Forbidden 1(revised)

517 10 0
  • Dedicated kay Dessamay Caccam
                                    

Seina's POV:

Bigla akong napabangon at napatingin sa aking paligid. Nandito na pala ako sa dati kong silid dito sa aming dating mansyon dito sa Pilipinas. Tinignan ko ang digital clock sa may mesa tabi ng aking kama, its 4:01 AM. Sanay na sanay na akong gumising ng ganitong oras, ultimo katawan ko ay parang may sariling isip at kusang nagmumulat ang aking mata. Bumangon ako at pumunta sa banyo. Pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos, nagpunta ako sa aking walk in closet. Agad akong nagbihis. I'm wearing sports bra and sweat pants na abot hanggang tuhod lang ang haba. Lumabas ako sa aking kwarto at nagtungo sa training room. Pagkatapos kong pumasok dito, umupo ako at nagmeditate. I need to clear my mind. Sa aking pagmemeditate, unti-unting dumadaloy ang aking mga ala-ala na kung saan ito ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa kinalalagyan ko.

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you" sabay sabay na pagkanta ng mga maids at butler sa akin.

"Make a wish before blowing your candle, anak" sabi sakin ni nanay Belinda, ang tumatayong pangalawang nanay ko sapagkat siya na ang nag-alaga sakin mula pagkapanganak ko dahil sa patay na daw ang aking ina.

Pumikit ako at nagwish.

"I wish that daddy will be here before my birthday ends." Pagkatapos hinipan ko ang apat na kandila.

Pumalakpak lahat sila at sabay sabay na umupo sa mesa para pagsaluhan ang konti nilang inihanda para sa aking birthday. Kami kami lang ang nandito pero maligaya na ako sapagkat nakalaro ko ang mga anak ng aming maids na sina Sheena at Marky na minsan ko lang nakikita. Habang masaya silang nagkwekwentuhan at kumakain, palinga linga ako sa pintuan. Baka sakaling dumating si daddy.

Pagkatapos kong kumain, nagpunta muna ako sa aming sala.

"Oh, anak, akyat ka na at gabing gabi na. Nakauwi na sina Sheena at Marky." Sabi sakin ni nanay Belinda habang palapit siya sa aking kinauupuhan.

"I'll wait for daddy nanay." Malungkot kong pahayag.

Napabuntong hininga siya.

"Sige, samahan na kita. But promise me, pag di pa siya dumating hanggang alas dyes, matutulog ka na huh?."

"Yes, nanay. Pinky promise."

Pagkatapos lang ng ilang sandali, may dumating ng sasakyan. At pumasok na si daddy kasama ang ang kanyang dalawang body guards. Tila nagulat pa na nadatnan kami sa sala.

Agad tumayo si nanay Belinda at bumati.

"Good Evening po sir, pasensya na at gising pa si Akira. Birthday niya po kaya hinihintay kayo." Nakayukong pahayag ni nanay Belinda.

"Go to her room and pack her things. Pack also your things Belinda. We will go to Japan tomorrow. I'll talk to her."

Agad na tumalima si nanay Belinda pagkat batas ang salita ni daddy dito.

"Come, Akira." Lingon niya sa akin saka siya dumiretso sa hagdan. Sumunod ako at sumunod din ang dalawang body guard pero nagpaiwan sila sa labas ng silid na ito. Namamangha ako sa aking nakita. Maraming mga libro na nakahanay na tila mini library dito. First time kong pumasok dito dahil pinagbabawal ang pagpasok dito maliban na lang kung pinapatawag ka ni daddy.

May binuksan si daddy at may inilabas na napakagandang kahon. Parang music box. Inabot niya sa akin. At agad ko itong sinubukang buksan.

"Happy Birthday. That was from your mom. Espesyal yan at mabubuksan lang yan sa ikalabingwalo mong kaarawan. Ibibigay ko na ngayon yan para ikaw na ang mag-ingat sa isang kondisyon..."

Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon