When Doctor Met Dancer

1.3K 15 0
                                    

Eto na yuuuun! WAHAHA

-Bun

xoxoxoxoxoxo

Alam kong ilang araw at linggo na ang nagdaan after kong marinig ang tanong na nakakaloka pero here I am, still nganga.

"Oy! Bakit ka na naman ba diyan tulala aber?" tanong ni mami Rydel na may kasamang pendong. "Ikaw Melon ah. Magsabi ka nga, simula ng Engagement Party eh nagkaganyan ka na. Anong problema mo?"

Nakaawang pa din ang aking bibig ng lingunin ko si mami. Nangamot pa ako ng ulo sabay kunwari may kinain mula sa kamay na pinangkamot ko.

"Hahaha! Dayling anong trip mo ngayon? Taong-unggoy?" pagtawa ng malakas ni Dayling Agatha.

"Porket ganun lang ang ginawa, taong-unggoy na agad? Hindi ba pwedeng caveman muna? Chusera ka," ismid kong sabi.

"Eh di bumalik din ang kaluluwa mo," mami sighed na natatawa din. "So ano nga? Spill it na. Dami pang kutong kinakain eh!"

"Eh sa nangangati't masarap kamutin at kainin eh! Ano magagawa ko?" sagot ko naman.

"You can start talking, duuuh?" ani ni Dayling.

"So anong tawag sa ginagawa ko? Nakanta?" pambabara ko sa kanya.

"Bata isa pa! Babatukan na kita! Ang daming commercial aba! Magsalita ka na! Ano ang nangyari sa'yo? Naku, naku, naku! Kapag iyan ay may kinalaman sa demonyong doctor na 'yun, wag na lang," inis na sabi ni mami.

I shrugged. "Edi wag. Sabi mo eh."

Nanlaki ang mga mata nila.

"ANO?! ABOUT KAY RYLL NGA?!" duet nilang sigaw.

"May kinalaman, hindi about. Masyado kayong OA."

"Antagal mo naman kasing magsalita Dayling," sabi ni Agatha.

"Oo nga! Dami pang sinasabi, kwento mo na bata!" dagdag naman ni mami.

Nagpoker face ako. "Kayo kaya diyan ang madamfffmmpphh!" Tinakpan nila ang bibig ko.

"Kwento na dali!" sabay ulit nila.

I rolled my eyes tsaka winasiwas ang dirty hands nila.




-Sometime, somewhere around the Engagement Party-

Natatae ako. Ay bad! Masyadong vulgar. Okay, ulit. Napupoopoo ako. There, slightly censored.

Napakamot ako sa ulo ko. "Nasaan na ba ang banyo? Kasi naman Medo! Ilang gallon ba ng ice cream ang nilantakan mo? Naku, naku, naku! Kahit ako ay naluluka na sa imo!"

Hinawakan ko ang tiyan ko dahil ang sakit-sakit talaga habang nagpapalinga-linga. "At kung may makakarinig sakin, iisipin nila na baliw talaga ako. Ay shocks! Nakakahiya naman yun! Ang dami pa namang mga bigating bisita tapos, hayss nasan na ba  yung"

"Are you lost?"

Napalaki ang mga mata ko at lumingon sa nagtanong. Bigla ko siyang pinalo sa braso. "Ang bad mo koya doc! Ginulat mo ko dun ah!"

Kumunot-noo siya. "That was you being surprised?"

"Yes! Di niyo po ba nakita? Nanlaki ang mga mata ko! Tapos biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang gulat! Wanna feel it?" tanong ko pa sabay kuha sa kamay niya at inilagay sa gitna ng dibdib ko. "Ano? 'Di ba ang bilis? Dugdug ng dugdug, mga 350 kilometers per minute sa bilis!"

When Doctor Met DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon