ATY11

1.7K 43 1
                                    

Chapter 11

Trixx:

Tapos na kami kumain pero nasa mesa pa din kami nag uusap usap. Maya maya tumayo na ang mama nya at niligpit ang pinagkainan. Tumayo na din kami at tumulong.

"Trixx iwan mo na yan dyan kay Kyle. Mag usap muna tayo." Tawag sakin ng papa nya. Meron pa ba syang hindi naitanong? Nakakatense naman.

Sumunod ako dito hanggang sa terrace.

"Trixx wag mo sanang bigyan ng masama kahulugan ang pagtatanong ko sayo. Gusto ko lang naman malaman ang storya nyo." Bungad nito nang makalabas na kami.

"Okay lang po Tito willing naman po ako sumagot."

"Hindi naman ako tumututol sa inyo. Natapos na ni Kyle ang responsibilidad nya sa amin marami na syang naipundar para sa amin. Isa syang mabuting anak. Kaya kung pipiliin nya na bumuo ng masayang pamilya hindi namin ipagdadamot yon. Nagugulat pa rin kasi ako. Noong nagkaanak si Kyle akala ko mas pinili nya ang buhay ng isang normal na pamilya."

"Pa 20th century na po. Tapos na po ang panahon ni Maria Clara."

Boses ni Kyle galing sa likuran namin.

"Hindi man pang karaniwan sa mata ng ibang tao ang magiging pamilya namin hindi ko iintindihin yon ang mahalaga mamumuhay kami ng masaya at mapayapa na walang inaapakang tao at walang nasisirang pamilya. Saka sa syudad hindi na po ordinaryo ang sa amin ni Trixx. Manaka naka man ang nakakabuo ng ganito klase ng pamilya. Bukas na ang mata ng publiko sa ganitong uri ng relasyon." Pagpapatuloy nya lumpit sya at tumabi sya sakin.

"Anak ayaw kung masaktan ka ng mga mapanghusgang mata ng ibang tao." Depensa ng papa nya.

"Pa hindi kami nabuhay para sa kagustuhan nila kung hindi ayon sa kagustuhan ko. Wala kang dapat ipag alala." Walang kagatol gatol na sagot nya.

"Bata ka pa lang Kyle alam ko na independent ka na kaya mung magdesisyon para sa sarili mo. Kaya hindi ako humahadlang sa mga nais mong gawin. Gusto ko lang kayong paalalahanan bilang ama."

"Salamat po Tito." Ayon lang ang nasabi ko.

"Papa na din ang itawag mo sakin Trixx. Sige mauna na ako sa inyo pupunta pa ako ng warehouse." Sabay tapik sa balikat ko.

"Salamat pa." Sabat kindat kay Kyle. Gusto kong tumalon talon sa tuwa.

Nagpahinga lang kami ng ilang saglit at nagbihis ang damit namin na pang bukid. Sakay ng karitelya na hila hila ng kalabaw papunta kami ng bukid.

"Paul kung nagtricycle na lang tayo mas mabilis tayong makakarating." Si Kyle na mukha nayamot sa bagal ng byahe.

"Reklamo ka pa eh nakasakay ka nga hindi ka nahiya dito sa kalabaw." Banat ni Paul.

"Okay nga eh joy ride." Sabat ko.

"Papa pwede po ba ako sumakay sa kalabaw?" Si Xian kasama din. Ayaw iwan ni Kyle kung saan sya dapat andoon din ito.

"Later anak pagdating natin maraming alaga si Tito Paul."

"Yehey makakaride na ako ng carabao."

Kalahating bago namin marating ang aming pakay. Tumabad sa amin ang malawak na niyogan sa sa gitna nito may malaking kubo. May nagpapahinga doon na mga trabahante.

"Manong kamusta makisilong kami ah." Bati ni Kyle sa lalaking nandoon.

"Ah sige Kyle maupo kayo."

"Magandang araw ho." Bati ko.

"Manong si Trixx at Rain mga bisita ko makikifiesta." Pakilala samin ni Kyle.

"Magandang araw din sa inyo." Sagot nya sa pagbati namin.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon