Chapter I #themoves!

3.2K 67 2
                                    

Next...halos hindi namalayan ni Captain Yu na siya na pala ang tinatawag ng doktora.

"Ah captain,magpapacheckup ho ba kayo o hindi?marami pa kasing pasyenteng naghihintay sa labas?" Halos mapaigtad siya nang marinig ang tinig ng doktora.

"Ah,I'm sorry! Ano ulit 'yun?" Anito na pulang pula ang mukha sa sobrang pagkahiya.

"Naku!Si big boss mukhang tinamaan kay doktora ah!"biro ng isang sundalo na nakatanaw sa kanya habang hawak hawak ang brasong kinuhanan ng dugo."

Nagtawanan naman ang lahat nang makitang napakamot sa ulo ang kanilang kapitan.Tila hindi napaghandaan ng binata ang birong iyon kaya kunwa'y galit na pinagsasapak niya ng hawak na cap ang mga kasamahang sundalo.

"Puro kayo kalokohan!"aniya na buong kisig na lumapit sa doktora.

"Captain Yohan Yu at your service doc.!"aniya na sumaludo pa sa kaharap.

"Doktora Maxine Han,at your service captain!"nakangiting sagot ng kaharap.

"Matagal ka na ba dito doktora?Ngayon lang kasi kita nakita".pasimpleng buladas niya.

"Paano mo naman ako makikita eh ngayon lang kayo dumayo rito sa amin?" nakangiting sagot ng doktora.

"Buti hindi nagseselos ang boyfriend mo sa twing may lalaking nagpapatingin sa iyo?"kunwa'y tanong niya na ngingiti ngiti pa sa kaharap.

"Wala akong boyfriend!"maikling sagot nito.

Pacute naman na nginitian niya ang dalaga.

"Bigla yatang sumama ang pakiramdam ko,pwede ba akong magpaconfine dito?" Aniya na luminga linga pa sa paligid na tila humahanap ng pwesto.

"Pwede naman po.May bakante pa kameng room malapit sa morgue" kaswal na sagot ng dalaga habang idinidikit ang sthethoscope sa likuran niya.Nanlaki naman ang singkit niyang mga mata nang marinig ang sinabi ng dalagang doktor.

"Malapit sa morgue???hindi ba doon inilalagay ang mga patay?"

Isang nakalolokong tingin lang ang isinagot ng dalaga at pagkatapos ay muling bumalik sa kanyang upuan at nagsulat ng reseta para sa binata.

"Actually,mukhang okay ka naman,pero kung gusto mo talagang magpaconfine pahahanda ko na ang silid na sinasabi ko sa'yo".seryosong sabi ng dalaga.

"Ah...ano kase...nawala sa loob ko may operation nga pala kame pagkatapos namin dito".kakamot kamot sa ulo na napatingin pa siya sa mga kasamahan na tila pinipigilang matawa."

"Big boss,diba break tayo ngayon?"singit ng isang matabil na sundalong si Obet.

Napangisi naman si Yohan na agad na hinedlock si Obet "ah sige doktora,tutuloy na kame,mukhang nagugutom na tong isang bata ko at anu-ano nang sinasabi".aniya habang binabatak palabas si Obet.

"Pero baka masaktan siya sa ginagawa mo captain?"narinig niyang habol na sabi ng doktora.

"Okay lang siya doktora,wag mo siyang alalahanin!"halos pasigaw na sagot nito na hindi na lumingon pa.

Nagtatawanan namang sumunod ang buong tropa sa kanila.

"Ikaw talaga Obet,wrong timing ka parati!"aniya nang marating ang truck na sasakyan nila pabalik ng barracks.

"Pasensiya na captain hindi ko naman alam na dinidiskartehan mo pala si doktora."kakamot kamot na sagot nito.

"Hayyy....para saan pa 'yang sorry mo na iyan,sigurado ako turn off na sa akin 'yun".aniya na may panghihinayang.

"Ikaw naman kasi big boss,ang tapang tapang mo sa labanan para morgue lang natakot ka na!"naiiling na tinapik pa siya sa braso ng kaibigang si Diego atsaka siya nilampasan at umakyat na sa truck.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon