Mag iisang linggo na mula ng nagpaalam si Yohan hindi parin ito kumokontak sa kanya.Kaya ganoon na lang ang pag aalala niya.
"Ang sabi niya sa akin hindi siya aalis ng kampo pero bakit kahit isang beses hindi pa siya tumatawag sa akin.Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko!Kahit isang text message hindi siya nagrereply."halos kunot na ang noo niya habang nagkukwento sa mga kaibigan.
"Umamin ka nga sa amin,bakit ganyan na lang ang pag aalala mo sa kanya?kayo na ba?"bigla siyang natigilan.Wala pa nga palang alam ang mga ito.Napadudok na lang siya sa mesa at mahinang inuntog untog ang ulo.
"Anong gagawin ko,nag aalala na ako sa kanya!"aniya na halos maiyak na habang nagsasalita.
"Grabe!kayo na nga talaga!"halos hindi makapaniwalang sabi ni mely.
"Tsang,bakit di ko siya makontak?"muling tanong niya.
"Bakit hindi ka tumawag sa opisina nila para malaman mo kung nasaan si Yohan?"suhestion ni gerald.
"Nahihiya ako!"maikling sagot niya.
"Bakit hindi nilang ikaw Bernard ang tumawag?"ani Mely na nakatitig pa kay Dr. Hao.
Tila na freeze naman ang tinuro niyang doktor."ako?ah,ano kasi medyo busy ako ngayon eh!" Anito na tatayo na sana nang mahawakan ni Mely ang manggas ng suot niyang uniform.
Si Mely ang kaidaran niyang nurse na matagal na niyang nililigawan.Dalawa sila sa grupo na may edad na at nagsisilbing ama't ina ng grupo.
"Sige na,tumawag ka na sa opisina kunwari kukumustahin mo lang si Yohan."suhestyon pa nito.
Sinubukang tawagan ni Dr.Bernard ang opisina ng battalion commander ni Yohan subalit walang sumasagot maliban sa answering machine kaya bigo parin silang makakuha ng impormasyon tungkol sa binata.
Nang gabing iyon muling nagpalipas ng gabi si Maxine sa bahay ng binata.
Ilang gabi narin siyang nagpapalipas ng magdamag sa bahay nito sa ganoong paraan ay nababawasan kahit papaano ang lungkot niya kapag kasi nakikita niya ang gamit nito ay nakakaramdam siya ng kapanatagan.
Nakatulugan na niya ang pag iisip habang yakap yakap ang stuff toy na kawangis ng isang sundalo.
Hindi na niya naramdaman ang pagpasok sa silid nang kadarating lamang na si Yohan.Sinadya nitong huwag munang magpakita sa dalaga dahil sa tinamo nitong pinsala sa braso.
Pero tila nasorpresa ito nang sa pagbukas ng ilaw ay mabungaran ang natutulog na dalaga.Napaawang ang mga labi nito kasabay ng pagsilay ng alanganing ngiti.Hindi niya inaasahang naghihintay pala ito sa bahay niya.Tila magic na naglaho lahat ng pagod niya nang makita ang dalaga.Gustong gusto niya itong takbuhin at yakapin ng mahigpit pero sa huli ay pinagsawa na lanh muna niya ang sarili sa pagtanaw sa tila anghel na nahihimbing sa kama.
Maingat niyang tinabihan ito sa kama.Tila nanaginip lang siya ng mga oras na iyon.Hindi niya akalaing ito pa mismo ang matutulog sa kama niya.Dahan dahan niyang iniangat ang ulo nito at inunan sa braso niya.Kumilos naman ito at yumakap sa kanya.Marahan niya itong hinalikan sa noo at dahan dahan itong nagmulat ng mata.Ngumiti lang ito at muling pumikit.
"I miss you!"bulong niya sa dalaga.Subalit hindi na ito kumilos pa.Nailing na lang siya ng mapagwaring naalimpungatan lang pala ang dalaga.
Dala marahil ng sobrang pagod sa biyahe ay mabilis na nakatulog si Yohan.
Madaling araw na nang makaramdam ng tawag ng kalikasan si Maxine.Pupungas pungas na tumayo ito upang magbanyo nang bigla nitong mapansin ang tsinelas ng binata na nasa gilid ng kama.Dahan dahan niyang nilingon ang kama at doon niya nakita ang natutulog na binata.Nanlaki ang mata niya at agad na sinugod ang binata.Pinagsasapak niya ito hanggang sa magising.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look!
RomanceMeet Yohan ang makisig at gwapong sundalo na salat sa pagmamahal tunghayan kung paano niya habulin at hulihin ang puso ng doktorang si Maxine.