Guhit ng Palad

165 11 2
                                    

Pinahid ni Lia ang pawis na namuo sa noo niya habang naglalagari ng tabla para sa pintuan ng tinatayo nilang tahanan.

“Bakit gumagawa ka diyan?”
Boses pa lang ni Macoy ay may epekto na agad sa heart rate ni Lia. Lalo na nang makita niya ang nakangiting mukha ng binata. Kulang na lang ay magtatatalon siya sa sobrang excitement.

“Macoy! Kamusta ka na? Magaling na ba yung mga pasa mo?”

“Ok naman ako. Wala naman naging problema.” Sagot ng binata, sabay turo sa ginagawa ni Lia. “Pati ba naman pagkakarpentero? Bakit hindi mo na lang hayaan yung mga trabahador na gumawa diyan?”

“Tumutulong lang ako para mabilis ang trabaho. Ako kaya nag-aayos ng bubong namin tuwing binabagyo. Hindi naman ito mansion na mahirap kumpunihin. Kayang-kaya ko to.”

“Ako na gagawa.”

“Ha? Teka…” Hindi na naituloy ni Lia ang pagpoprotesta nang tanggalin ni Macoy ang tshirt niya.

“Kami na bahala dito. Umupo ka na lang diyan.”

“Hindi ako sanay ng nakatunganga” Angal ni Lia habang nakapako pa rin ang mata sa katawan ni Macoy.

“Tumunganga ka na lang sa panonood sa amin”

Tinignan ni Lia ang dalawang trabahador na kinontrata niya para magtayo ng bahay nila. Tapos ay binalik niya ang paningin kay Macoy. Obvious naman kung sino ang tatabo sa takilya kung manonood lang siya.

Sanay makakita si Lia ng mga tambay na walang saplot pang-itaas, pero ngayon lang siya nagkaroon ng malisya. Sawa na nga siya sa mga bilbil na naka-expose sa katanghaliang tapat, pero hindi sa mga matitipunong abs at muscles na nang-aakit sa harapan niya ngayon.

“Uhm… Macoy” Minabuti na ni Lia na umiwas para hindi na siya mapaso sa binata. “Alis muna ko. Bibili muna ko ng abs.”

“Ng ano?”

Anak ng teteng, ano ba tong pinagsasabi ko?!

“Abs… absolute. Yung mineral water. Baka kasi mauhaw kayo dito. Walang malinis na inuming tubig. Mukha pa namang maselan yang tiyan mo. Sige. Bye!”

Halos takbuhin ni Lia ang pinakamalapit na tindahan para lang maiwasan ang kahihiyan. Sana lang ay bumenta ang palusot niya kahit na siya mismo ay nakornihan.

Abs… absolute. Tsk!

Mula sa tindahan ay tanaw niya si Macoy. Ang pagkakataong makasilay sa binata nang hindi niya nalalaman ay bibihira, kaya nilubos lubos na niya.

Hay Macoy… hanggang pangarap na lang talaga kita.

Natigilan si Lia sa pagmumuni-muni. Pangarap? Kelan pa ba siya natutong mangarap?

Bumuntong-hininga siya. Simula nang makilala niya si Macoy ay nagkaron ulit siya ng konsepto ng pangarap, ng pagasa, ng future. Minsan nakakatakot, pero madalas masarap isipin na posibleng maabot ng palad niya ang buwan.

“Ito na yung mineral mo saka pandesal” Biglang sumingit si Aling Tarsing sa pagmumuni-muni ni Lia.

Inabot ng dalaga ang bayad sa matandang tindera at agad binalik ang paningin kay Macoy.

Bakit sa lahat ng pinapawisan ikaw ang mukhang katakam-takam? Hindi ka mukhang dugyot. Kumikinang ka pa nga. Macoy!!!

Habang kilig na kilig na pinapanood ni Lia ang binata ay siya namang pag-angat ng ulo nito. Lalong nakaramdam ng kuryente si Lia sa pagtatama ng mga tingin nila.

“Ouch! Jesus!” Biglang sigaw ni Macoy, hawak ang kamay niya.

Agad na tumakbo si Lia palapit. “Naku naman… ano nangyari?!”

Mga Bulaklak ng Quiapo: MagnoliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon