Chapter IV#InstantBoyfriend

1.7K 49 2
                                    

"Kakainin mo ba yan o titigan mo na lang?"nagulat siya nang biglang magsalita ang binata.Buong akala niya ay natutulog na ito.

"Bakit parang kinikilig ka pa diyan?alam kong napuyat ka nang dahil sa akin kaya nagpadeliver ako para sa iyo!" Bigla siyang natigilan sa narinig at matamang tumingin sa binata.

"Ikaw ang nagpadala nito sa akin?"bakas sa mukha niya ang pagkadismaya.Bagay na agad napansin ng binata.

"Bakit bigla yatang nalukot ang mukha mo?siguro iniisip mong padala iyan nang manliligaw mo noh?"

Tila siya naman ang hindi maitago ang pagkadismaya sa sariling ideya.Marahan siyang pumihit at tumalikod sa dalaga.

Nang umekto ang gamot na ininom ay muling nakatulog si Yohan.Sinamantala naman ni Maxine ang pagkakataon at sumalising umuwi ng bahay.Pero bago iyon ay nagbilin muna siya sa kasamahang doktor na silip silipin ang binata.

Hindi niya rin matiis na basta niya na lang itong iwanan ng walang bantay.

Maggagabi na rin nang makabalik siya ng ospital.
Naakatanaw lang sa labas ng bintana si Yohan ng madatnan niya.Hindi pa rin nito nagagalaw ang rasyon nitong hapunan na nakapatong sa mesa.

"Pasensiya ka na kung natagalan ako, sumaglit kasi ako sa bahay upang maligo pero hindi ko namalayang naidlip na ako sa sofa."

Bahagya siyang lumapit at sinalat salat ang noo ng binata subalit panay ang salag nito sa kamay niya.

"Okay na ako,wag mo na akong alalahanin masyado na kitang naabala."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito at saka bumalik sa pagkakahiga.

"Kumain ka na para makainom ka na ng gamot."aniya na hindi inintindi ang pagsusungit ng binata.

Nanatili lang itong nakatingin sa direksyon ng pintuan at hindi umiimik.

"Ganyan ba talaga kayong mga sundalo?minsan mabait minsan masungit?"

Ngingiti ngiting tanong niya habang inihahanda ang dala niyang pagkain para sa binata.

"Hindi ako masungit!ayoko lang mag panggap na okay ako kahit hindi"

Seryoso ang mukha nito na tumingin sa kanya.Hindi niya naman masalubong ang mga tingin nito.

"Kung sa manliligaw mo galing ang pagkain na iyan at hindi sa akin ganyan din ba ang magiging reaksyon ng mukha mo" nanatili itong nakatingin sa kanya.

Sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na salubungin ang tingin nito.Malalim at tila sumusugat ang tingin na iyon ng binata subalit hindi siya nakaramdam ng kahit na konting takot bagkus ay kakaibang pakiramdam na dulot ang tingin na iyon ng binata.

Sa halip na galit ay isang nagseselos na lalaki ang nakikita niya sa mukha nito at sa kung anong dahilan ay tila nasisiyahan siya sa nakikita niya.
"Hanggang ngayon ba naman iniisip mo pa rin iyan!"
"Kaming mga sundalo hindi basta basta nakakalimot!"

Nanatili parin itong nakatitig sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko kasi kayong mga sundalo mabilis makalimot!madaling magmahal at madaling makalimot!" Wala sa loob na sagot niya.

"Kaya ba nireject mo ko agad kahit hindi pa ako nagsisimulang manligaw?"

Natigilan siya sa ginagawa.Ngayon niya lang din naisip ang mga bagay na iyon.

"Hindi ka makasagot dahil tama ako?ayaw mo sa aming mga sundalo dahil iniisip mong hindi kame tapat magmahal?"

Napayuko na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawang paghahain ng pagkain.Napansin naman ni Yohan ang pagkaing inihahanda niya."wag mong sabihing nagawan mo pa kong lutuan ng pagkain niyan." Anito na nakatingin sa dami ng pagkaing dala niya.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon