Sorry, I have been inactive in Wattpad after I "finished" this story.
But here's the last blow.Den's
*Beep beep* *Beep beep*, dalawang magkasunod na busina ni Alyssa sa harap ng gate namin.
Dito na muna kami dumiretso sa bahay pagkagaling namin sa airport. Gusto daw kasing ipakita ni Aly kay Jus na natupad niya yung pangako niya.
Hindi naman ako kumontra pa. Sa tingin ko kasi, isa rin itong magandang balita sa pamilya ko, and they deserve to hear the news first.
Inaninag ni manang Lolit, kasambahay namin, kung sino yung nasa loob ng sasakyan bago niya tuluyang buksan yung gate.
Lumawak yung ngiti niya nang maaninag niya ako at agad na nilawakan ang bukas ng gate.
"Naku, matutuwa ang mommy't daddy mo pag nakita ka, hija.", bati sa akin ni manang nang makababa na kami ni Alyssa ng sasakyan, "lumungkot itong bahay nung umalis ka kanina eh. Lalo na ang mga kapatid mo."
Sa sinabing iyon ni manang, parang ngayon nag si-sink-in sa akin kung paano akong naging selfish sa naging desisyon ko noon.. at maging yung desisyon kong umalis uli sana.
Nginitian ko lang pabalik si manang at hinawakan na si Alyssa papasok ng bahay.
Bago pa kami makapasok, nakita ko si Mosh na nasa garden na nag si-swing, "Mosh.", mahinang tawag ko sa kanya, ngunit alam kong sapat para marinig niya.
Hindi siya nakapagsalita at nanlaki lang ang mga mata niya nang makita ako. Tapos ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at yumakap.
Maya maya ay hinawakan niya ako sa kamay at giniya, "Come on! They'll be suuuuper happy to see you're here!",
Pagkapasok ay nakita namin si Jus sa may sala na tahimik lang na nakaupo at walang ginagawa.
"Hey, Jus!", malakas na tawag ni Mosh kay Jus
Tumingin siya sa direksyon namin at agad na nanlaki ang mga mata sa gulat na makita ako, "Ate?!", hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ma! Ma!", sigaw na tawag niya habang patakbo siyang palapit sa akin.
Inakap niya ako ng mahigpit, "gosh! glad you came back!"
"Ano ba yun Jus at-", hindi na naituloy ni mommy yung tanong niya sana kay Jus nang makita niya ako habang pababa siya ng hagdan, "Den? Dennise?"
Patakbo na rin na bumaba si mama.
"Bakit ba kayo nagkaka-", si daddy iyon at pababa na rin ng hagdan, "Dennise?"
Yung saya nila na makita ako, yung parang akala mo, nag stay uli ako ng matagal sa Boston at kararating lang matapos ang ilang taon.
—
Five, almost six years before I realized kung gaano ko nasaktan ang mga taong mahalaga at malapit sakin sa kagustuhan kong maisalba ang sarili at puso ko.
But now, that almost everything is okay, and alam na ng family ko yung samin ni Alyssa, dito muna ako sa kanya mag i-stay for tonight. At least, to really talk about what happened and clear everything.
We both feel na ang dami naming misunderstandings at tinago sa isa't isa na naging dahilan nang paulit ulit naming paghihiwalay.
We are both sitting in the sofa when Alyssa broke the silence first, "Dennise, I understand why you had to leave 5 years ago... pero nung bumalik ka, at naging ok tayo... I mean, naging super okay tayo. Den, why did you want to leave?"
Nagkibit balikat ako at inilayo ang tingin sa kanya, "Alyssa, I know I could risk everything for you, for us. Leave everything I have established in Boston and work here, no second thought on that. Kaya kong iwan yun.", marahan akong huminga ng malalim saka hinawakan ang mga kamay niya at tinitigan siya, "then, when I realized I still love you and we could still work it out, alam ko, kaya kong ipaglaban kung anumang mayroon at magkakaroon sa atin. Na kahit na alam kong mali at may ibang masasaktan, kaya kong ipaglaban ka. Kaya kong ibaba ang pride ko at agawin ka kung kinakailangan para magkaroon ng tayo uli...", hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at doon ibinaling ang mga mata ko,"Pero natakot ako. Natakot ako sa posibilidad na sa huli, iiwan mo uli ako para sumama sa iba. Na sasabihin mo sakin na iba ang mahal mo... yun yung hindi ko kayang maranasan ulit, Alyssa. Yung sakit na naramdaman ko five years ago, hindi ko kaya."
Itinaas niya ang muka ko upang tumingin ako muli sa kanya, "aagawin? Hindi ko maintindihan.", putol niya sa pagtatapat ko, "aagawin mo... ako?, nakakunot noo niyang tanong habang nakatingin ng direcho sa mga mata ko.
Kinagat ko ang labi ko bago sumagot, alam kong kailangan namin itong pag usapan at kailangan ko ding malaman ang sagot, "I know, five years ago, pinili mo siya dahil kailangan ka niya. But this time, you're actually together -"
"Den, what are you talking about?", agad na muling putol sa akin ni Alyssa, "together?"
"Ni Bang."
Natigil siya nang banggitin ko ang pangalan na iyon. Nanlaki ang mga mata at napabuka ng bahagya ang bibig.
Nag antay ako sa anumang sasabihin niya ngunit walang anumang salita ang lumabas galing sa kanya. Kayat nagpatuloy ako, "That day, when I broke up with LA without hesitation, dahil alam kong ikaw pa rin ang mahal ko. I was so excited na puntahan ka at ibalita sayo na, finally, I'm free. Finally, kaya kong ipagsigawan sa mundo na ikaw ang mahal ko...", tumigil ako upang ihanda ang sarili ko.
Nang muling magbalik sa alaala ko yung mga nakita ko nung gabing yon, hindi ko na naikubli ang mga luhang nag uunahan sa pagbagsak galing sa mga mata ko, "then, I saw you two hugging in the carpark. Everything that happened five years ago, all the memories came rushing back. I realized, everything we were doing the past weeks, para akong kabit. And worse, siya talaga ang mahal mo at sa huli, siya uli ang pipiliin mo."
Halos pabulong, ngunit rinig ko ang sinagot ni Alyssa, "that's why you were off that night."
Hindi ko rin alam kung bakit pa nga ba ako pumunta, sa kabila ng nakita ko nung gabing yon. Naniniwala ba akong, hindi ako yung pinapaasa kundi si Bang? Hindi ko rin alam.
Pero yung mga sumunod niyang sinabi, para akong namanhid.
"Bang and I aren't together... Den, three or four years ago na kaming hiwalay.."
Gusto kong matuwa. Alam kong dapat akong maging masaya. Pero parang hindi nag si-sink in sakin ang mga sinabi niya, "But..."
"She was here that day dahil nabalitaan niya yung tungkol satin. At masaya siya para sakin, satin."
Nang ma realized ko ang mga nangyari, ang mga dahilan, para akong binuhusan ng malamig na tubig. All this time, akala ko niloloko ako, akala ko pinaglalaruan ako. What if umalis ako? What if hindi niya ako nahabol?
Then, all of that could've happened, dahil sa maling akala ko?"Then, there's no Bang?", paghingi ko ng kumpirmasyon mula kay Alyssa, animoy hindi pa sapat yung mga sinabi niya.
"Well, there's Bang. Pero magkaibigan lang kami. Yung five years na dumaan, Den, it's like a roller coaster. And if it weren't for them, si Ella, si Amy even si Bang and Ara, baka nasiraan na ako ng bait.", then she narrated yung nangyari nung araw bago ko sila nakitang magkayakap, "bumisita siya dahil gusto niyang humingi ng tawad sa mga nangyari noon at sabihing masaya siya dahil sa wakas, masaya na ako uli, kasama ka."
"I feel so stupid.", pagtatapat ko.
Pero parang hindi iyon pinansin ni Alyssa, sa halip ay hinawakan niya ang pisngi ko,"ikaw lang ang minahal at minamahal ko. Mahal na mahal kita."
END.
BINABASA MO ANG
If We Meet Again
FanfictionI just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha