Den's
"So...", agaw ko sa atensyon ni Aly, "ano na sagot sa tanong ko?"
Tumingin siya sa akin na halatang naiilang, "Ha?", tanong niya.
"Hindi mo kaya sinagot yung tanong ko.", sabi ko, saka kunyaring sumimangot sa kanya.
Kumunot yung noo niya, "Ah, ano nga ba yung tanong mo?"
"I asked if you finished your MBA.", pag uulit ko.
"Ah. Yeah. Naka-graduate naman ako.", nakangiti niyang tugon, "one year late nga lang."
"One year late?"
"May kailangan kasi akong gawin kaya nag-stop ako ng isang taon."
"Ahh.", na lang yung tanging naisagot ko at marahan akong ngumiti.
Ayoko kasing usisain pa kung anoman yung dahilan niya. Una, dahil ngayon lang naman uli kami nagkausap at aaminin kong nagkaka-ilangan pa rin kami. Ikalawa, dahil baka personal ang rason.
At isa pa, kung gusto niya naman yun sabihin ay sana binanggit niya na, at hindi 'may kailangan kasi akong gawin' ang ginamit niyang paliwanag.
"Ahm...", agaw ni Alyssa sa pag iisip ko, habang nakatingin siya sa plato ko, "what did you have?"
"Niluto daw ito ni Ella e," paliwanag ko at pareho na kaming nakatingin sa plato ko, na ngayon ay mga mumo na lang nakalagay, "tapsilog."
Tumingin siya sa akin, "and how was it?", tanong niya.
"Masarap naman.", patango tango kong biro, "in all fairness to Ella, I never thought na matututo siyang magluto ng ganito."
At tumawa kaming pareha.
"I know.", pag sang-ayon ni Alyssa, "thinking of her gimik days, hindi ko rin ine-expect na mae-enjoy niya ang magluto."
"Right!"
"But did Ella mention what's our best seller here?"
"No. But she did mention that in front of me is the best chef in this resto.",
Napangiti siya.
At pakiramdam ko ay medyo nabawasan na yung pagkaka ilangan namin.
"Well. Mahirap yung sabi sabi lang.", tumayo siya at tumingin sa akin, "would you like to taste our best seller from the best chef?"
Humawak ako sa tiyan ko, "I just ate a heavy meal... but, how would I say no, kung best chef na yung nag offer?"
"Don't worry. It'll be a dessert.", ngumiti siya at tumalikod na sa akin, "stay put ka lang dyan."
Pag kaalis ni Ly ay hindi ko naiwasang maisip na hindi ito ang inaasahan kong magiging unang pag uusap namin. Na kahit nagkailangan kami noong una, hindi ko inaasahan na magagawa naming magbiruan at magtawanan.
...
"Here.", paglalapag ni Alyssa sa harapan ko ng isang cupcake at kape.
"Blue?", tanong ko kahit obvious namang blue yung cupcake.
Itsura pa lang nung cupcake, muka ng masarap. Kulay blue yung cupcake at may pink na icing sa ibabaw.
"Yup. Favorite mo.", nakangiti niyang rason.
"Nice. Tanda mo pa.", wala sa loob kong kumento habang nakatingin sa cupcake.
Wala naman akong narinig na sagot mula kay Alyssa kaya napatingin ako sa kanya, marahan lang siyang ngumiti.
"Tikman mo na. Best seller namin yan.", pag babalik niya ng topic sa cupcake.
Nakaramdam naman uli ako ng pagkailang dahil dun sa ngiti niya. Marahil dahil nailang din siya sa sinabi ko at minabuti na lang niya na hindi na magkumento para maiwasan mapag usapan pa yung nakaraan.
BINABASA MO ANG
If We Meet Again
FanficI just hated myself for Who is meant's ending... I'll explain myself! haha