She can’t let negative vibrations ruin her Bb. Pilipinas duties. Jackie has to show grace under pressure. Even if that pressure is Macoy.
Mainit ang naging pagtatalo nila ng boyfriend dahil nahuli niya itong sinisilip ang picture ni Lia sa Facebook.
Damn! That witch is really something! Mukhang matindi ang gayumang ginamit ng babaeng yun kaya hanggang ngayon hindi pa rin sya makalimutan ni Macoy.
“Jackie, smile for the camera” Utos ng official photographer ng Bb. Pilipinas Foundation.
Nasa Hemodialysis Center ng PGH si Jackie para bumisita sa mga pasyenteng may Chronic Kidney Disease, isa sa mga beneficiaries ng foundation. Inisa-isang batiin ng beauty queen ang mga matatandang nakasalang sa makina na nagpapalinis ng dugo.
“Good luck saiyo, hija” Bati ng matandang babae.
“Thank you, lola” Nakangiting wika ni Jackie, sabay yakap sa matanda.
“Nakikita kong mag-uuwi ka ng karangalan sa bansa natin”
“Talaga po?” Kahit paano ay nakapagpagaan ng loob ng dalaga ang sinabing iyon ng lola.
Hinawakan ni Lola Minda ang mga palad ng dalaga. “Ang lahat ng pangarap mo ay kayang abutin ng maseswerte mong palad.”
Biglang may memorya na nanumbalik kay Jackie habang pinagmamasdan ang matanda. “Lola, manghuhula po ba kayo? Nahulaan nyo na po ba ako dati? Sa school fair namin sa St. Paul, mga ten years ago?”
Sinipat mabuti ng matanda ang mukha ni Jackie. “Hindi ko matandaan, anak. Masyado na kong maraming nahulaan. Pero may nababasa ako sa mga palad mo.”
Hinaplos ni Lola Minda ang kamay ng babae habang nagsasalita. “Pangarap na iyong hinahangad, saluhin ng magkabilang palad. Ang hawak mo sa kaliwang kamay, may halaga man sa iyong buhay ay kailangan mong pakawalan. Pagkat ito ay di sayo nakalaan”
Dahan-dahang pumatak ang luha ni Jackie. After ten years, it all made sense. Ang hulang iyon ay tumutukoy sa mga importanteng bagay sa buhay niya. Ang pangarap na maging beauty queen at si Macoy.
“Anak, nakikita ko dito sa isa mong palad na magiging tanyag ka sa buong mundo dahil sa angkin mong ganda at katalinuhan. Magniningning ka ng husto. Ikalawa sa iyong prayoridad ang pag-ibig”
“Lola… mahal ko po siya…”
“Ramdam ko ang masidhing pag-ibig mo para sa binatang iyon. Pero masyadong naging mahigpit ang pagkakakapit mo sa kaniya”
Jackie is guilty, and it has been a dark side of her that she can’t seem to let go.
Nang malaman niyang nagkakagustuhan na sina Macoy at Lia ay gumawa siya ng paraan para magkahiwalay ang dalawa. She controlled him emotionally with her dramas. Pina-block niya kay Macoy ang lahat ng social media connections niya kay Lia at pinabago rin nito ang cellphone number ng binata para hindi na siya macontact ng dalaga. Lahat ito ay nagawa niya dahil binantaan niya si Macoy na magpapakamatay siya kung hindi rin lang sila ang magkakatuluyan.
Umasa si Jackie na babalik ang pagmamahal sa kaniya ni Macoy kapag wala na si Lia sa buhay nila. After all, she was his first love. She is his bestfriend. They have been together for fifteen long years. Alam niyang mahal siya ni Macoy.
Iyon ang pagkakaalam niya.
Niyakap ni Lola Minda ang himihikbing si Jackie. “Anak, para sa ikagagaan ng loob mo, pakawalan mo na ang hindi nakalaan para saiyo”
********
NGAYON lang ulit makakadalo ng party si Macoy ng hindi kasama si Jackie. Hindi na niya matandaan kung kelan ang huli, pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na suwayin ang nobya. Dalawang taon na rin naman siyang nagtiis. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-aral at samahan si Jackie sa kung saan man niya gustong pumunta.

BINABASA MO ANG
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia
RomanceMalakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin...