ATY1

8.4K 126 6
                                    

Chapter 01

"Xian wag kang bibitiw kay papa okay?" Bilin ko. Xian is my son, he's 5 yrs old. Family day kasi namin kaya napag isipan kong magsimba kami sa Baclaran. As usual crowded talaga sa Baclaran. By the way I'm Kyle Dionisio 26 yrs. old, single dad. Hindi naman ako masyadong makaDiyos pero everytime na nagsisimba ako dito talaga ako pumupunta magaan yung loob ko sa church na'to. Siguro dahil kinaugalian ko ng magsimba dito parati.

Di pa naman mag sstart yung mass kaya nagtingin muna kami sa mga stalls beside the church baka may magustuhan kaming bilhin... Andaming gustong bilhin na laruan si Xian halos lahat ng madaanan gusto nya, bata nga talaga pero ako padin ang masusunod kaya binili q nalang sya ng isang set ng miniature dinosaurs... mahilig kasi sya sa mga animals na laruan... Napagod na rin kami kakaikot kaya nagpasya na akong bumalik na lang kami ng church at mag antay na lang ng mass. After ng mass kumain muna kami sa jolibee kasi malayo pa yung uuwian namin sa Alabang pa kami uuwi. Almost 5 pm na kami nakalabas ng fastfood.

"Kyle!!!" Tawag ng isang lalaki sakin dahilan para mapalingon ako. What a surprise, after a very long time di ko lubos maisip na mag kukrus ulit ang landas namin. Nginitian ko ang lalaki bilang pagpapahiwatig na nakikilala ko sya. Si Trixx Castro wala paring pinagbago ang physical appearance. Gwapo parin medyo nag matured nga lang kasi 30 yrs old na sya, moreno, laking bulas at 5'9" in height mas matangkad lang ako sa kanya ng konti. Parang awkward moment sa daan talaga.
"Hey! Buti nakikilala mo pa ako? Its been a long time ah."
"Oo nga eh. Pamangkin mo?" Habang nakatingin kay Xian.
"Nope! My son, Xian" "Hey Xian! Meet tito Trixx an old friend."
"Hi! Tito Trixx" sabay yakap.
"Oh! Ur so sweet and cute. How old are you Xian?"
Tinaas n Xian ang nka bukang palad as sign na 5 yrs old na sya.
"Saan na punta nyo nyan?" Tanong nya sakin.
"Pauwi na kami, nagsimba lang naman kami."
"How about going somewhere para makamusta naman natin ang isat isa."
"Sure"

Ayon at sa Mall of Asia kami napadpad. Since na wala naman sa plano yung pagpunta namin ng mall sa department store muna kami. Kids section, mas priority ko yung son ko. Habang nag iikot nag uusap kami. Hindi naman kasi malikot na bata si Xian. Nakahawak lang sya sa kamay ko pag may nagustuhan ituturo lang nya.
"Bka gusto mo naman ako ipakilala sa wife mo."
"Hiwalay kami nasa abroad sya ngayon ako na yung nagtitake full responsibility sa bata."
"Paano ung set up nyo?"
"Dinadalaw nya yung bata paminsan minsan pag andito sya. Malayo yung loob nya sa bata same way din naman si Xian sa kanya."
"Ah i see. Kasal kayo?"
"Hindi. Napag usapan na namin yung mga bagay bagay bago pa man isilang yung bata." " eh ikaw ano na pinagkakaabalahan mo?"
"Work lang, store supervisor na ako sa restaurant dyan lang sa Paranaque at small business. Motorcycle parts."
"Nice"
"Ikaw maliban sa anak mo ano pinagkakaabalahan mo?"
"Work din, sa office."
"San office nyo?"
"Sa Filinvest lang din nilalakad ko lang mula sa bahay wala kasi dumadaan na jeep dun"

At marami pa kaming napag usapan. Kumain muna kami sa Cabalen bago umuwi 9pm na kasi, treat nya sana kaso i insist na KKB na lang. Nagkapalitan muna kami ng contact numbers kinulit nya ako gusto nya pa daw kasi na lumabas kami paminsan pag free kami. Sabay na kami umuwi nagtaxi na lang kami.
Haixzt! Nakakapagod na araw. Andaming nangyare sa araw na ito. Nakatulog na si Xian sa sobrang pagod.

Trixx:
Pagkatapos ng misa nakita ko syang hila hila ang isang batang lalaki nag dalawang isip pa ako kung sya nga talaga yun kaya ayon sinundan ko na lang sila. Pumasok sila ng jolibee, sunod naman ako di muna ako pumila pinatapos ko muna sila bago ako umorder para di nya ako mapansin. Andito padin yung kakaibang kaba sa dibdib ko. Di ko lubos akalain na sya pla talaga tong nakikita ko nagtataka lang ako bat may kasama syang bata medyo may hawig nga sila eh. Masaya siya habang inaaliw yung bata. Gusto ko syang lapitan, kailangan ko syang makausap ngayon.

Lumabas na sila dali dali naman akong sumunod. Di ko alam kung paano ko sya tatawagin. Hanggang kusa q na lang binanggit yung pangalan nya. Akala ko di nya narinig, napahinto sya. Gulat ung una kong nakita sa mukha nya pero binawi naman ito ng ngiti. Kahit paano nabawasan yung kaba ko. Nagkamustahan kami hanggang sa napapayag ko syang lumabas muna para makapag usap kami. Ako "Saan kayo umuuwi?"
"Sa Alabang Trixx sa Filinvest nangungupahan ako ng bahay dun. Ikaw saan k n ngayon?"
"Dyan parin sa Parañaque"
Fast forward. Marami pa kaming napag usapan. Anak nya pala yung batang lalaki di ko lubos akalain na magkakaanak sya. Close friend nya ung ina nung bata di daw sinasadya nkalasingan lang. Ayaw pa daw ng babae na magkapamilya kaya napag usapan nila na sa kanya na lang yung bata laking pasasalamat nya daw at hindi naging kumplikado yung sitwasyon nila. Sabagay close friend sila kaya naging madali lang yung agreement nila sa bata. Kikilalanin paring ina ng bata yung babae pero yung full responsibility kay Kyle na.
"Nice seeing you again Trixx."
"Thanks sa time Kyle. Hingin ko pala yung number mo tutal magkalapit lang naman tayo labas tayo pag free ka"
"Okay here. Ayan, free ako pag saturday at sunday"
"Maraming salamat Kyle sa uulitin"

Bumaba na ako ng taxi. Sobrang saya ko lutang ako, maraming dahilan para maging masaya ako ngayong araw. Naglalakad na ako pauwi , malayo ang nilalakbay ng isip ko maraming bagay akong gustong gawin. Mga bagay na magtatama sa pagkakamali ng nakaraan.

Kyle:
Ibang iba na sya malaki na yung pinagbago ng personality nya andun na yung lakas ng loob na dati wala sa pagkatao nya. Madaldal na din sya. Di lang namin napag usapan yung status nya pero yung nabanggit nya lang naman nagwowork sya it means wala pa syang asawa. Ambilis pala ng panahon parang kelan lang sariwa pa yung mga pangyayari. Masaya naman yung buong hapon namin binili nya si Xian nag life size kids motorcycle na rechargable gift nya daw sobrang saya ng bata syempre masaya din ako. Marami pa syang gusto bilhin pra sa bata sabi ko sobra na yun. Binihisan ko na lang si Xian ng pantulog at ako naligo na din bago matulog past 10 pm na kami narating ng bahay. Tahimik na ang buhay ko ngayon okay na ako sa anak ko maayos na ang takbo ng buhay ko. Wala na akong maisip na kulang. Ayaw kong pangunahan ang mga bagay bagay pero kelangan ko din maging handa sa mga posibleng mangyare. Kelangan kong matulog ng maaga may pasok pa ako kinabukasan. Mag seset ako ng alarm sa phone may nabasa akong message from an unknown number binuksan ko. Inexpect ko na, na magtitext sya sa kulit ba naman nun knina.
"Hey Kyle please save my number -Trixx"
"Okay po. Nsa bahay n pla kmi kakarating lng. Thanks s gift."
"Ur welcome tulog k n maaga k p tom"
"Cgeh gudnyt"
"Gudnyt"

Late na di parin ako nakakatulog may gumugulo sa isip ko. Ayaw kong mag isip pagod na ako "pwede ba bukas na lang" sabi ko sa sarili ko. Maya maya tumunog yung phone ko almost 12 midnight na. From trixx "d aq mkatulog iniisip kita". Hindi ako nagreply para isipin nyang tulog na ako. Nag message sya ulit "d q alam qng san q uumpisahan cguro dun nlng sa pinamadali". Wala parin akong reply alam ko may karugtong eh, ayon nag message ng karugtong "pede b kita ligawan ulit?" Sheyt! Ito na nga ba sinasabi ko eh. Ayaw ko munang magreply gusto kong mag isip ng maraming beses mag aala- Libra nanaman ako sa kakabalanse ng desisyon ko yung advantage at disadvantage. Mahalaga kasi yun sa pagdidesisyon kasi lahat ng bagay may cause and effect. At muling bumalik ang alaala ng nakaraan kung saan ung pinakamahirap n desisyon sa buhay q ang kailangan ko tapusin. Trixx is an old lover. Love story namin nangyari 5 yrs ago. May mga bagay lang na di umayon sa plano kaya kami nagkahiwalay. And now he's back para magsimula ulit ng bagong kabanata sa buhay ko.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon