Medo's POV (FINALLY)
Alam ko.
Alam na alam ko na maraming nakamiss sa'kin!
Dejokes, lang, seryoso na kasi. Ang ibig kong sabihin sa alam ko eh 'yung about sa nangyari between Ryll and pahina na 'yun. Nandun na kasi ako ng magtanong ng kalandiang bugtong ang pahina na yun kay Doc.
****
"I guess, all I can say is, you're welcome. Anything for you, Ry," rinig kong sabi ni pahina.
Papasok na ba ako o mamaya na lang? Hayaan ko muna kaya sila magchikahan.
"Oo tama, at pagkatapos sasabihan ko itong lalaki na ito na magiging busy ako sa mga dadating na linggo dahil may i-cho-choreograph akong sayaw," usap ko sa'king sarili.
But knowing this guy, lagi nitong gusto akong kasama pag nagla-lunch. Aigoo, bahala na nga lang si Batman!
"Oh Ry!"
"What?" Sagot ni Ryll.
"Remember the corny riddle that we made back then?"
Mukhang may lihim na agenda itong pahina na 'to ah. Feel ko lang.
Narinig ko ang tanong niya and I couldn't help but roll my eyes and when Ryll answered biglang nag-TING ang liwanag ng utak ko.
Kung ipaisip ko kaya sa kanya na nagalit ako dahil sa narinig ko? Ngumiti ako ng malaki. LEGGO MEDO!
"Oh. Am I disturbing the two of you?"
Rinig ko ang pagmura ni Doc ng magstep back ako nang magtangka siyang lumapit. Syempre, part yun ng acting.
Pero grabe naman, mura agad?
"I didn't mean to intrude, I just came here to deliver the one that you requested. You weren't in your office so I asked around and they said that you were here. What they didn't tell me was you were with someone." Kwento ko na hinaluan ko ng ngiti sa dulo.
Nagtangkang lumapit ulit si Ryll pero nagstep back ulit ako. Hello? Kakarerin ko na ito!
"Okay, so, here's the coffee." Lagi kasi akong pinagpapadeliver nitong Doctor na ito ng kape tapos maglalunch kami bilang kabayaran. BUT NOT TODAY! "You two have a good day."
Tsaka ako umalis na. As in nagmadali akong pumunta ng elevator at sakto naman na may mga pababang empleyado.
I even skipped and sang "Lalalala" as I made my way out of the hospital dahil matagumpay ang aking pag-aacting.
Agad kong tinawagan ang dalawa at sinabi ang nangyari.
"So baka tumawag na si Ryll sa inyo at hanapin ako," pagtapos ko.
[Dont worry bata! I gotchu!] Sabi ni mami. [Nakakamiss din kayang mag-acting.]
[Oo nga Dayling! Kami na bahala sayo.] Sambit naman ni Agatha dahil nakaspeaker ako sa kanila. [Kitakits na lang in more than two weeks!]
"Thank you!" tugon ko naman habang nakangiti at tinatahak na ang daan papunta sa dapat na puntahan.
[Ingats sila sayo bata! Baliw ka pa naman!] Tumawa si mami.