa Valdez!", sigaw niya, at ramdam ko na, na nakatingin na siya sa akin habang nakatalikod ako sa kanya, "alam na alam mo yung gagawin mong panakot e, noh?"

Napangiti ako ng malaki.

Alam kong sobrang interesado siyang matutong magbake. Pero dahil sa dumalas na pagiging busy namin pareha dito sa resto, hindi namin maituloy-tuloy ang pag-aaral niya.

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon