Madaling araw na nang makaramdam ng tawag ng kalikasan si Maxine.Pupungas pungas na tumayo ito upang magbanyo nang bigla nitong mapansin ang tsinelas ng binata na nasa gilid ng kama.Dahan dahan niyang nilingon ang kama at doon niya nakita ang natutulog na binata.Nanlaki ang mata niya at agad na sinugod ang binata.Pinagsasapak niya ito hanggang sa magising.
Napangiwi naman ang binata at agad na naupo at sumandal sa headboard ng kama.
"Hon,ang sakit nun ah!"
Hindi umimik ang dalaga bagkus ay nakatingin lang ito sa kanya na tila nagtatanong.
"Galit ka ba?"
Bahagya siyang lumapit at kinabig ang dalaga.Mahigpit niya itong niyakap.At unti unti niyang narinig ang paghagulgol nito habang nakasubsob sa kanyang balikat.
"Nakakainis ka!pinag alala mo ko!"
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga upang pawiin ang lahat ng takot at sama ng loob nito.
"I'm sorry hon!hindi na mauulit!"
Unti unting bumitiw ito sa pagkakayakap at nagtama ang kanilang mga paningin."Ang sabi mo sa akin hindi ka sasama sa operasyon pero bakit may cast yang isang braso mo?bakit may mga sugat ka pa sa noo?"
"Muntik na kasi akong mapuruhan sa land mine.Mabuti nalang at mabilis kong nakabig ang manibela."
Mariing napapikit ang dalaga sa narinig.
"So,muntik ka na palang mamatay wala man lang akong kamalay malay?"Ganito ba tayo lage?Ganito bang maging girlfriend ng isang sundalo?"nangingilid ang luhang tanong niya sa binata.
Marahan itong tumango tango.at aktong yayakap sa kanya na agad niyang sinalag.
"Sinubukan kong pagbigyan ang nararamdaman ko para sa'yo pero hindi ko yata kaya!Mabigat sa pakiramdam iyong maghintay sa isang taong hindi mo alam kung babalik pa,Sa mahigit isang linggong nawala ka,mahigit isang linggo rin akong nag isip at nag-alala.Hindi ko alam kung sa susunod kayanin ko pa..."aniya habang nakayuko at hindi makatingin sa binata.
"Hon please,wag namang ganyan,pag usapan natin 'to!"
Mabilis siyang tumayo at lumuhod sa dalagang nakaupo sa gilid ng kama.Hinawakan niyang ang dalawang kamay nito at pinisil pisil.
"Kung mahal mo ko hindi ka bibitaw!"aniya habang nakatitig sa mga mata ng dalaga.
"Masaya na ako na makita ka ngayong ligtas ka Yohan,Babaunin ko ang alaala na to na umuwi kang buhay habang tayo pa.Ayoko kasing maging tayo pa ng wala ka na.Hindi ko yun kakayanin."sa wakas ay nasabi niya rin ang totoong saloobin.
Mabilis na tumayo si Yohan at niyakap siya ng mahigpit."I'm sorry kung nahihirapan ka ng dahil sa akin,Pangako hindi na iyon mauulit hon!"
"Yohan?"napakunot ang noo niya ng tila hindi nakukuha ng binata ang gusto niyang mangyari.Pero bago pa siya nakapagsalita ay maagap siya nitong hinalikan.Ilang segundo ring tumagal ang halik na iyon na kusa niyang tinugon.
"I miss you honey!"anito na may matamis pang ngiti sa labi habang nakatitig sa kanya.
Ramdam niya ang kilabot sa buo niyang katawan sa simpleng mensahe na iyon ng binata.Ganon kadaling nabago ng binata ang isip niya.Niyakap niya ito ng mahigpit na halos hindi na ito makahinga.
"Hon,hindi ako makahinga!Yung braso ko!!" Halos mangiwi ito sa sobrang sakit.Doon niya palang narealize kung gaano kaseryoso ang pinsala nito sa braso.
"Nakakainis ka!sabi mo hindi ka makikipaglabanan?paano kung mapuruhan ka?"aniya habang nakasubsob sa dibdib ng binata.
"Magtiwala ka sa akin,hindi ako mawawala saiyo!pangako iyan!"
Kinabukasan maagang pumasok sa ospital si Maxine.Iniwanan niya sa bahay ang natutulog pang si Yohan.
"Good morning doc!bati ng masayahing gwardiya sabay ng pag abot sa kanya ng bouquet ng bulaklak.
Nakangiting inabot niya naman ang mga ito.Habang naglalakad sa hall way ay hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga pisngi.Wala talaga siyang masasabi sa sobrahan kasweetan ng kasintahan.
BINABASA MO ANG
Don't Give Me That Look!
RomanceMeet Yohan ang makisig at gwapong sundalo na salat sa pagmamahal tunghayan kung paano niya habulin at hulihin ang puso ng doktorang si Maxine.