Say It Out Loud!

5.1K 127 37
                                    

Aly's

Nagbunga ang harapas na pag mamaneho at walang humpay na pagbusina ko kanina.

3:44PM. Nasa anim na minuto na lang bago maaaring mag boarding si Den.

Hindi na ko nag abala pang iparada ng maayos yung sasakyan ko nang marating ko ang NAIA Terminal 3.

.
.
.
.
.

Pero pag dating ko dito...

Na-realized kong hindi ko man lang alam ang flight number ni Den. Sa laki nitong airport, hindi ko alam kung saan ako magsisimula para hanapin siya.

O kung magtatanong naman ako, hindi ko alam ang detalye ng itatanong ko.

Napasapo ako sa ulo ko sa lito at pressure na nararamdaman ko.

"Badtrip!", malakas na bulalas ko habang paikot-ikot ako ng tingin.

"Hindi ko siya makikita kung magbabaka sakali lang ako dito, na sana mapadaan siya sa harap ko.", inis na kausap ko sa sarili ko.

Kinuha ko yung telepono ko at sinubukang tawagan ang mama ni Den habang patuloy ako sa paglinga-linga.

Ring lang ng ring... "the number you have-"

Pinutol ko na agad yung tawag at si Jus naman sana yung susubukan kong tawagan...

"Shit. Wala nga pala akong number ni Jus."

Luminga linga uli ako. Nagbabaka sakali, na sana, mahagip siya ng tingin ko.

Nag text na lang ako kay tita.

"Tita, ano pong number ng flight ni Den?"

Sent.

Tinago ko na yung telepono ko at tumakbo ako kung saan-saang parte ng airport.

Pagod at pawisan na ako, pero wala akong panahong magpahinga.

Napatingin ako sa relo ko, 3:49PM.

Kung alas kwatro ang flight ni Den, siguradong isang minuto na lang ay boarding na nila.

O, ilang segundo na lang...

Tapos ay narinig ko yung nag page...

Parang saglit na huminto ang oras habang pinapakinggan ko yung announcement...

"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 89B to Rome. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang marinig kong hindi Boston ang pre-boarding flight.

Nang magkaroon muli ako ng tiwala na maaaring narito pa siya, agad akong tumakbo.

Napahinto ako... "Yung nag page...", kausap ko sa sarili ko at napatingin sa speaker na nasa kisame.

...

"Miss, please...", pakiusap ko sa babae na attendant dito sa airport, "ito na lang yung naiisip ko. Kailangan kong abutan yung girlfriend ko. Hindi ako sigurado kung boarding na sila o nasa loob na siya ng eroplano, pero kailangan kong subukan."

"Hindi talaga pwede, ma'am",

"Miss", pagmamakaawa ko uli, "kailangan ko siyang mapigilang umalis dahil hindi ko pa napaparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal at hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano siya ka importante sa buhay ko."

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon