Chapter III #FallInlove

1.8K 52 2
                                    

Maagang dumating sa ospital si Maxine ngunit nauna parin sa kanya ang ilang mga sundalo.Ngayon kasi ang araw ng nakatakdang vaccination ng mga ito para sa proteksyon sa mga lamok sa gubat na susuungin ng mga ito.

Malapit nang matapos ang vaccination subalit hindi parin dumarating ang leader ng grupo. tanging si Sgt.So lang ang dumating at nag asikaso sa  mga sundalo.

"Hindi niyo ba kasama sa operation si Captain Yu?" Hindi na niya natiis at nagtanong na rin siya.

"Kasama po namin si Big boss doktora pero hindi po  siya magpa pa vaccine ngayon."ani Sgt. So.na tumayo at nagpaalam na sa kanya.

Matapos ang clinic schedule ay dumiretso na siya sa station upang pirmahan ang ilang mga dokumentong kailangan ng ospital.Habang nagsusulat ay napatingin siya sa dakong kinalalagyan ng flower vase.Ilang araw na ring hindi napapalitan ang bulaklak na naroroon.Tumigil na kasing magpadala ang kung sinomang nanunuyo sa kanya.Nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang na hindi man lang niya nakilala ang taong kahit papaano ay nagparamdam sa kanya ng pagtatangi. aaminin niyang malaki ang naitutulong nito sa pagtaas ng tingin niya sa kanyang sarili.

Hindi na niya namalayan na hawak hawak na niya pala ang mga tuyong bulaklak.Kumuha siya ng ilang piraso ng petals at isiningit sa kanyang hawak na libro.

Tanaw na tanaw ni Yohan ang ginawang iyon ng dalaga.Kanina niya pa kasi ito pinagmamasdan mula sa kanyang pinagkukublihan.May kaunting sayang idinulot iyon sa kanya.

"May pag asa pa pala ako!"aniya na ngingiti pa sa naiisip.

"Hello  Charing's flower shop?Si Captain Yohan Yu ito,gusto kong ituloy niyo ang pagpapadala ng bulaklak kay Doktora Maxine Han,gaya ng dati!"ayun lang at pasipol sipol pa niyang nilisan ang ospital.

Bahagyang nagpulasan ang mga sundalo nang makita siyang  paparating .Agad agad pumila ang mga ito at tila may iisang boses na bumati sa kanya.Masayang sinaluduhan niya rin ang mga ito.

"Anyare?" Ani Diego na nakunot pa ang noo ng lumapit sa kanya.

"Hindi ka ba sasaludo sa akin?wala kang galang sa superior mo ha?!"biro niya pa rito.

Agad naman itong bumati at sumaludo sa kanya.

"Yan tama yan!,ano aalis na ba tayo?"aniya na halos mapunit ang mukha sa pagkakangiti.

"Ano bang nangyayari sa iyo ha?kagabi lang bad trip ka at binabaan mo pa ako ng telepono,hindi ka rin sumipot sa vaccination schedule natin tapos ngayon heto ka halos mapunit ang mukha sa pagkakangiti,sabihin mo nga sa akin may nangyayari bang hindi ko alam?"

Bahagya siyang natigilan sa tanong na iyon ng kaibigan.Humarap siya rito kunwa'y inaayos ayos pa ang nagusot na uniporme."sabihin na lang nating nabasted ako kagabi!"makaguluhang sagot niya.

Lalong naguluhan si Diego sa isinagot niya.Kaya sumabay ito sa kanyang paglalakad at patuloy na nangulit."nabasted ka  kamo kagabi?eh bakit mukhang ang saya saya mo ngayon?"

"Sabihin na lang nating pagkatapos kong mabasted ay may nagbukas naman ng pinto para sa akin!"aniya habang mabilis na nageempake ng mga gamit.

"Ang labo mo naman!kababasted mo pa lang may bago ka na agad  nagugustuhan?"

"Actually iisa lang naman yung babaeng nambasted at nagbigay ng pag asa sa akin!"aniya na napatigil pa sa ginagawa nang maalala ang nakitang pagkuha ng mga petals ng dalaga mula sa tuyong bulaklak na ipinadadala niya.

"Ang weird mo talaga pag inlove!"naiiling na lang si Diego sa kawirduhan niya.

Matapos mag empake ay tumulak na ang grupo patungong Zamboanga para sa kanilang search and rescue operation.May report kasi na mayroong nawawalang grupo ng mga turista na maaring nabihag ng mga bandido sa kagubatan.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon