ATY12

1.5K 36 0
                                    

Chapter 12

Kyle:

Dapit hapon na ng makauwi kami ng baryo. Nag enjoy naman kami kahit muntik na akong malunod.

"Ate Malou! Kanina ka pa?" Niyakap ko ang kapatid ko nang maabutan ko sa sala.

"Ngayon ngayon lang din andyan pa nga mga bagahe ko oh."

"Malou si Trixx bf ko at si Rain naman kapatid nya." Pakilala ko.

"Hello guys nice meeting you." Ay taray beso beso. "Hi Xian." Humalik din ito sa bata.

"Hi po tita... pasalubong ko po?" Ngiting ngiti na sabi ni Xian.

"Ito oh alam favorites mo to m&m's." Inabot nya ang bag na m&m's nang buksan ito ni Xian punom puno ng chocolates.

"Thanks tita."

Ang ate ko pala cruise ship attendant. Kaya sya ang supplier namin ng chocolates.

"Sa mga matatanda mamaya na ah. Magpahinga muna tayo. Umaalon pa kasi ang pakiramdam ko." Sabi ng ate ko at walang pakialam na humilata sa sofa. Kami man din nagpahinga na.

Kinabukasan fiesta maaga akong nagising.

"Ma! Asan sina Trixx?" Tanong ko kay mama ng magising akong wala na sila sa kanilang higaan.

"Sumama kay Paul sa bukid tumulong sila magkatay ng baboy."

"Ah." Tanging nasabi ko nagtimpla ako ng kape.

"Papa?" Si Xian na pungas pungas pa habang naglalakad palapit sa akin

"Oh anak so early pa ah. Halika upo ka na timpla kita ng milk." Binuhat ko ito at pinaupo.

"Magulang na magulang ang dating ah." Ang ate ko nagising na din. Sa province kasi 5 am pa lang gising na ang mga tao. Mga kapit bahay nga namin nagwawalis na ng kanilang mga bakuran.

"Mag asawa ka na kasi nang hindi ka naiinggit." Banat ko.

"Malapit na magiging lolo ka na." Pang aasar nito nagtitimpla na din ito ng kanyang kape.

Katatapos lang namin magkape nang dumating sina Paul dala ang karne ng baboy na kinatay nila.

"Tol pasuyo naman papunas naman ng likod." Pasuyo sakin ni Rain. Tinaas ko ang suot nitong sando at pinunasan ang likod nito. Nilagay ko na din yong towel sa likod nya.

"Trixx halika dito." Pinaupo ko si Trixx wala itong imik. "Wait lang ah kuha lang ako ng towel."

Pumunta lang ako ng kuwarto para kumuha ng towel at pamalit na damit. Pinunasan ko din ang pawis nito sa mukha at katawan ako pa mismo ng hubad ng damit nito.

" Magbihis ka na din." Parang bata ko sya pinasuotan ng damit.

"Salamat mahal." Hinalikan nya ako sa pisngi.

"Naku mag aasawa na ata ang kapatid ko." Puna ni ate Malou sa mga pinaggagawa ko.

"Palibhasa pangarap mong tumandang dalaga." Ganti ko ng pang aasar.

"Oh tama na yan Kyle tulungan mo na lang akong magluto." Si mama busy sa pag aayos ng mga dala nila galing bukid.

"Ate Malou si Xian ah pakibantayan konting gasgas lang nyan katako takot na pambubunganga aabutin mo sakin." Binilin ko muna si Xian sa ate ko.

"Ayan na naman si mr. over protective. Huwag kang mag alala kahit lamok hindi makakadapo." Sabat naman nito.

Tulong tulong kami sa kusina madami daming putahe din ang lulutuin namin darating kasi ang mga kamag anak namin. Tuwing piyesta kasi parang family reunion na namin yon.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon