Den's
Monday na Monday at andito na naman ako sa restaurant.
"Hey, guys.", bati ko kina Ella at Amy nang nakita kong nag tatanghalian sila sa isang table.
"Uy, Den.", bati ni Ella, saka bumeso sakin, "kumain ka na ba?"
"Sabayan mo na kami mag lunch.", aya naman ni Amy at bumeso rin.
Pero hindi ako nakasagot sa imbita nila... meron kasi akong pamilyar na mukang hinahanap.
"Si Ly ba?", tanong ni Ella kaya napabalik tingin ako sa kanya.
"Huh?"
"Si Ly ba kako hinahanap mo?", ulit niya
"Ah, ano.", sabay kamot ko sa ulo, "Oo. Kasi hindi niyo kasabay e."
Tumingin ako sa relo ko. Ala una na.
Nauna pa ako sa kanya?
Late na nga ako, mas late pa siya?
"Wala pa e. Baka kung saan saan na naman naglagalag yun kagabi at tanghali na naman nagising.", paliwanag ni Amy,
Nararamdaman ko yung pagkunot ng noo ko.
Saan naman kaya siya pumunta kagabi pagkatapos namin sa simbahan?
Katext ko naman siya kagabi hanggang sa makatulog ako at wala naman siyang nabanggit sa akin na may pinuntahan siya...
Teka, Den...dapat ba siyang mag report sa'yo kung saan siya pupunta?
"O, ayan na pala e.", rinig kong sabi ni Ella.
Naputol ako sa pag-iisip at napatingin ako sa pintuan
Nakita ko ang parating na Alyssa.
Nakashorts, puting v-cut na tshirt at naka sunglasses pa.
Napangiti ako.
Kahit ganun lang yung suot niya, ang lakas pa rin ng dating niya.
"Hey.", lapit niya sa akin at hinagkan ako sa noo, "good morning."
Kinilig ako sa ginawa niya at hindi ko maiwasang mapangiti.
Pero agad kong naalala kung nasaan nga pala kami.
Sa ginawa niyang iyon, nakita ko yung paglaki ng mata ni Amy at pagkunot ng noo ni Ella.
"May paghalik sa noo, Ly?!?", mataray na pang uusisa ni Ella.
Para namang nahimasmasan si Alyssa nang mapagtanto din na may mga taong nakatingin sa amin.
Pero mabilis talagang magpalusot tong si kolokoy.
Lumapit siya kay Ella at hinagkan din sa noo, "ikaw talaga. selosa ka."
Hinawi ni Ella si Alyssa saka binulyawan, "Muka mo, Ly! Anong meron?!"
"Ito na naman si Miss Anong Meron e.", kamot ulo ni Alyssa habang kami ni Amy ay napahalakhak sa sinabi niya.
"Hay nako, kayong dalawa, ang gulo niyo.", sabat ko naman sa kanila at nakangiti pa rin, "Nagugutom na ako. Hindi pa ako nag aalmusal.", tapos ay bumaling ako kay Alyssa, "Ikaw, kumain ka na?"
At maging ako, nakalimot din. Dahil nung itinanong ko iyon kay Alyssa, humawak pa ako sa bewang niya.
Agad ko iyong tinanggal.
BINABASA MO ANG
If We Meet Again
أدب الهواةI just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha