Chapter 6.1: Encounters 1
Eina's POV:
Pagkarating ko ng school, dumiretso ako sa puno kung saan walang istorbo at malayo sa karamihan.(ito yung pinuntahan niya dati)
"I will get revenge on my mom's death. Whoever comes in my way, I will become their worst nightmare. I'll let them experience hell.
"Watashi wa yuruso koto wa arimasen.(I will never forgive.)"
Kinuha ko ang shuriken sa boots ko at hinagis. Pinatamaan ko ang isang ahas na gumagapang sa baba 15 metro ang layo mula sa puno. Tsaka ako tumalon at kinuha ang shuriken. Sapol sa ulo. Parang may nagmamasid sa'kin. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Tumingin ako sa taas ng building, parang may nakita akong tao.
*smirk*
"Sige, magmasid ka, makikipaglaro ako sa'yo."
Umalis na ako at naglibot.
"Ngayong araw na to, simulan ko na ang plano ko."
Eina's POV end
Akio POV:
Kanina ko pa pinagmamasdan si Eina mula sa hawak kong telescope. Mula sa paglabas niya sa parking lot hanggang sa pagpunta niya sa puno kung saan ako tumatambay kung gusto ko ng tahimik na lugar. Nandito ako sa rooftop ng SAE bldg. Base sa nasaksihan ko, hindi siya isang pangkaraniwang babae. Eksperto siya sa mga armas. Kung hindi ako nagkamali, shuriken ang pinatama niya sa isang ahas. Tama ako, she is really something. Kaya pala, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Pero sa nakikita ko, parang may nag-iba sa aura niya.
"Who are you Kumiko Seina Sanada? Why are you here? "
Bago pa ako makita ng tuluyan umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagpunta sa mini library. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kinuha kong nag-iimbestiga.
Pagkatapos ng dalawang ring, sinagot na niya.
"May nakuha ka na bang impormasyon? I need it very soon. Get all informations about her, her family, friends, and their backgrounds. Send it to my email. Thank you and be careful, she's not ordinary."
Pagkatapos kong tumawag, sakto naman dumating sina Seiji at Seifer. Umupo lang sa sofa si Seiji at nagpipindot sa ipad niya. Nanonood nanaman yan ng anime for sure.
"Oh, mukhang problemado ka ah. Is there something bothering you?" Seifer
"Rien.(nothing)"
"Ah, chicks ba yan? Aba, improving. Sino yan?" Seifer
"Tss."
"Eiji, I need to talk to you"
"Oh, bakit?" (-__-) Eiji
"Nevermind. We can discuss this some other time. And by the way, review the list of recruits and we're having our initiations on saturday and pledge on sunday. And let me remind you our meeting this evening."
"Okay."Eiji at tinuloy nanaman ang ginagawa niya.
"And you Seifer, since you are the CMI, you are in-charge for the initiation. "
"Yeah, I can handle it. I already informed the MI's." Seifer
"Good to hear. Let's go, it's almost time."
"Aish, I'm not done yet with episode 348"  ̄︿ ̄ Eiji
Tumayo na kami at pumunta sa klase.
Pagkarating namin sa klase ni Eiji, Tumahimik lahat sila at tumingin samin. Tahimik lang ako, nilibot ko ang tingin ko at nagkatagpo ang mata namin ni Eina. Nakatitig siya pero hindi katulad ng iba na paghanga o pagkainggit ang sinasabi ng mata. Wala akong mabasang ekspresyon. Pero ang aura niya, nakakakilabot. Tila ba, may dark aura na nakabalot sa kanya na tila ba sinasabing mag-ingat ka sa kanya. Napansin kong pati si Eiji nakatitig sa kanya at natigilan. Para di mapansin ng kaklase namin, kinalabit ko si Eiji at kinausap.
BINABASA MO ANG
Forbidden
ActionEverybody thinks she's very lucky.She has everything you want to have, Beauty, brains, money, and power. But for her, she has nothing. She's just a puppet, puppet with master, no freedom. Following her Dad is only her choice, until she met this guy...
