(9) The Continuation . . .

250 9 3
                                    

"Ang weird mo."

He raised his right eyebrow as if saying, 'what?'

"Ang weird mo po, sabi ko," ulit ko ng may pag galang na.

Nakain kami ngayon sa McDonald's. Ito kasi ang malapit sa kung saan ako nagtatrabaho eh. Lunch time ko ngayon at kasama siya dahil nagulat na lang ako na kinikilig ang mga tingle-leleng ng mga kasamahan kong babae dahil daw may "gwapo" daw, may "gwapo" na nakaupo sa harap ng reception desk namin.

Tapos yung iba pa halos maiyi na sa kaka-kyaa at akala mo bulate na binuhusan ng asin sa katawan kung makakilos! Makaipit pa ng boses tapos sasabihin, "anakan mo ako, please!" or kung ano pang kahalayan ay grabe sa wagas lang.

Naaalibadbaran lang ako tuwing naalala ko yung kanina. Brrrr!

"Why?" he asked.

"Ha?"

"Why did you say that?"

"Na-weird ka?" pag-confirm ko and he nodded. Sumubo muna ako ng fries na dinip ko sa mayo. "Bigla-bigla ka kayang nasulpot these past few days. Tapos laging mag-aayang kumain. Yung totoo, pinapataba mo ba ako o sadyang tamad ka lang magluto?"

Magkatapat kami kaya nakita ko ang pag ngisi siya. "Bit of both."

"Bit of both ka diyan, oy! Mataba na ako kaya wag na yung una. Dun na lang tayo sa latter kasi mas pabor yun sayo."

Umabante siya bigla dahilan para magkunot-noo ako. "Kahit kailan, para ka talagang bata kung kumain," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya.

Pinalo ko ito. "Wag ka nga koya! Pupunasan ko din naman after kong ngumata eh."

"Mhm," tugon niya habang nakabalik na siya sa pwesto at ang loka, he licked that thumb!

"HUY! Akala ko ba ayaw mo ng mayo!" puna ko.

"A little bit of it won't kill me," presko niyang sagot. "Besides, it tastes good actually."

"Weird mo talaga."

He smirked. "Hindi ako tamad. I just prefer eating with someone these past few days."

"Huh?"

He sighed. "Slow as ever," bulong niya. "That was my response sa kanina mong sinabi about me being lazy to cook."

"Oooh," tango ko. "Eh bakit ka nag-sigh pa?"

Saglit siyang napatigil at tinitigan ako, and that made me tilt my head in confusion.

"It's just that--"

Naputol ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang phone niya na nasa mesa. Sabay kaming napatingin dito. He looked at me again.

"Ano?" tanong ko. "Sagutin mo na."

"Should I?" parang naiinis siya sa pagkakatanong niya.

"Hello? Baka importante 'yan."

"Tss," ang tanging sinabi niya bago inaccept 'yung call and even put it on speaker. "This better be good or else," he threatened as opening.

Napailing na lang ako.

[A-Ah, eh, Doctor Ryll, um... Ano po k-kasi--]

"Tss. Bye."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya bigla.

[WAAAAITTT! WAIT LANG PO DOCTOR RYLL!]

"Then state your business, Nurse Briyja. You're wasting my time."

When Doctor Met DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon