Chapter VIII#farewellkiss!

1.5K 49 3
                                    

Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas mula nang umalis si Yohan subalit wala parin siyang balita tungkol rito.Halos araw-araw ay laman ng balita ang pakikipagbakbakan ng mga sundalo sa Zamboanga kaya ganoon na lang ang takot at kaba na nararamdaman niya para sa nobyo.

Maraming beses na niyang tinangkang  kumuha ng impormasyon mula sa opisina ng mga ito subalit wala rin itong maibigay ng tiyak na sagot sa kanya.Nagkaroon daw ng problema sa linya ng komunikasyon sa grupo nila Yohan kaya hindi rin nila batid ang lagay ng mga ito.

Halos manlumo siya sa twing maririnig ang walang kasiguraduhang sagot sa kanya sa telepono ng mga kasamahan nitong sundalo.

"Yohan!nasaan ka na ba?!"halos nanghihinang napaupo na lang siya sa sahig matapos maibaba ang telepono.

Ilang araw na rin siyang lutang at tila wala sa sarili kaya pinasya niyang lumiban na lang muna sa ospital.Halos araw-araw niyang hinihintay ang pagtunog ng telepono niya at pagtawag ni Yohan.Ngunit nananatili siyang bigo.

Ilang araw naring hindi nalalamnan ang ang kanyang sikmura dala ng matinding pangungulila sa binata.Natatapos ang araw sa pagmumukmok niya sa apat na sulok ng kwarto niya.

Kasalukuyan siya noong nakatanaw sa labas ng mamataan ang isang anino na tila umaakyat sa gate.Umakyat ang kilabot sa buo niyang katawan tila mayroong taong nais manloob sa bahay niya.Nilakasan niya ang kanyang loob at agad humanap ng matigas na bagay na maari niyang pamukpok.Nahagip ng kanyang mata ang flower vase na nasa isang sulok ng kwarto niya agad niya itong binuhat at pormang ipupupukpok sa aninong nais pumasok sa bintana nang bigla siyang natigilan.

Nanlaki ang nga mata niya nang mamukhaan ang lalaking inakala niyang magnanakaw.

"Yohan???"

"Opppsss!masakit 'iyan ha?" Anito na na isinangga pa ang mga kamay sa sariling ulo.

Agad na ibinagsak niya ang hawak na vase at mahigpit na niyakap ang binata.Halos masakal na ito sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Hon!wait lang baka mahulog ako!" nangingiti pang sabi nito na pilit kinakalas ang mga kamay niyang nakapalupot sa leeg nito.

Doon niya lang narealize na nakaapak nga lang pala ito sa labas ng bintana.

"Bakit kasi diyan ka dumaan?ang luwang-luwang ng pintuan sa baba!"aniya na inalalayan pa ito papasok sa loob ng kwarto.

"Bakit ba?gusto kong sa mahirap dumaan eh!may pagkain ba tayo diyan?nagugutom na ko eh!"

Dumiretso ito pababa at nangalkal ng pagkain sa ref.habang siya naman ay tahimik lang na pinagmamasdan ang binata.Halos hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ito ngayon.Buong akala niya ay hindi na ito babalik pa sa kanya.Bigla siyang natigilan at pinisil pisil ang sariling pisngi.

"Nanaginip ba ako?"halos pabulong na sabi niya na hindi nakaligtas sa pandinig ni Yohan.

Napalingon ito at nakangising lumapit sa kanya.Mabilis itong humalik sa labi niya kasabay ng matamis na ngiti na halos magpawala sa mga mata nito.

"Sorry hon!nagugutom na kasi talaga ako kaya nauna kong kumustahin ang ref mo!"anito na yumakap pa sa kanya.

"Sige!kumain ka na muna at marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin!"

Nangiti naman ito sa sinabi niya at lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

Tahimik niyang pinagmasdan ang pagkain ng binata halos maubos nito ang lahat ng inihanda niyang pagkain.Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya.Naisip niya kung ilang araw kaya itong nagtiis ng gutom habang nasa gubat.Kapansin pansin kasi ang pagpayat nito.Marami rin itong galos sa mga braso dala marahil ng pagsuong sa masukal na gubat.

Don't Give Me That Look!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon