chapter V #BirthdayGift

1.7K 49 1
                                    

Nasa loob na sila ng bahay ay wala parin silang imikan.Parehas silang nabigla sa nangyari.Walang ibig magsalita.Hanggang sa hindi na nakatiis pa si Yohan."bakit mo ko sinundo sa bar?"aniya na  nanatiling nakayuko habang nakaupo sa sofa.

"Dahil may tumawag sa akin at pinasusundo ka!"ganting sagot niya sa binata na hindi rin makatingin.

"'Yung pinapatawagan ko sa waiter yung Maxine na girlfriend ko?bakit ikaw ang dumating?ikaw ba si Maxine na girlfriend ko?"

Tila natrap siya sa tanong na iyon.Bakit nga ba agad siyang tumakbo papunta sa binata gayong hindi naman siya girlfriend nito.Pasimpleng nag angat siya ng paningin at nasilayan niya ang pilyong ngiti ng binata.

Muli nitong inabot ang isang kamay niya at pinagsugping sa kanyang palad.

"Ito na ang pinakamasayang birthday ko!"anito na maluha luha pa habang nagsasalita.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig."birthday mo?"

Ngumiti lang ito at tumango tango bilang tugon.

"Happy birthday!" Tila nahihiya pang bati niya.

Pero napansin niyang  tila hindi lubos ang saya ng binata.Malungkot parin itong tingnan kahit nakangiti.

May kirot siyang naramdaman sa puso niya para sa binata.Kaya dinukwang niya ito at hinalikan sa pisngi.

Nagulat ito sa ginawa niya.Biglang nangislap ang mga mata nito na tila bumbilyang nagliwanag."para saan 'yon?"seryoso na itong nakatingin sa kanya.

"Sabihin na lang nating regalo ng girlfriend sa kanyang boyfriend!" Aniya na mabilis na tumayo at tumungo sa kusina.tila nabigla naman ang binata na hindi agad nakakilos.

"Boyfriend?girlfriend?"lalong nagningning ang kanyang mata ng marealize ang ibig sabihin ni Maxine.

Halos maglulundag ito sa tuwa na sumunod sa kusina.Naabutan niya ito na naghahanda ng lulutuin.Mula sa likuran ay niyakap niya ito."talaga bang girlfriend na kita?"naguumapaw ang kaligayahang tanong pa niya.

"Ngayong araw lang na to ha?pinagbigyan lang kita dahil birthday mo!"aniya na sinulyapan pa ang binatang nakayakap sa likuran niya.

"Grabe naman!seryoso ka ba sa sinasabi mo?"tila naglalambing pang itinukod nito ang baba sa balikat niya habang lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang niya.

Paano nga ba niya tatanggihan ang ganito kalambing na  lalaki na handang mag alay ng lahat sa kanya.

"Parang mainit ka na naman?"aniya ng madampi ang leeg nito sa kanya.

Hinarap niya ito at sinalat salat ang leeg at noo.

"Hindi ka pa kasi nakakarecover sa pagkakaospital mo wala ka ng ginawa kundi uminom!"aniya na hindi maitago ang pag aalala.

"Mabuti pa umupo ka muna diyan at ipagluluto kita ng masarap na dinner para makainom ka na ng gamot!"Kumuha siya ng bangko at sapilitang inupo ang binatang pilit nangungunyapit sa baywang niya.

"Wag kang makulit okay?" Nilakihan na niya ito ng mata upang tumigil na.

Kasalukuyan siya noong naglalatag ng  hihigaan ng binata nang bigla itong magsalita.

"Wag mo nang ayusin yan,hindi naman ako matutulog babantayan lang kita magdamag."
Itinigil niya ang ginagawa at tumabi sa binata na nakaupo sa sofa.

"Diba sabi ko sa iyo kailangan mo pang magpahinga?bakit ba ayaw mong sumunod sa doctor mo?" sinadya niyang itaas ang boses upang sindakin ang binata subalit natawa lang ito sa ginawa niya.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon