♕TGQ#ThirtyEight ‐ Kidnapped
머언시 ♥
A/N: Salamat sa lahat na bumasa nito. Dahil sa inyo tatapusin ko ito ng taos-puso. So? Braced yourselves okay? And don't forget to inhale, exhale. XD HAHAHA
P.s: Feeling ko parang lame ang chapter nato -,- hahaha. Pagtyagaan nyo nalang ^^" haha
**
Jiyong POV
Halos malukot ko na ang mga papeles dito sa opisina ko. Hindi ko kase alam kong ligtas ba talaga ang kapatid ko.
Dammit! Kumilos nanaman sila! Hindi pa ba sila nakuntento? Namatay ang mga Magulang ko dahil kasakiman nila sa kapangyarihan at muntik na ring may mangyari kay Qylie. Bakit pa ba umabot na kaylangan pang madamay ang kapatid ko.
" Boss? Di pa po ba kayo uuwi? " tanong sa akin ni Alvin, nakadungaw lang ang ulo nya sa may pintuan. Mag-gagabi na pala?
" Mauna kana " yun lang ang sinabi ko bago pinagpatuloy ang ginagawa ko. Wala na akong narinig bago sumirado ang pintuan ng opisina ko at tuluyan na ngang umuwi si Alvin.
Napasandal ako kaagad sa swivel chair dahil biglang nangalay ang likod ko dahil sa mga ginagawa ko kaninang umaga hanggang ngayon.
Pinikit ko muna saglit ang mata ko dahil ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko hanggang sa may marinig akong kumalagpag sa labas ng opisina ko.Teka? Hindi pa ba tuluyang umalis ni Alvin?
May pagkabaliw pa naman ang isang iyon. Napagdesisyonan ko nalang tingnan dahil di parin natahimik ang ingay. Pero nang pagbukas, tahimik na desk nya ang bumungad sa akin, nagtataka man ay tuluyan na akong lumabas hanggang sa may naramdaman nalang ako na mayroong humampas sa akin ng bakal na tumama sa ulo ko. Ngunit, bago ako tuluyang mawalan ng ulirat may nakita akong lalaking na nakatayo sa aking harapan na may hawak na Baseball Bat na nakasampay ito sa kanyang kaliwang balikat hanggang sa dumilim na nang tuluyan ang paningin ko.
***
Qylie POV
'The number you have dialled is out of coverage area. Please try to call later. The number blah-blah-blah'
Inis kong pinatay ang phone ko dahil kanina ko pa tinatawagan si Jin Jiyong pero sa magpasahanggang ngayon hindi nya parin sinasagot. Ano nanaman ba ang drama ng lalakeng to at kanina pa hindi sinasagot ang tawag ko.
'Hi this is Jin Jiyong at your service and Im sorry I can't answer your call. Please leave a message after the beep.' Tang-ina mo Jiyong, ano nanaman ba ang ipinag aabalahan mo sa buhay at dimo sinasagot ang mga tawag ko! Kung sakaling natanggap mo ito, mag returned call ka agad saken para naman malaman kong humihinga ka pa ba o hindi na! '
Inis ko itong binagsak. Dapat sa mga oras nato, nandito na sya sa bahay, pero mag aalas-diyes nalang nang gabi ngunit wala pa ito. Hindi ko maiwasang kabahan nang ganito, sa tanang buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang pagiging balisa, pano kung may mangyari nang masama sa kanya, pero malaking imposible naman ata kung may mangyari sa kanya sya ang pinakamautak sa amin.
Kagat-kagat ko ang aking mga daliri habang pabalik-balik dito sa sala.
" Hija, bat dika pumirmi at ako'y nahihilo sa kakasunod sa iyo " saway sa akin ni Nana Mina at pilit na pinauupo.
" Ano ba ang problema at hindi ka mapakali dyan? " dugtong pa nito.
Agad ko syang hinarap at nagtanong, " Si kuya ba? Tumawag sa inyo? " tanong ko dito.
Nagtataka man sa akin ang matanda ngunit umiling ito.
" Sigurado kayo Nana? Kahit isa sa mga katulong ba, wala silang natanggap na tawag ni Kuya? " paniniguro ko dito.
" Oo. Magsasabi naman iyon kung gagabihin sa trabaho " sagot dito sa akin para tuluyang kabahan tungkol sa iinisip ko pero sana mali ito.
Agad kong dinampot ang phone ko tsaka tinawagan ang sekretarya ni Kuya habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. Hindi pa natapos ang ring ay may sumagot na dito.
[ Sino po sila? ] boses ng babae ang sumagot nito.
" Nandyan ba si Kuya Alvin " pormal kong pagtatanong ko dito
[ aa? Opo, saglit po at tatawagin ko muna.....]
Naging tahimik muli ang nasa kabilang linya bago may nagsalita muli, boses na ito ng lalake.
[ Sino po sila? ]
" Si Qylie ito, kapatid ni Jiyong, nasa Company pa rin ba sya? "
[ Ay! Maam, kayo po pala. Hindi ko po alam e kase nauna napo akong umuwi. Bakit po? Wala pa po ba si Boss? ] pormal nitong tanong kaya agad kong binaba ang telepono at inistart ang sasakyan ko.
Tinungo ko ang Altamonte Company, dahil alam kong nandoon ang clue na magpapatunay sa hinala ko. Hindi na ako dumiretso sa parking lot kundi tumigil ako sa harap ng company at agad na tumakbo sa loob. Nasa ika 15th floor ang CEO office kaya agad ako nagpunta sa Private Elevator at pinindot ang ika 15th floor habang nasa loob pa ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isang importanteng tao. Alam ko sa oras na ito, mukhang tulog na ito.
Klyd POV
Naalimpungatan ako ng biglang magring ang phone ko. Papungas-pungas kong binuksan ang mata ko at kinuha ang phone nasa side table ng bed ko.
" Hello? " bati ko
[ K-klyd ]
Hindi ko alam pero biglang nagising ang diwa ko at napa ayos ng upo.
Shit! It is Qylie right?
" Q-qy-qylie. Bakit? " Damn! Did I stutter? Narinig ko namang tumawa sya.
[ Im sorry to bother to you at this time but, I have something really important to tell you ]
Dug.dug.dug.dug
Dug.dug.dug.dug
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
" A-ano yun? " kinakabahang tanong ko.
[ I-- I-- I like you--- ]
Toot.toot.toot.
I like you
I like you
I like you
I blinked how many times at gustong ko isink lahat ng sinabi nya pero totoo yun diba? Sinamapal ko ang sarili ko para talagang malaman kung totoo ba yun pero,
" Awh! " impit kong sabi dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.
Yes! She likes me! Hindi ko alam na nagtatalon na ako sa sobrang saya.
" Hoooh! She likes me! "
**
Qylie POV
Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya ay agad ko nang binaba at tinanggal ang battery ng phone tsaka ito itinapon sa basurahan.
Ting!
Agad hinablot ang baril ko nasa gunpocket na nasa hita ko at tinahak ang lobby papunta sa CEO Office ni kuya pero nadatnan ko itong bukas, ibig sabihin lumabas si kuya? Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa dumako ang tingin ko sa dugo na nasa sahig malapit sa desk ng secretary. And it was fresh, hindi kaya?
Trrrt. Trrt.
(A/n. Tunog yan ng Fax. Sensya ^^)
Nilingon ko ang Fax Machine ng biglang tumunog ito haggang sa may lumabas na,
'WE HAVE YOUR GRANDFATHER AND YOUR BROTHER. GO TO BLACK SUEDE TOWER! DON'T BRING ANYONE WITH YOU IF YOU DON'T WANT THEM BOTH DEAD'
BINABASA MO ANG
♕The Gangster Queen♕ [ COMPLETED ]
Aléatoire6 years later~ I was standing here, feeling the calm wind of this Sunday morning, listening the chirping sounds of the birds. Its been 6 years after that incident happened, and it was still refresh to me, it was just like yesterday.