“Hooh woah…” Intro pa lang ay kilalang-kilala na agad ng audience ang boses na iyon.
Si Lia ay hindi mapigilan sa pagwawala nang sa wakas ay lumabas sa stage si Nadine Lustre.
“Woah yeah yeah yeah yeah” Sinundan siya ng ka-love team na si James Reid.
“Jusko poooo, Chamomile!!!! Buti niyaya mo ko dito sa programang ito!” Tili ni Lia sa kaibigan.
“Maagang kampanya kasi ito ng partido ng daddy ni Brigs. Nung nabanggit sakin na kakanta nga sa Plaza Miranda ang JaDine, ikaw agad ang naalala kong sabihan”
“Mas masaya siguro kung may audience participation.” Suhestiyon ni Nadine.
“Good idea. Hahanap ako ng babaeng volunteer, tapos humanap ka ng lalaking volunteer.”
“Akoo! James!!!” Walang pakialam si Lia sa mga paang natapakan o mga tagilirang nasiko niya. Basta tuloy-tuloy siya sa pagpapapansin kay James Reid para mapiling partner niya.
“Okay… you with the pink blouse.”
“Ako yun! Ako ngaaa!” Nagmadaling umakyat si Lia sa stage.
“What’s your name?”
“Lia” Nablangko na ang utak ng dalaga kaya hindi na ito nakapagsalita pa.
“Good! Nice meeting you, Lia. There’s a teleprompter on the stage. Sing the lines assigned to you, okay?”
“Okay!”
“Are you ready?”
“Yes!” Bumalik ang andrenaline sa dugo ni Lia. Para siyang nananaginip ng dilat.
Binigyan ni James ng sariling mikropono ang dalaga, saka nagsalita sa mic. “We’re ready”
“Ready na din kami” Sabi ni Nadine. “Music please!”
Nakatutok sa prompter ang mata ni Lia dahil nang tumingin ito sa audience ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nakakalula pala pag nasa stage at maraming nanonood.
James: Nakilala kita sa ‘di ko inaasahang pagkakataon
Nadine: Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahonNanlaki ang mga mata ni Lia nang mabasa sa prompter ang pangalan ng lalaking napili ni Nadine. Hindi siya nagkakamali dahil kilala niya ang boses na iyon.
“Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin” Kanta ni Macoy.
“Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin” Muntik nang hindi makanta ni Lia ang linya niya dala ng pagkagulat sa mga nagaganap.
Sabay-sabay kinanta ng apat ang chorus. Halo-halong emosyon ang bumabalot kay Lia.
May excitement dahil kasama niya sa isang entablado ang paborito niyang loveteam.
May kaba dahil nasa harap siya ng daan-daang tao na nanonood sa Plaza Miranda.
Pero pinakalamang ang pagkamangha. Kasama niya si Macoy na kumakanta! Anong ginagawa niya sa Quiapo?
Kung noong umpisa si James Reid ang kapartner niya, sa kalagitnaan ng kanta ay bumalik na ito kay Nadine.
Si Macoy naman ay nilapitan siya at hinawakan ang kamay. Napansin niyang hindi nakatingin ang binata sa prompter habang kumakanta, kundi sa mga mata niya. “Sa tuwing kapiling siya'y ikaw ang nasa isip. At kahit maging panaginip ma'y ika'y nakapaligid”
Dahil kabisado naman ni Lia ang kanta, hindi na rin nito inalis ang tingin kay Macoy para basahin ang lyrics. Tinuloy niya ang pag-awit. “Pinili kong lumayo ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo”

BINABASA MO ANG
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia
RomanceMalakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin...