Chapter 8: Invited

235 8 1
                                    

Chapter 8

Seifer's POV:

Pauwi na ako sa condo. Pagod na pagod ako, dagdag pa tong konting daplis ko tsaka mga pasa. Pagbaba ko dito sa parkingan, sakto namang may dumating na sasakyan. Yung bugatti kaninang umaga. Grabe ang perfect ng 90 degrees drifting nya. Tumayo ako at tinignan kung sino ang bababa, malapit lang naman eh. Napapahanga ako eh.

(⊙o⊙)???

"What the h**l?? No way! Siya?"

Dumaan siya with his famous cold stare. Walang lingon. Deretso lang. Napasunod lang ako ng tingin hanggang natauhan ako nung nakapasok na siya. Tumakbo ako at hinabol siya. Sakto naman pagpasok niya sa elevator. Buti naabutan ko pa bago sumara. Wala man lang kareareaksyon.

"Hi, good eve."

Lumingon lang siya. Ayun poker face pa din.

"Ang galing mo sa drifting. Racer ka ba?"

(-_-) siya na di umiimik

"Baka gusto mo sumama minsan makipagrace samin. Malaki din ang bayad."

Bigla siya lumingon at tumaas ang kilay.

"Hehe, kung interesado ka lang naman."

"Where?"siya

"Tawagan ka na lang namin. San ba room mo?18th floor din ako eh. Hehe.parehas tayo. Pansin ko lang. 1805 ako"(--〆)

"Tss"

"Ahehe.."

"Magkano ba ang makukuha ko sa racing? Is that legal racing?"siya

"Ah oo. Pero mga members lang nakakapasok dun tsaka mga makapangyarihan at mayayamang tao ang andun, pero makakapasok din ang outsider basta sagot siya ng member."

"Ok."siya

"wag ka mag-alala, sagot kita. Hehe"

*ting*sakto namang lumabas si Eina. 18th floor na.Dumiretso na siya sa room niya. 1808 siya. Pumasok na din ako sa unit ko. Umupo muna ako sa sofa. At ni on ang tv. As usual. Animax ang channel ko. Ayun sakto Fairy Tail na. Nahuli kanina sina Eiji at Akio sa school. Maghapon kaming busy dahil sa pag-iimbestiga sa nangyari pero gang ngayon wala kaming lead kasi wala naman nakuha o nahack na files ng school. Masyadong mataas ang security ng database ng school para agad agad mapasok to. Chineck din namin mga cctv pero wala din kaming makita.

"Ano kaya motibo nun?Aish. Sumasakit ulo ko."

Tapos bigla ko naisip si Eina. Nalagot na. Pagagalitan ako ni Eiji nito. Andaldal ko. Pati yung racing nasabi ko.

"Dibale na, kaibigan naman ni Bea. Ang astig kasi ng Drifting niya. Idol ko na siya."

*kring....kring* [tunog ng telephone]

"Hello!"

(Seifer, bili ka ng beer sa 7/11 tapos order ka ng pagkain at pulutan. We will be there after 30 mins. Sa penthouse na tayo magkitakita.)

"Aish...ok. yun lang ba?"

(Yeah.)

Ayun at binaba na.

Lumabas na ako ng unit ko at pumunta sa 7/11. Ganito talaga kami. Pag stress o naguguluhan, nag-iinuman kami. Sa unit lang kami nag-iinuman. Saka lang kami nagpupunta sa mga bar kapag nagkakasiyahan at kung may icelebrate.

After kong bumili, tumawag na din ako para mag order ng pagkain. Pagkarating ko ng unit ko lumingon ako sa unit ni Eina, ewan ko ba. Ano ba meron sa kanya at pati si Akio na tahimik ay napansin siya. Lalo na si Seiji, naiintimidate sa kanya. Si Allain? May bago ba? Eh napakababaero nun. Sa ganda ba naman ni Eina?, bulag lang di makakapansin nun. Ako? Oo, nagagandahan ako, crush ko nga eh. Ikaw ba naman makakita ng babaeng astig? Bihira na yun ngayon. Siya lang din nakita kong nakapagpawalang bahala sa'min. Ibang klase talaga. Tsk. Tsk. Napapailing na lang ako.

Forbidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon