Chapter X#BiggestSurprise!

2.9K 77 5
                                    

Maganda ang gising ni Yohan nang araw na iyon.Agad siyang bumangon at nag-ayos ng sarili.Halos isang oras siyang  tumagal sa paliligo.Pagkatapos ay nag-ahit ng medyo umaangat ng mga  balbas at bigote.Panay ang sipat niya sa salamin at papogi habang nirerehearse ang sasabihin kay Maxine.Nakailang bihis din siya bago tuluyang nakapili ng damit na isusuot.

Nagmamadaling tinungo niya ang airport upang sunduin ang dalaga.Wala itong kamalay-malay na darating siya.

Ilang minuto na ring naghihintay ng sundo ang grupo pero dahil sa maselang panahon na dala ng paparating na bagyo ay na stranded sila sa airport binaha kasi ang ilang kalye at hindi maraanan.

"Hayy,grabe ang sama ng panahon!Anong oras kaya darating ang susundo sa atin!"panay ang sipat sa relos ni Dok Bernard habang nakatanaw sa direksyon kung saan pumapasok ang mga sasakyan.

Halos bihira na ang pumapasok na sasakyan at mangilan-ngilan na lang rin ang mga taong naghihintay.Sinuspindi na kase ang biyahe ng mga paalis na eroplano at nag emergency landing na rin ang ilang paparating sanang eroplano dala ng masungit na panahon.

Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila nang biglang tumigil ang puting van sa mismong harapan nila.

"Hay!salamat naman!" Ani Kassy na agad tumayo at binuhat ang maleta patungo sa sasakyan.

Dahil sila lang naman ang taong natitira hindi na sila nagtanong pa at sila na mismo ang nagbukas ng pinto at nagsakay ng karga nila.Hindi na nagawang bumaba pa ni Yohan.
Napakunot ang noo niya nang biglang magpasukan ang buong grupo sa van at tila patang-patang ipinikit ang mga mata ng makaupo ng maayos sa sasakyan.

Hinanap ng mga mata niya ang dalaga at ganon na lang ang pagkagulat niya na ito pala ang siyang umupo sa unahan at katabi niya.Gaya ng mga kasamahan nakapikit din ang mga mata nito habang nakasandal sa sasakyan.Napailing na lang siya mukhang napagkamalan siyang service ng mga ito at dahil wala ni isang nakakilala sa kanya ipinagpatuloy niya na lang ang pagmamaneho.

Nakatulong din na alam niya maging ang hotel na tutuluyan ng grupo kaya doon niya dineretso ang mga ito.

Mabilis na nagbabaan ang grupo.Kanya-kanyang buhat ng gamit at pasok sa hotel.Ang bawat isa ay sabik makapagpahinga.At dala marahil ng pagod sa biyahe hindi na nila naalala pang gisingin si Maxine na naupo sa bandang unahan sa tabi ng driver.

Lumuwang ang pagkakangiti ng binata nang maiwan ang natutulog na dalaga.Agad niyang pinasibad ang sasakyan sakay ang nahihimbing na dalaga.

Maya't maya ang sipat niya rito habang nagmamaneho.Hanggang sa makarating sila sa bahay.Muli niyang sinipat ang dalaga ngunit mahimbing parin ang tulog nito.Bahagya siyang napangiti nang maaala niya ang sitwasyon kung saan binuhat niya rin ito papasok ng bahay.

"Ang hilig niya talagang matulog sa sasakyan!"bulong niya sa sarili habang iniaakyat ang natutulog na dalaga.

Nang maiaayos sa higaan ang dalaga ay dumiretso siya sa kusina upang maghanda ng hapunan.Bahagya niya pang itinupi ang manggas ng suot na long sleeve at saka nagbukas ng ref.Muli niyang napansin ang sarili.

"Sayang naman 'tong outfit ko,wala man lang nakapansin sa akin!"naiiling na sabi niya.

Nang makumpleto ang ingredients ay agad na siyang nagluto ng pagkain.Naging abala siya sa kusina at hindi na niya namalayan ang paglapit ng dalaga.

Tila napako sa kinatatayuan si Maxine,hindi niya mawari kung totoong nangyayari o nananaginip lamang siya.Pero kung ano pa man ang totoo hindi na niya ito nais matapos pa.

Kilalang kilala niya ang tindig na iyon ni Yohan kahit pa nakatalikod ito ay hindi siya maaring magkamali.Dahan-dahang nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.Natigilan si Yohan marahan niyang hinawakan ang mga kamay nitong nakayakap mula sa kanyang likuran.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon