Medo's POV
"Bakit kaya gulong-gulo ang damdamin ko? Litong-lito, saan lahat ito patutungo?" kanta ko habang nagsasampay ng mga nilabhan. "Ang iyong sulyap nang-aakit, tinig mo'y isang matamis na awit. Bakit sa isang sandali, sa isang saglit naglaho ang lahat? Bakit, o bakit?"
"Hindi naman kailangang maglaho, just say 'yes' and I'll stick with you wherever, whenever."
Agad akong napatingin sa likod ko at hindi nagkamali ang kutob ko. "Anong ginagawa mo dito koya?"
My gulay, yes nakatingala ako sa kanya; yes mukha akong basang sisiw; yes bruha ang hairstyle ko as of now, but I don't care.
I love it!
"I am here to see you," presko niyang sabi habang naglalakad papunta sakin. At walang anu-ano ay kinuha ang nakapigang damit sa may planggana at isinampay ito.
"A-Anong ginagawa mo? Uy!"
He looks at me na parang tinubuan ako ng isa pang ulo. "Hanging the clothes," sagot niya at kumuha ulit ng bagong pigang-damit at sinampay ito tsaka bumaling muli sakin. "Isn't it obvious?"
I was taken back sa pagbabara niya sakin ng mga 1 second. Kumuha na din ulit ako ng damit at nagsampay.
"Loka! Alam ko naman yun."
"Then why asked?"
"Para sure lang na alam mo ang tawag sa ginagawa mo po," nagkamot ako ng ulo. "Aist! Bakit ka nga kasi nandito koya? Wala si mami, magkasama sila ni dadi Jaren. Si Dayling Agatha naman ay nasa cooking party whatever. So, ano ang pakay mo at naparito ang isang tulad mo?"
Kasi, hello? Yes, nakatira na ulit kami sa dati naming tirahan at although squatters pa din ang lugar, nag-improve na siya ng bongga. Maluwag na ang kalsada at madami ng matataas ang bahay sa paligid and everything.
At syempre, dahil maalalahanin kuno si fiancé Jaren, pinaayos ang munting bahay at hindi na tagpi-tagpi ang bubong. Tapos pinalaki na ang harapan, basta pinaayos.
"What do you mean?" kunot-noo niyang tanong. "Am I not welcome here?"
Napabuntong-hininga ako. "That wasn't what I mean. Ang kako, hello? Ang layo kaya ng tirahan mo dito, tapos wala pa ang pwede mong maging pakay na puntahan, so anong—"
"Didn't you hear what I said earlier?" putol niya. "I'm here to see you. That means, you are my reason for coming here." Tumingin siya sa hawak niya at napangisi. "And because of this, I don't mind giving you a hand to finish this chore."
Napasinghap ako at bigla kong inagaw ang hawak niya tsaka tinago sa likod ko. "H-Hindi sakin ito! Hindi! Hindi talaga!"
"Oh?" napataas ang isang kilay niya.
Shemay, nagiinit na ang mukha ko!
"Hindi nga sabi eh!"
"I don't believe you."
"Edi wag kang maniwala! Problema ba yun? Basta! Hindi saki—"
"Wanna know why I don't believe that the panty you are holding isn't yours?" he asked, smirking. At hindi na niya ako pinasagot dahil humakbang siya palapit sakin at yumuko, kasabay nito ang pagpikit ko. His lips are barely next to my ear as he said, "Because the design are bunnies, and you are crazy about them, are you not?"
After kong magwala sa eksenang panty ay pinagtabuyan ko siya sa loob ng bahay at mabilisang tinapos ang pagsasampay, paglilinis, at pag-aayos sa mga ginamit ko.