Closer

4.5K 111 30
                                    

Aly's

Nakakapanibago.

Habang ako ang andito ngayon sa cashier at naka-pangalumbaba, sina Ella at Amy, abala sa pag aasikaso sa pagkuha ng order, pagkuha ng bayad, pag abot ng menu at kung ano ano pang ibang trabaho dito sa restaurant.

Tumingin ako kay Amy. Abala siyang nagsusulat ng order ng isang customer.

Tapos tumingin naman ako kay Ella, nagbibigay siya ng order sa kusina.

Napabuntong hininga ko.

Nakakapanibago talaga...

Parang may mali e...

"Anong problema mo, te Ly?"

Nagulat ako at napatingin kay Riza na nasa tabi ko. Isa siya sa tatlong kasama namin dito sa resto, bukod pa sa limang tagapagluto.

Tinignan ko siya ng naka kunot ang noo, "Ha? Anong anong problema, Ri?"

"Kasi titingin ka kay ate Amy tapos bubuntong hininga ka. Tapos kay ate Ella ka naman titingin, bubuntong hininga ka din.", paliwanag niya at nakapanga-lumbaba na rin sa harapan ko.

Nag mamaang maangan ako at nagkibit balikat, "talaga?",

"Oo. Hindi mo nga napansin na kanina pa ako nakatitig sayo.",

"E bat ka ba kasi nakatitig sakin?", tanong ko at pabirong itinulak yung ulo niya.

"Kasi nga ang weirdo mo.", sagot niya at tinignan ako ng may pagdududa, saka ni-reenact pa yung ginawa ko daw kanina, "tingin kay te Amy buntong hininga. Tingin kay ate Ella, buntong hininga."

"Ah. Kasi naiinip ako dito sa cashier.", umalis ako sa kaha at marahang itinulak si Riza para pumalit sakin, "ayan, ikaw dyan, para hindi kung ano ano napapansin mo.", at nilayasan ko siya.

...

Kumakain na kaming tatlo ng tanghalian at walang naimik samin. Hanggang sa nagulat ako sa mataray na tanong ni Ella sakin.

"Alyssa Valdez, may sasabihin ka ba?!"

"Huh?", parang takot at nalilito kong tanong sa kanya

"Kanina ka pa nakatitig sakin, akala mo ba hindi ko napapansin?!", mainit na ulo niyang bira.

"Hindi ah?", pag tanggi ko

Pero pinaningkitan niya ako ng mata kaya sumuko na 'ko, "Ano kasi besh...", 

Aba, sa laki ng mata ni Ella at makita mong naningkit, talagang matatakot ka.

Nanatiling nakatitig sakin sina Ella at Amy, naghihintay ng kasunod na sasabihin ko, "Wala ba kayong sasabihin sakin? Or itatanong? Or ano... kahit ano lang?"

"Linawin mo.", utos ni Madam Ella.

Napakamot ulo ako, "Ah... ano..."

Pero bago pa man ako makapagtuloy, pinutol na ako ni Amy.

"You mean, that something between you and Den?", tanong niya pero hindi naman nagbabago ang reaksyon ng mukha

"Uhm, siguro?"

"Ang arte mo, Ly.", pag irap sa akin ni Ella, "inaantay ka lang naman namin ni Amy na magsabi.", at saka siya ngumiti na parang kinikilig, "Obviously, kahit sino naman siguro mapapansin na may something sa inyong dalawa.", 

"Kung masaya kayong dalawa, masaya rin kami para sa inyo.", singit naman ni Amy at nakangiti na rin.

Napangiti ako sa mga sinabi nila.

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon