ATY6

2.1K 50 1
                                    

Chapter 06

Kyle:

Paglabas ko ng banyo. Nakahilata na si Trixx sa higaan ko. Dahan dahan akong nahiga sa tabi nya. Pumwesto akong patalikod sa kanya. Di ko alam kung gaano katagal na akong naidlip ng makaramdam ako ng kamay na marahang humahagod saking balikat at maliliit na halik sa aking ulo. Nakapatong na ang ulo ko sa kanyang balikat at nakayakap na ako sa kanya hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ganung pwesto. May sinasabi sya hindi ako nagpahalata na gising nanatili ako sa ganung posisyon at pinakinggan ang kanyang sinasabi.

"Alam kong natatakot ka na maulit muli ang masakit mong nakaraan. Buong buhay kong pinagsisihan na hindi kita pinanindigan. Sana mapatawad mo ako."

"Matagal na kitang pinatawag ayokong magbitbit ng galit sa pagpapatuloy ko ng aking buhay." Sinasagot ko sa sa isip ko. Gusto kong isipin nya na mahimbing akong natutulog.

"Sana bigyan mo pa ako ng pagkakataon na muli kang ipaglaban."

"Natatakot ako." Sa isip ko.

"Hayaan mo ako'ng gagawa ng paraan."

"Gawin mo ayaw kong umasa. Gawin mo kung ano sa palagay mo ang nararapat." Sabat ng isip ko

"Mahal na mahal kita hayaan mo akong iparamdam sa inyo ni Xian ang pagmamahal ko." At hinalikan nya ako sa labi at niyakap ng mahigpit. Nag kunwari ako naalimpungatan at iikot patalikod sa kanya lalo lang nyang hinigpitan ang yakap nya sakin. Ramdam ko ang init ng kanya katawan. Nagpaubaya na lang ako. Hanggang sa muli ako makatulog.

Tulad ng nakagawian maaga akong nagising. Ipinasok ko sa dryer ang damit nyang niwashing machine ko kagabi auto load naman ang washing machine ko kaya. Deretso dryer na yun. Isinalang ko ang bigas sa rice cooker at naligo na. Pagkatapos kong maligo nagluto ako ng ulam namin sa almusal. Nagprito lng ako ng chicken nuggets at itlog na sunny side up. Gumawa na rin ako ng mushroom soup para may partner ang ulam namin. Pinuntahan ko si Xian sa kuwarto nya bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas at niluwa si Xian at Trixx na bagong ligo. Nagtatawanan pa ang dalawa.

"Good morning papa." Masayang bati ni Xian

"Good morning anak."

Si Trixx naman kinidatan lang ako.

"Tara na mag almusal na tayo." Sabi ko sa dalawa

"Pwede bang ako na maghatid kay Xian sa school?" Paalam ni Trixx habang kumakain kami.

"Yehey! makakasakay na ako kay pegasus." Hindi pa ako nakakasagot inunahan na ako ni Xian.

"Walking distance lang naman ang school ni Xian maglakad na lang kayo payag ako pero pag magmomotor kayo hindi pwede delikado." Mahabang turan ko.

Nawala ang excitement ni Xian.

"Ako naman ang maghahatid sa kanya okay lang yun." Pamimilit ni Trixx. "Madahan lang akong magda-drive please." Parang batang pagmamakaawa ni Trixx

Tiningnan ko si Xian nakayuko lang sya kumakain. "Sige na payag na ako basta mag iingat kayo."

Hinatid ko sila sa labas ng bahay sumampa na si Trixx sa harap si Xian.

"Mag ingat kayo ah." Bilin ko. "Trixx ingatan mo yan si Xian. Kahit galos malalagot ka sakin." Paalala ko.

"Babalik pa ako andyan pa mga gamit ko." At pinaandar nya na ang makina. Nagba-bye na lang ako. Bumalik na ako ng bahay at nagbihis. Maya maya may nagbubusina na sa labas si Trixx na yun malamang dali dali na akong lumabas dali ang backpack nya. Dinaan nya ako sa office.

"Thanks sa dinner at sa overnight."

"Walang anu man." Tugon ko. "Balik ka anytime welcome ka dun."

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon