Please do listen to this song while reading the flashback ayun ay KUNG gusto niyo lang naman XD
(credits to the owner of the video)
Enjoy po~ (sana)
-Bun
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo-FLASHBACK-
Medo's POV
"Excuse me, excuse me, EXCUSE ME!" Paulit-ulit kong sigaw sa mga taong nasa daan ko. Alam kong dapat na nakahiga din ako sa puting kama at inaayos ang mga sugat at kung anumang kalagayan ko galing sa aksidente, pero wala akong pakielam.
Ano ngayon kung duguan ako at iika-ika sa pagtakbo-lakad? Wala naman 'di ba? Hindi naman 'yun importante eh. Mas mahalaga ang makita ko at nasa tabi ako ng mahal ko.
"BLAIR!"
"ATE BAWAL PO KAYONG PUMASOK!" sigaw ng nurse na pumigil sa'kin para makapasok ako ng kwarto kung nasaan ngayon si Blair. "Ino-operahan pa po ni doc ang pasyente!"
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak niya sa'kin. "Ate please! Please naman po oh? Kailangan ako ni Blair! Kailangan ako ng mahal ko, ate!"
"Hindi ka nga pwedeng pumasok! Dapat nga tinitignan namin iyang mga nakuha mo mula sa aksidente." Nahihirapan na si ate nurse sa paghawak sa'kin kaya sinenyasan niya ang isang lalaking nurse na dumaan para tulungan siya sa pagpigil sa'kin.
"Pa'no siya nakarating dito?" Takang tanong ni kuya nurse habang hawak-hawak din ako.
"Hindi ko din alam! Pero base sa itsura niya, mukhang siya ang kasama ng pasyente sa aksidente na ino-operahan ni doc sa loob."
"Okay lang sa'kin na magchismisan kayo, okay lang talaga, pero please lang mga ate't kuya, hayaan niyo na po ako makapasok please?" Nagpupumiglas pa din ako.
"Ang kulit mo! Sinabi ng hindi pwede! Magiging sagabal ka lang sa operation!" Sigaw sa'kin ni ate nurse.
Hindi ko na napigilang umiyak. "H-Hindi ko naman sila i-istorbohin eh! Gusto ko lang pong nasa t-tabi niya ako, ate," iyak ko. "Kailangan nasa tabi niya a-ako habang nakikipaglaban s-siya, te. 'Di po ba s-sabi nila lumalakas daw ang tao pag nasa tabi nila 'yung taong m-mahal nila? Ayun lang naman po ang ga-gawin ko eh. Susuportahan at tatabihan k-ko lang po ang nobyo ko, ano po bang masama dun?"
Ramdam ko ang paghihina ko, at alam kong naramdaman din nila ito dahil medyo lumuwag ang pagkakahawak nila sa'kin. Kasabay nito ang pagbukas ng pinto ng ER at sabay-sabay kaming napatingin dito.
"Doc!" Sabay na sabi ng dalawang nurse na kinuha kong sandali para tumakbo sa loob ng ER.
"Ay TEKA ATE! Hin—" Rinig kong sabi ni kuya nurse.
"It's fine." Putol ng doctor sa kanya. "Let her."
Pero bakit malungkot ang boses ni doc?
Binalewala ko agad ang tanong ng isip ko at agad na tumakbo sa tabi ni Blair.
"Blair! Blair? Bee-ep ko? Huy.." tawag ko sa kanya habang hinahawakan ko ang mukha niya.
Dahan-dahan man ay dumilat ang mga mata niya. At kumunot-noo pa!
"What did I told you before? I don't like it when you're crying," he tried to be stern with his voice pero halatang nanghihina na siya. "A-Ayokong nakikitang naiyak o malungkot ang gee-ep na mahal na mahal na mahal ko na umaabot sa tuktok ng kalawakan."