Nagmulat ng mata ang dalaga matapos ang ilang saglit.Agad na na ngagsilapit ang lahat habang si Gerald ay nagkukumahog lumabas na agad namang napigil ni Dr.Bernard.
"Aano ka?"nanlalaki ang matang tanong nito.
"Tatawag ng doctor!" Anito na pinalis pa ang kamay niya at aktong lalabas ng pinto.
Hinawakan niya ito sa kwelyo at binatak pabalik.
"Sira ka talaga!eh ano sa tingin mo tayo?hindi ba tayo mga doctor?"
Tila natauhan naman ito at napakamot pa sa ulo.
"Pasensiya dok natataranta ako eh!"natawa na lang sila at saglit ring natigilan ng mapansin ang tahimik na pag iyak ng dalaga.Pinagkumpulan nila ito at sabay sabay na yumakap sa dalaga bagay na lalong nagpaiyak rito hanggang sa lumakas ang mahinang pag-iyak.
"Buhay si Yohan!kasama ko siya kagabi paano nangyari 'yon?"aniya kasabay ng pag-iyak.
Halos hindi nila masagot ang tanong na iyon ng dalaga dahil maging sila ay napaniwala nito na dumating si Yohan at natulog sa bahay ng dalaga.
Bumalot ang kilabot sa buo nilang katawan at halos sabay-sabay na humalukipkip habang hinimas ang mga brasong nagtataasan ang mga balahibo.
"Kung totoong nakasama mo si Yohan,hindi kaya dinalaw ka ng kaluluwa niya para magpaalam?"ani Bernard na seryosong nakatingin sa dalaga.
Mariin siyang pumikit at inalala ang huling saglit na kasama ang binata.
" "I'm sorry hon!baka kanina pa naghihintay 'yung susundo sa akin,dumaan lang naman ako para makita ka!"
Tila sumeryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.
"Wag kang maiinip babalik ako!kahit anong mangyari babalik ako sa'yo!"
"Ano bang sinasabi mo ha?akala ko ba magrereport ka lang sa opis niyo?"halos manginig ang boses niya sa kaba na tila naghahabilin ito sa kanya.
"Basta!babalik ako okay?"
Wala na siyang nagawa nang tuluyan na itong tumalikod sa kanya.Gusto niya itong habulin ngunit tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at unti unti siyang napaupo sa sofa.
Nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang huling tinuran nito.
"Parang nagpapaalam nga siya sa akin noong nagkita kame.Pero imposible tanghali na siyang gumising noon ang sabi niya magrereport lang siya at babalik siya,kahit anong mangyari babalik siya!iyon yung sinabi niya sa akin!""Pero Maxine,kinumpirma na ng commanding officer nila na si Yohan nga yung natagpuang bangkay."
Muling napahagulgol ang dalaga at wala silang nagawa kundi haplusin ang likod nito.
Nang makauwi sa bahay ay naratnang niyang naghihintay ang isang dyip ng sundalo sa harapan ng kanyang bahay.Marahan siyang bumaba ng kotse sa kabila ng panginginig ng kanyang mga tuhod ay narating niya ang kinatatayuan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look!
RomanceMeet Yohan ang makisig at gwapong sundalo na salat sa pagmamahal tunghayan kung paano niya habulin at hulihin ang puso ng doktorang si Maxine.