Numerology

194 10 2
                                    

“Napalitan na ba ng cellphone ang bolang kristal ngayon?” Reklamo ng isang matandang babae na nagpapahula kay Lia.

Paano ba naman kasi, isang dosenang ulit na yata siyang sumilip doon simula nang umupo ang kustomer sa harap niya.

“Hay naku, kung ganito lang din naman ang ibibigay mo saking serbisyo, lilipat na lang ako sa iba.” Dumukot ang matandang babae ng bente pesos sa pitaka niya. “O ayan, pangload mo. Kung ako sayo tawagan mo na lang yang boyfriend mo kesa hintay ka ng hintay na magtext siya.”

Sinundan na lang ng tingin ni Lia ang babae hanggang sa makalipat ito sa ibang manghuhula sa di kalayuan. Napabuntong hininga siya, sabay sulyap sa perang hawak.

Hay, sayang ang buena mano. Bakit ba kasi ako nagpapaapekto sa lalaking yun? Tanong ni Lia sa sarili.

“Sinagot ba ni Manuel Quezon yang tanong mo?”

Napaangat ng tingin si Lia. Kilala niya ang boses, hindi lang siya sigurado kung ano ang ginagawa ng lalaki doon sa pwesto niya.

“Ram! Napadaan ka?”

“Parang ang lalim ng iniisip mo ah”

Ngumiti lang si Lia. Inayos niya ang pwesto para makaupo ng kumportable ang bisita. “Magpapahula ka ba?”

“As if naman maniniwala ako sa hula mo” Natatawang sagot ni Ram. “I just happened to pass by a convenience store nearby. Tapos naalala kita.”

“N-naalala mo ko? Bakit?”

“I saw this” Inabot ng binata ang isang supot na may lamang ice cream. “I thought I’ll buy you one. Kapangalan mo kasi.”

“Ang corny mo Ram ha!” Natatawang sabi ni Lia. “Alam mo bang yan ang tukso sakin ng mga kalaro ko noon?”

“Ano bang favorite mong flavor? Rocky road yang binili ko, hindi ko kasi alam kung anong gusto mo”

“Hindi ko pa nga alam ano lasa nito. Mga naglalakong sorbetero lang ang kilala ng dila ko”

“Well, I hope magustuhan mo. Yun lang naman ang pinunta ko dito. Una na ko.”

“Salamat sa pampalamig ha. Panlaban din to sa tirik ng araw”

“Welcome. Text text na lang”
Feeling ni Lia ay binatukan na naman siya ng konsensiya niya. Mabait si Ram sa pagkakakilala niya. Kung may choice nga lang siya, gusto niyang panatilihin ang pagiging magkaibigan nila ng binata.

Pinagpag ni Lia ang ideyang iyon sa utak niya. Mga taga-alta de sosyedad, magkakaroon ng kaibigang taga-Quiapo? Nangangarap na naman siya ng gising!

********

ALAS DOS na ng madaling araw. Hindi pa rin mapakali si Lia. Sino pa nga ba ang iniisip niya kundi ang walanghiyang nanggancho ng una niyang halik?

Pero kung tutuusin, hindi kasalanan ni Macoy na hinalikan siya nito dahil nagbigay naman ng warning ang lalaki noon. Hindi rin naman sinadya ni Lia na batukan si Macoy para halikan siya nito. Nabigla lang talaga siya nang mga sandaling yun.

So sino ang salarin kung bakit nangyari yun? Hindi kaya ang tadhana?

Napangiti si Lia. Baka nga.

Maingat na tumayo si Lia sa hinihigaan para hindi niya magising ang dalawang matanda. Kumuha siya ng ballpen at papel bago bumalik sa banig.

Inilawan ni Lia ng cellphone ang papel na sinusulatan.

Magnolia Ambrosio.

Ferdinand Mark Cruz.

Mga Bulaklak ng Quiapo: MagnoliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon