Nagtaka si Macoy. Imbis na sa bahay nila sa Globo de Oro, ay sa Quiapo Babes sa kahabaan ng Recto nagpasundo si Lia. Ang alam niya ay isa yung beerhouse. Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? Nagpark sa gilid ng bangketa si Macoy sa tapat ng club. Kahit na maliwanag sa parteng iyon dahil sa mga kumikislap na ilaw ng bar ay hindi nagpakampante ang binata. Pinindot niya ang hazard. Hindi naman siguro siya maghihintay kay Lia ng matagal. Tinext nya agad ang babae para ipaalam na nandoon na siya.
Isang babae mula sa loob ng club ang lumapit, kinatok ang auto nya. Binaba naman ni Macoy ang bintana ng sasakyan, pero kalahati lang. Pag-iingat na rin sa mga modus na pwedeng mangyari sa kaniya.
“Macoy?” Tanong ng babae.
Alangang tumango ang binata.
“Ako nga pala si Chrys. Pababa na si Lia. Pasensya na, medyo natagalan. Inayusan kasi namin siya ng mga kasamahan ko dito.” Nakangiting sabi ng babae. Mukha naman itong mabait, at hindi naman mukhang call girl na gaya ng inasahan niyang nagta-trabaho sa ganung lugar.
Nagduda si Macoy sa magiging itsura ni Lia. Sinabi na kasi niya na ipapa-salon na lang niya ito, pero masyado talagang matigas ang ulo ng babaeng iyon. Red carpet premiere ng West End show na Rumpelstiltskin ang pupuntahan nila sa Resorts World Manila at strictly formal ang dress code.
“Heto na pala siya” Wika ni Chrys.
Naaninag ni Macoy ang babae. Binaba pa ng bahagya ni Macoy ang ulo niya para mas masilip ng mabuti si Lia.
“Buti naman nagustuhan mo ang itsura niya” Kausap pa rin niya si Chrys. It was probably obvious that he was surprised in a good way sa nakita. “Ayaw nga magpa-make up. Binawasan lang namin ng konti yung kilay niya. Konting powder, mascara at lipstick lang ang pinayagan niyang ipahid sa kaniya. Alam mo naman yan.”
Lia was wearing a knee-length off-shoulder black dress. Bumagay sa kaniya ang pagkakapusod pataas ng buhok niya. Very classic ang itsura nito. Simple pero elegante.
Biglang may kung anong nag-udyok kay Macoy na bumaba ng kotse niya at pagbuksan ng pinto si Lia. Nawala na sa isip nito ang iniingatang sasakyan. Lalong humanga ang binata nang makita niya sa malapitan ang dalaga. Alam na niyang maganda ang hubog ng katawan nito, pero namangha pa rin siya habang pinagmamasdan ang naka-expose na balikat ni Lia. Para kay Macoy, it was the most perfect collar bone he has ever seen.
Lalo siyang namangha nang titigan niya ang mukha ng babae. Red lipstick lang ba talaga ang bago kay Lia? Pero bakit ganun na lang ang epekto noon sa kaniya? Ang lakas maka-taranta ng presensya ng dalaga.
“Hoy!” Tinapik ni Lia ang tiyan ni Macoy. “Magsalita ka naman!”
Lia’s poke was unexpected. At medyo malakas. Hindi pinahalata ni Macoy na nasaktan siya. Diyahe naman na isang tapik lang ng magandang babae, hindi niya kayang sikmurain. Nilabas niya ang nararamdaman sa pamamagitan ng malakas na halakhak.“Ayos naman ang itsura mo. Mukha kang tao.” That was of course, an understatement.
Sumimangot si Lia.“Malabo pa rin bang maakit si Ram nito?”
Nice way to bring me back to reality. It’s all about Ram. Na-realize ni Macoy.
Double date nga pala ang pupuntahan nila. At hindi nag-ayos si Lia para sa kaniya, kundi para sa pinsan niya.
“Let’s go. Susunduin pa natin sila.” Binuksan ni Macoy ang pinto sa passenger seat. “Dito ka muna sa harap. Lipat ka na lang mamaya pagkasundo kay Jackie.”
“Ok. No problem, boss.” Lumingon si Lia sa kaibigan. “Chrys, thank you ha. Sibat na kami.”
“Okay. Mag-enjoy ka.”
![](https://img.wattpad.com/cover/83610469-288-k963233.jpg)
BINABASA MO ANG
Mga Bulaklak ng Quiapo: Magnolia
Любовные романыMalakas ang paniniwala ni Lia na kapos man siya sa buhay ay biniyayaan naman siya ng Quiapo Church ng umuusbong na career. Tarot cards. Crystal ball. Numerology. Astrology. Palm reading. Face reading. Lahat ng klaseng panghuhula ay kaya niyang gawin...