(14) The Continuation . . .

242 11 12
                                    

(STILL) Ryll's POV

"Welcome Sir.." Biglang nanlaki ang mga mata ng receptionist ng makita ako. She even blushed and tried to fix her hair. "Um, w-what can I do for you Sir?" her voice sounding a little bit higher than earlier.

"Is Melody Laurel—"

"Si Ma'am Medo po? Naku Sir wala po siya dito eh," putol niya sa'kin. 

"Since when?"

She blinked. "A-Ano po k-kasi Sir... Um, h-hindi po pwedeng ipaalam sa—" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya as her eyes grew big because of what I did.

I leaned on the counter with my elbows supporting me. "Kaibigan naman niya ako. I just really want to see and talk to her. Help me, please?"

Nakita kong nayukot na niya ang hawak niyang papel bago impit na tumili. "Ihhhh! Okay, okay po Sir! Pero wag niyo pong ipagkakalat ha?"

"I won't."

Lumapit siya at medyo hininaan ang boses. "Si Ma'am Medo po kasi ay hindi naman talaga employee dito. Hindi niya kailangang magtrabaho dito, kapag napasok siya, mostly po eh ginagawa niya lang iyon pampalipas oras niya or pangtulong lang po."

That's weird. 

"So, she works here for free? She's a volunteer?" naguguluhan kong tanong.

Umiling siya. "Parang volunteer nga po pero parang hindi din po kasi binabayaran pa din po siya. Ang katunayan kasi niyan Sir eh kahit hindi na magtrabaho si Ma'am ay kumikita pa din siya."

"What? Paanong ganun?" 

"Ano po, um, kahit po hindi na talaga siya magvolunteer o magtrabaho at all, may income po siya kasi si Ma'am Medo po ang may-ari nitong kompanya."

What? 

"What?" Did I hear it right? "Melody owns this company?"

Agaran siyang tumango. "Wag ka lang pong maingay sa labas ha? Pero sa loob ng building na ito, kapag nandito si Ma'am, lahat tinatrabaho niya. Kung saan siya kailangan, nandun siya. Alam naman ng lahat ng nagtatrabaho dito na si Ma'am ang kataas-taasan pero dahil request niya na tratuhin siya na parang normal employee, eh ayun po ang ginagawa namin. Kaso anytime, pwede siyang umabsent o magbakasyon."

"She's not here? Since when?"

"Mag-iisang linggo na po, Sir."


****


"Well, I'm surprised but not really," sambit ni Rydel. "I mean, alam ko namang mayaman si bata kaya hindi ako masyadong surprise. Noong una, yes na yes."

"She owns that company?" I asked, still not believing what I just found out.

"Mhm! Pero siya lang ang may-ari, hindi niya pinapatakbo ito dahil may ibang inatasan ang papa niya na gumawa nun para sa kanya," paliwanag nito.

"Wow," was all I could say.

"Wow talaga. Remember 'yung bahay na tinuluyan namin noon sa probinsya niya?" I nodded. "Bahay-kubo lang ng pamilya sa side ng papa niya iyon. At dahil only child lang naman ang papa ni Melon, lahat ng pagmamay-ari nito napunta sa kanya." Tinapik-tapik ni Rydel ang balikat ko. "Oh doctor that is my least favorite, marami-rami pang pag-aari ang bata ko na hindi mo alam, kaya kung ako sa'yo, mag-iingat ako."

I gulped. "I-I didn't do anything."

Rydel smirked. "Talaga lang ha? Oh, at nga pala, kaya ko sinabi na mag-ingat ka ay dahil since si Melon ang sole owner ng yaman ng papa niya at nagustuhan naman siya ng mga nagpapatakbo ng mga kompanya nito, may pagka-protective sila kay bata. Just letting you know, my not-dear doctor." She smiled.

When Doctor Met DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon