Chapter II#drunkenbeauty!

2.1K 48 2
                                    

Matapos ang ilang saglit ay nagising na rin si Maxine.Pupungas-pungas na tumayo ito at dumiretso sa direksyon ng banyo.Subalit bigla itong nauntog sa built in closet.Hawak ang namumulang noo ay sinipat niya ang bagay na kinauntugan niya.Halos napanganga siya ng mapansing walang banyo sa lugar na tinatahak niya.Tila bigla siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang mapansing wala siya sa sariling bahay.

"OMG!kanino bahay 'to?"kinakabahan man ay dahan niyang binuksan ang pinto at nang masigurong walang tao ay tila magnanakaw na bumaba siya ng hagdan.Saktong pipihitin na sana niya ang pintuan palabas nang matanaw niya ang pamilyar na lalaking papasok ng gate.Agad siyang napaatras at huli na para makaisip siya ng susunod na hakbang dahil nakita na siya nito.

"Hi!Gising ka na pala!tara binilhan kita ng agahan,Pasensiya ka na kung hindi na kita ginising ha? sumaglit lang ako sa opisina malapit dito."anito na dumiretso na sa kusina.

Walang kibong sumunod siya sa binata.

"Ah,sorry ha?pero pwede ko bang malaman kung bakit ako napunta rito?alanganing tanong niya."kinidnap mo ba ako?"halos nanlalaki ang matang tanong niya sa binata.

"Palabiro ka pala!"nakangiting sagot nito habang iniaabot ang kape sa kanya.

"Hindi ako nagbibiro,seryoso ako!kinidnap mo ba ako?"muling tanong niya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?kusa kang sumama sa akin kagabi".tila may pagyayabang na kwento ng binata na bahagya pang lumapit sa kanya habang humihigop ng kape.

"Sigurado ka?"tila nahihiyang tanong niya.

Patango-tango lang ito at pangiti ngiti sa kanya.

"Naku!pasensiya ka na captain ha?medyo marami rami rin kasi ang nainom ko kagabi kaya hindi ko na masyadong maalala."aniya na namumula pa ang mukha sa sobrang hiya.

"Alam mo,kung ako ang boyfriend mo hindi kita papayagang makipaglasingan sa labas.Dapat kasi sa katulad mo iniingatan!"anito na kunwa'y concern na concern sa kanya.

Napangiti lang siya bilang tugon at saka sumimsim ng kape.

"Totoo ba yung sinabi mo na kusa akong sumama sayo?diba nagbibiro ka lang kanina?" Alanganing tanong niya rito.

"Hindi ah,totoo yun!hindi mo kasi mabukas ang kotse mo sa sobrang kalasingan,kaya nung nakita mo ko,hindi mo na ko pinaalis."kunway seryosong sagot niya.

Mariin namang napapikit ang dalaga sa narinig."ano ba yan nakakahiya naman pala ako,baka isipin mo cheap ako ha?hindi ako ganon ha?ngayon lang nangyari 'to sa akin, promise!"aniya na todo paliwanag sa kaharap.

"Kumain ka na,ihahatid na kita sa inyo!"maikling sabi niya at iniwan na ang hiyang hiyang dalaga.

Nangingiti pa siyang tumalikod.

Sa halip na sa bahay ay sa ospital nagpahatid si Maxine may maagang schedule  kasi siya kaya doon na siya dumiretso.Papasok palang siya ay kanda haba na ang mga leeg ng mga kaibigan niyang doktor at mga nurse.

"Grabe!hindi talaga siya umuwi ng bahay,ayan parin ang suot niya kagabi."bulong ng kaibigan niyang si kassy.

"Sabi ko sa inyo eh,magdamag niyang kasama si captain Yu!"sagot naman ng may edad ng si nurse Mely.

"Hayy,anu ba naman kayo!hayaan niyo na iyang si Maxine,ano ba namang masama sa pagkakaroon ng boyfriend?"ani Dr.Hao na kaumpukan ng grupo.

"Hoy!anu ba yan aga aga nagtsitsismisan kayo!"aniya na agad na inilapag ang bag at nakisali sa grupo.

"Anong aga aga?lunch break na po kaya doktora!"ani kassy sa kanya.

Bahagya siyang nagulat at napatingin sa relos ng kaibigan.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon