ATY2

3.7K 56 2
                                    

Chapter 02

Trixx:
Walang reply siguro tulog na sya. Anu man maging desisyon nya buong puso kong tatanggapin. Sinubukan ko naman syang kalimutan pero di ko nagawa. Sinubukan kong magmove on at magmahal ulit pero sya na ang nakatatak dito sa puso ko.

FLASHBACK! FLASHBACK! FLASHBACK!

Reminiscing the past. Yung panahon na sinubukan kung palitan si Kyle sa buhay ko...

Isang taon na simula nung nagkahiwalay kami ni Kyle okay na ako tanggap ko na sa sarili ko na hanggang doon na lang yung kwento ng pagmamahalan namin. Busy muna ako sa work ngayon. Nung magkahiwalay kami lumipat na din ako ng ibang work di ko alam kung ano pumasok sa isip ko at ginawa ko yun. Maayos naman yung bago kong trabaho barista ako sa Starbucks sa Mall of Asia.

"Trixx, ano ready ka na para bukas?" Si Sheryl katrabaho ko. Malapit na kaibigan ko na din. Pero tingin sa amin ng mga katrabaho namin magkasintahan daw kami.

"Oo, ikundisyon ko lang si Pegasus. " si pegasus pala yung partner ko sa byahe, motorcycle sya.

"Taray love na love si pegasus layo nun ah magmomotor ka lang?"

"Kaya yan."

May pasok pa kasi ako kinabukasan kaya susunod na lang ako sa knila. Sa Pangasinan ang byahe namin bukas bakasyon namin mga katrabaho ko. Madalas na ako mag out of town ngayon yun kasi yung paraan ko para malibang ang sarili ko. Ayaw kong maging malungkot at magmukmok dahil sa nangyari sa relasyon namin ni Kyle. Sa halip lalo kong pinagbutihan ang buhay. Heto ako ngayon nakapundar ng konti para sa sarili nakabili ng sariling motorsiklo. Katas ng lahat ng pagod at pagtitiyaga sa trabaho. Yun bang bahay-trabaho lang ang daily routine mo. Mag iisang taon na din akong barista at pagpinalad pa baka maregular pa ako.

Sa totoo lang sinisimulan ko nang pormahan si Sheryl. Maganda sya, mabait, maingay kasama, at higit sa lahat maalalahanin. Sa tagal ng pagkakaibigan namin napatunayan kong di naman sya mahirap mahalin basta tuturuan ko muli ang puso ko kung paano magmahal. Panahon na siguro para magmahal ako ulit at ngayon sa tama na. Kaya nga ako sasama sa bakasyon nila eh nagpapalakas. Dagdag pogi points ba. Kaya ito ako ngayon sakay ni pegasus tinatahak ang kahabaan ng NLEX. Yung meeting place namin Tarlac, sa bahay ng tropa namin sa ibang outlet. Hindi naman ako nahirapan hanapin yung lugar mababait naman ang mga taong napagtatanungan ko at tinuturo sakin ang tamang daan patungo sa destinasyon ko.

"Trixx kamusta byahe?" Isa sa mga katrabaho ko.

"Okay naman tol. Di naman mahirap hanapin yung shell na sinasabi mo"

"Buti naman di ka naligaw?"

"Oh, tara na kain na" si Sheryl na naghahanda na ng mga pagkain sa mesa.

Ang ganda ng lugar probinsyang probinsya talaga, nasa bukid. Sa labas na kami pumwesto sa limlim ng puno ng mangga mainit kasi kaya mas mahangin kapag sa labas kami kesa sa loob ng bahay. Ansasarap ng mga pagkain, inihaw na isda, atsarang labanos, steamed okra, bagoong at sinabawang gulay. Natakam ako kumain lalo pa't pagod sa byahe. Iba talaga kapag sariwa yung pagkain. Kwentuhan, tawanan, asaran. Masaya kami habang kumakain dala na rin siguro ng excitement namin sa aming bakasyon. Pito kami lahat na nakapunta, ung iba galing sa ibang outlet namin na dati na naming kasamahan.

Pagkatapos naming kumain nagpahinga lang kami ng konti inaya ko si Sheryl na maglakad lakad muna kami para bumaba yung kinain namin bago kami bumyahe para sa talagang puntirya naming lugar. Sa paglalakad namin sa di kalayuan, abot tanaw pa rin naman ang mga kasamahan namin. May fishpond pala dun. Baka doon galing yung isda na inihaw inulam namin. May mga kalalakihan dun na nanghuhuli ng isda. Magbabadya nang maubos ang tubig ng fishpond marahil sa sobrang init ng summer. Wala akong nakikitang source ng tubig para masuplayan ito ng tubig maliban sa kanal na  karugtong nito na tuyo na din at matigas na ang lupa marahil matagal ng hindi nadadaluyan ng tubig. Hindi na kami nagtagal dun. Hindi naman namin kakilala mga tao dun bumalik na kami sa grupo at naghanda na para sa talagang pupuntahan namin. Hundred Island.

Dating  gawi, sila magbubus ako magmomotor. Pagdating ng Pangasinan diretso na kami sa dalampasigan, naghanap ng maarkilang bangka na maglilibot samin sa maliliit at dinarayong The Hundred Islands. Isang malaking bangka na yung kinuha namin para magkakasama pa rin kaming magbabarkada sa pag iikot ng mga isla maganda ang panahon dahil summer. Malinaw ang tubig makikita mo ang mga makukulay at iba't ibang klase ng bato sa ilalim ng tubig, ang mga corals, at iba't ibang lamang-dagat. Kapag may madaanan kaming isla hinhintuan namin at ieexplore. Ang bangkero na din ang nagsilbi naming tour guide. Buong maghapon naming hinalughog ang mga isla sa lugar. Nakatuwa lang pagmasdan ang mga bagong tanawin. Kaya pala maraming gustong makapunta dito kasi sadya kahanga hanga ang ganda ng mga mumunting paraiso dito. Palubog na ang araw nang makabalik kami sa dalampasigan. Naghanap kami ng malapit na resort na pwede namin paglipasan ng gabi kung saan namin ipapatuloy ang minsang kasiyahan ng aming bakasyon. Para magkakasama pa din kami isang malaking kubo na ang napili namin. Dahil gabi na naisip ng buong barkada na mag bonfire habang kumakain pagkatapos ng hapunan sumunod na ang beer at alak. Napuno ng kwetuhan at tawanan ang gabi. Syempre dahil mas close kami ni Sheryl kami ang magkatabi. Ewan ko ba  ba,'t pakiramdam ko masaya ako 'pag parati sya sa tabi ko. Kapag andiyan sya parang okay na ako. Siguro nasanay na ako kasi sya parati ang nagpapatawa sakin. Kaya gusto ko syang bigyan ng puwang sa buhay ko. Baka sa kanya ko mahahanap ung kaligayahan ko na binawi sakin nung magkahiwalay kami ni Kyle. Late na nang mapagpasyahan nilang magpahinga ang iba may tama na din. Maganda ang nakuha naming kubo bukod sa malawak ang espasyo kumpleto na din sa mga gagamitin sa pamamahinga may kutson at sofa bed pa. Hindi mo nga maipaliwanag eh kung kubo ba sya o kuwarto kung titingnan kasi sa labas mukha syang malaking kubo pag nasa loob ka na para syang master bedroom n gawa sa kahoy at kawayan dahil kugon ang bubong nito hindi mainit sa loob kaya kahit electric fan lang at lamig ng hangin sa madaling araw na pumapasok sa siwang ng papag at dingding makakatulog ka na ng presko.

Kinabukasan.

Meron pa kaming buong umaga para i-enjoy ang bakasyon namin kaya pagkatapos namin mag almusal at mag kape nag swimming muna kami sa hapon pa nman ang balik namin Maynila. Saka late na din kami nagising kaya kailangan na namin lasapin ang natitira namin oras. D n namin alintana ang mataas n sikat ng araw sa tanghali minsan lng naman 'to. Nagpalipat lipat kami ng dagat at pool kung saan lang namin gusto magswimming. Pinagsawa namin ang aming mga sarili. Nang mapagod ay nagkanya kanya ng banlaw at nagready na para umuwi ng Maynila.

"Ano mga pre, success?" Masayang sabi ni Carl sa buong barkada. Bahay ng mga magulang nya ang una naming hinintuan sa Tarlac sya din ang nagplano ng lakad naming ito.

"Kitakits na lang tayo sa Maynila mga pre."

Pagpapaalam ko. Ako kasi ang mahihiwalay sa grupo kasi magmomotor ako samantalang sila naman magcocomute. Anim na oras ang byahe kapag nagbus o van depende sa daloy ng traffic.

All the Years (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon