Chapter VII#Yohan'sEffort

1.5K 44 1
                                    

Madaling araw palang ay abala na si Yohan sa paghahanda ng surpresa para kay Maxine.Ito kase ang unang beses na magbibirthday ito na kasama siya.Tulog na tulog ang dalaga at walang kamalay malay sa mga ginagawa niya.Mga ilang oras pa ang lumipas ay natapos na rin sa wakas ang paghahandang ginawa nito.Lalagyan niya na lang ng kandila ang cake nang makarinig siya ng mga yabag na nagmumula sa hagdan.Agad siyang nagkubli at hinintay ang pagpasok ng dalaga sa kusina.

Halos manlaki ang mata nito sa nabungarang handa na nakalatag sa mesa.

"Surprise!" Halos mapaigtad siya nang biglang sumulpot mula sa likuran ang binata.Napaawang ang mga labi niya at tila hindi makapagsalita.

"You did all these?" Tanging nasambit niya na napahawak pa sa laylayan ng tshirt ng binata.

"Like it?" Kumiling pa ito at na hinawakan ang magkabila niyang kamay.

Mangingiyak ngiyak na napayakap siya ng mahigpit sa binata.

"Thank you!"

"Thank you lang?Wala ba akong prize?" Anito kasabay ng pilyong ngiti.

Napaawang ang mga labi niya na agad namang sinamantala ng binata.Ginawaran siya nito ng masuyong halik"happy birthday!"anito matapos bumitiw sa kanya.

Halos matunaw siya sa pagkakatitig nito ngunit tila ayaw niya iyong matapos.Nasa ganoong sitwasyon sila nang biglang may nagdoor bell.Sabay silang napalingon sa pinto at nagkatawanan.Nagpatiuna na ang binata upang pagbuksan ng pinto ang inaasahang mga bisita.

"Happy birthday!" Halos iisang boses na bati ng mga kaibigan niya na nangaka uniporme pa.

"Ba't nandito kayo?wala ba kayong duty?" Hindi siya makapaniwala sa nakikita hindi naman kase siya sanay na magcelebrate ng birthday.

"Tinawagan yata kame ni Yohan mo!" Ani Kassy na nagpatiuna ng dumulog sa mesa.

Napatingin naman siya sa binata.Nagkibit balikat lang ito at ngumiti sa kanya.

"Love you!" Bulong niya sa hangin habang nakatanaw sa binata.

"Love you too!"ganting bulong din nito.

Hindi naman nakaligtas sa malikot na mata ni Kassy ang ginawa ng dalawa kaya agad itong nagreact.

"Tumigil nga kayo sa kasweetan niyo diyan!naiinggit ako!"kunwa'y asar na sabi nito.

Nagtawanan naman ang lahat at tumabi sa kanya sa mesa.

Walang pagsidlan ang saya ni Maxine ng mga oras na iyon.Iyon na marahil ang isa sa pinakamasayang birthday niya. Hindi na kase niya matandaan ang huling araw na nagcelebrate siya ng birthday niya.

"Hon ako na diyan!"aniya na pilit kinukuha ang sponge ng panlinis ng plato sa binata.Nagligpit na rin kase ito matapos niyang ihatid ang mga kaibigan sa labas.

"Just sit there and relax!"sabi pa nito na saglit na tumigil at humarap sa kanya.

Nang muling bumaling ito sa hinuhugasang pinggan ay lumapit siya at yumakap mula sa likuran.Dahil may katangkaran ang binata isinandal niya na lang ang kanyang pisngi sa likuran nito.Nasiyahan naman ito sa ginawa niya na bahagya pa siyang sinipat.

"Tell me hon?anong gusto mong gift ko sa'yo?" Kasalukuyan sila noong nakaupo sa terrace at nakatanaw sa mga bituin ng bigla itong magtanong.

"Alam mo kung ano ang gusto ko hon?pero hindi ko naman iyon hihilingin  sa'yo!"malamlam ang mga matang tumingin siya sa binata.

"Bakit hindi mo  ko subukan?"sumeryoso ang mukha nito na bahgya pang lumapit sa kanya.

"Ayokong maging selfish hon,hindi ko hihilingin sa'yong talikuran mo ang pagiging sundalo  basta ipangako mo lang na mag-iingat ka para sa akin!"aniya na idinampi pa ang mga palad sa mukha ng binata.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon